Bago at banayad Parang napakasarap sabihing
hindi kailan man magbabago ang lahat sa atin
Dahil noong ako'y kasama mo naramdaman kong ika’y lumigaya
Alam kong sa paglipas ng panahon maaaring magbago ang lahat
Sa bawat araw na kasama kita tila ba darating ang panahon
Kung saan hindi mo maaalala ang bawat pagsasama nating dalawa
Ito na ang aking kinakatakutan
Ang iyong kusang kalimutan ang mga alaalang pinasaluhan
Sa isang tabi ako'y inilagay na parang walang buhay
Dahan dahang nawalan ng halaga
Isang tuwalyang gamit sa araw araw
Biglang napalitan ng lungkot at lumbay
nang iyong talikuran at gawing basahan
(Tagalog 101 ni Jamie)
Sa aming paglalakad patungong sakayan biglang nabangit ni Eme na gusto niyang gumawa ako ng istorya tungkol sa isang basahan. Sinabi ko na gagawa ako at dahan-dahang uunawain ang damdamin ng bagay na ito kung magkakaroon ito ng buhay. At heto na nga ang kwentong nagmula sa aking isipan. Sa tingin mo ba may pagkakataon na ika'y naging basahan? Mga panahong akala mo mahalaga ka …pero pagdating sa dulo parang nawala ang lahat?
BINABASA MO ANG
Lahat Bagay
Roman d'amourIsang koleksyon ng maiikling kwentong makapupukaw ng iyong imahinasyon. Basahin upang maintindihan "Bakit nga ba LAHAT BAGAY" ? -Jamie Rubio