Bago ang lahat

578 16 0
                                    

Tuyo na ang mga sugat, maayos na ang buhay ni George at alam niyang may direksiyon na ang buhay niya mula sa nagdaang halimaw na muntik nang kubkubin ang kaniyang mga pangarap.

At higit sa lahat, kinalimutan na niya ang kauna-unahang lalaking bumali ng prinsipyo at paniniwala niya, si Nathan. Matagal na niyang tinanggap na baka hindi na sila muli pang magkikita ng matalik na kaibigan.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Gagawa at gagawa ito ng paraan para muling magtagpo ang kanilang landas.

Sa loob ng limang taon, tila ibinalik si George ng mga pamilyar na emosyon nang makita niya ang kaibigan isang gabi sa mataong kalye ng Cubao.

Hiram na isang gabing paglalakad sa ilalim ng mga kalawakan. Kung paanong ang mga bituin sa itaas ang nagsilbing gabay para pagsugpuin ang dalawang taong matagal nang ipinaglayo ng tadhana.

Gusto pa sana nilang bagalan ang paglalakad, gusto pa sana nilang makasama ang isa't-isa habang kumikinang ang bituin sa itaas. Gusto pa sana nilang pahabain ang isang gabing magkasama.

Pero hindi nila hawak ang oras, o ang mga tala sa itaas para patigilin ang mga ito sa pagbagsak.

Ang sabi nila walang hanggang pero heto silang dalawa, nasa dulo.

-

Date Started: April 3, 2018
Date Finished: June 12, 2018

artcover by @anjmagdami

Sa Dulo  (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon