Pagtakbong TUMIGIL.

19 0 0
                                    

Sa bawat pagsikat ng araw at paglitaw ng buwan

Aking nasaksihan ang pagmulat at pagpikit ng iyong mga mata

Tila tulog mantika ika’y nakahiga muntik na akong tumawa ngunit hindi magawa

Nais pa kitang pagmasdan pero kailangan na kitang sabihan

Na harapin ang panibagong araw ng may ngiti sa iyong mga labi

Ika’y tumayo at sinunod ang aking sinabi

Ako’y nagalak na iyong binigyang halaga ang munting paalala

Akala ko ito’y tatagal at ika’y susunod

Sila’y tama at ako’y nagkamali na ika’y aking mapagbabago

Kasama mo ako pero hindi ako naaalala

Kahit iyong makita pilit mong hindi pinapansin

Hanggang dumating ang panahong wala nang natira mula sa akin

Tumigil at hindi na tuluyang tumakbo

Isang Orasang napagod magpaalala sa iyo kung gaano kahalaga ang panahon

(Tagalog101niJamie)

May mga nasulat akong maiikling istorya at sa bawat kwento gusto ko ring makapagbigay ng mga mensahe tungkol sa ating buhay. Ang bawat minuto o sabihin na nating segundo ay mahalaga. Bakit naririnig natin sa mga doctor na kung nadala natin ang pasyente ng ilang minutong huli baka hindi na nila naisalba ang buhay niya? Ganoon ka importante ang bawat oras. Hindi nga natin alam kung kalian mawawala ang isang mahal natin sa buhay. Kahit ang nararamdaman ng isang tao hindi mo masasabi kung kalian magbabago. Maaaring ngayon mahal ka niya pero bukas hindi na. Paano kung sa isang interview nahuli ka ng ilang minuto at sinabi sayo na may nakuha na silang ibang aplikante? Paano kung hindi ka nakarating sa oras ng date niyo at biglang sinabi niya “break na tayo”? Paano kung huminto na ang orasan at hindi mo na maaaring galawin? Hindi panandalian. Hindi rin pangmatagalan pero panghabang buhay. Panghabang buhay itong huminto, may magagawa ka pa ba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lahat BagayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon