Kay sarap pagmasdan ng iyong imahe
Kay sayang makita araw-araw
Ang mga ngiti mula sa iyong mga labi
Lagi kong pinagmamasdan
Sa iyong mga mata
Aking nakikita ang nilalaman ng iyong puso
Mabuti at busilak.
Pero dumating ang isang araw
Ako'y nabigla sapagkat pilit mong sinisisi ang iyong sarili
Sa isang bagay na dulot ng isang taong di ka pinahalagahan
Ngayon, tila di ko makayang luha ang lumalabas mula sa’yong mga mata
Habang nakikita, ako'y nasasaktan
Pero ang maaari ko lamang gawin ika'y pagmasdan
Isang salamin na hindi mabago ang nakikita
Isang salamin na repleksyon ng taong nasasaktan
(Tagalog 101 ni Jamie)
Salamin. Ipinapakita lamang nito ang kanyang nakikita. Hindi maaring baguhin. Kapag ika'y naka ngiti, nakasimangot, nagagalit o kahit nalulungkot… iyon ang makikita mo mula sa salamin.
Tumakbo na naman ang imahinasyon ko. Madalas bigla na lang akong napapasulat ng istorya hango sa mga bagay na aking nakikita. Ngayon may mga katanungan ako para sa inyo. Paano mababago ng salamin ang kalungkutan mula sayo? May magagawa kaya ito upang ika'y mapasaya? O kaya naman sayo rin nakasalalay ang iyong kaligayahan?
BINABASA MO ANG
Lahat Bagay
RomanceIsang koleksyon ng maiikling kwentong makapupukaw ng iyong imahinasyon. Basahin upang maintindihan "Bakit nga ba LAHAT BAGAY" ? -Jamie Rubio