Unang YAKAP.

40 2 0
                                    

Mapayapa ang paligid buong araw

Walang inaalala Walang iniintindi

Inakala mong ayos lang ang lahat

Walang bakas ng kalungkutan

Hindi mo naisip na may mali

Hindi rin naramdamang may nasasaktan

Ngunit dumating ang kadiliman

Biglang may lumapit at ika’y niyakap ng mahigpit

Isang nilalang na patuloy na lumuluha

Gusto mong itanong kung ano ang nangyari

Dahil ramdam mo ang sakit sa bawat yakap at luha mula sa kanya

Pero hindi mo magawa kasi isa ka lang unan

Unan na mayayakap kapag ang puso ay sobrang nasaktan

Unan na tanging kasama sa mga panahong walang pweding makarinig ng kanyang hinaing

(Tagalog 101 ni Jamie)

Hindi ko alam pero bigla ko na lang nasundan ang ideyang nagsimula sa isang puno. Isang puno na umasa at ngayon naman isang unan na niyayakap kapag nasaktan ng sobra ang isang nilalang. Hindi ba kapag ayaw mong malaman ng mga tao na ika’y lumuluha …ang ilan ay kukuha ng unan at yayakapin itong mahigpit? Yayakapin na tila wala ng bukas, luluha hanggang matuyo ang kanilang mga mata at makatulog. Sabi ng matalik kong kaibigan ano kaya ang susunod sa istorya nung puno? Sa pagkakataong ito hindi na puno kundi isang unan.  Isang unan na handang dumamay kapag ika’y nalulumbay. Ngunit sa mga panahong iyon wala ba tayong pweding gawin kung hindi umiyak na lang?

Lahat BagayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon