Umasang PUNO.

71 3 0
                                    

Sa tuwing makikita siya bigla na lang mapapangiti
Habang siya ay papalapit hindi mo alam ang gagawin
Pero noong wala pa siya ika'y nananalangin kung kailan kaya siya darating

Nasa harap natin pero hindi man lang masabi ang nasa isipan o maparamdam ang nais ng ating puso
Siya ay dumalaw at ngumiti na tila'y may pag-asa mula sa kanyang mga salita. Ika'y nakinig at malinaw na umasang balang araw baka ikaw ang tinutukoy ninya

Patuloy na pinakinggan kanyang istorya. Araw-araw napuno ng ligaya ang iyong paligid sa kanyang bawat pagdating. Ngunit ang lahat ay nagbago nang dalhin niya ang isang tao sa iyong harapan at  sabihin..."siya ang tinutukoy ko noong unang araw na pagpunta ko rito...sinabi ko sayo na dadalhin ko ang taong mamahalin ko at iuukit ko ang aming mga pangalan sa IYO."


Isang hamak na puno ang umasa
Isang puno na nagsilbing mata at tenga ng istorya mo
Isang nanahimik at nananatiling nakatayo para masaksihan ang iyong buhay pag-ibig


Hindi makakibo. Hindi makapagsalita.

(Tagalog 101 ni Jamie)
Habang pinakikingan ang mga awitin sa aking gamit pakikipagtalastasan (cellphone) ay biglang sumagi sa aking isipan na sumulat o lumikha ng isang maikling istorya. Nagtatampok ito ng damdamin ng isang puno. Naisip ko lang paano nga kung may damdamin siya at nakapagsasalita...ano kaya ang masasabi niya?

Lahat BagayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon