Naghihintay na may makapansin
Ilang panahon ang lumipas ngunit wala pa ring nagkagusto
Ngunit isang araw may dumating at nagbigay ng atensyon
Araw-araw magkasama sa bawat paglalakbay
Mga importanteng okasyon ng buhay ay kaagapay
Hindi malilimutan ang bawat pinagsamahan
Simula hanggang dulo iyong inaasahan na magtatagal
Pilit iniisip na walang katapusan
Pero lahat nagbabago. Lahat maaring mag-iba
At ngayon ay oras na para magpaalam
Hindi man matanggap na tayo’y magkakalayo
Laging maaalala ang bawat sandali na tayo ay magkasama
Hindi maiwasang maluha
Isa lang kasi akong sapatos na pweding pagsawaan
(Tagalog 101 ni Jamie)
Puno.Unan. Ano naman ngayon? Habang nasa loob ako ng aking silid ay nakita ko ang mga sapatos ko. Sa totoo lang may gusto akong bilhin na sapatos. Ngayon inisip ko kung ano ang sitwasyon ng isang sapatos na nakadisplay sa istante ng isang tindahan sa mall. Maaaring matagal na itong naka-display at walang pumapansin. Hindi natin alam kung gaano katagal itong naghintay. Pero bigla rin akong napa-isip na paano kung may nagkagusto na ritong bumili? Oo, masaya dahil sa bawat lakad kasama mo sapatos pero kapag dumating ang panahon na kailangan ninyong mahiwalay makakaya mo ba?
BINABASA MO ANG
Lahat Bagay
RomanceIsang koleksyon ng maiikling kwentong makapupukaw ng iyong imahinasyon. Basahin upang maintindihan "Bakit nga ba LAHAT BAGAY" ? -Jamie Rubio