Bago Marating ang Dulo

781 21 6
                                    

Isinuklay ko pataas ang buhok gamit ang kamay saka isang lagok na ininom ang kape. Hindi pa man din tapos na ibutones ang longsleeves ay nagsimula na akong bagtasin ang eskinita palabas ng village namin.

Maaga pa pero hindi para sa akin.

Malilintikan na naman ako sa team leader ko kapag naipit na naman ako sa traffic. Gusto kong isisi sa mga traffic enforcer kung bakit hindi umuusad ang daloy ng trapiko pero kapag maiisip kong ginagawa lamang nila ang trabaho ay nakokonsensya ako.

Pero alam kong kaya ganito ako mag-isip ngayon ay dahil sa hang-over ko kagabi. Nagkayayaan kasi ang buong team ng night out diyan sa chill top malapit sa building namin. Kaya heto ang lakas ng amats ko ngayon.

I'm a part of Product Data Operation sa isang kilalang BPO Company sa Cubao. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang binagsakan ko, samantalang Computer Science graduate naman ako.

Maybe in corporate world, if you really want to get a job. You need to adjust your skills and maximize your knowledge for the areas you are not familiar to.

Sabi nga nila, "There's no growth in comfort zone." Kung patuloy lang tayong mag-iinvest sa mga bagay na alam na natin o magaling na tayo. Baka hindi na tayo mag-improve pa sa ibang bagay.

Kaya naman ng mga unang araw ko sa trabaho ay todo ang adjustment na ginawa ko. Sana talaga ay nagseryoso ako nang college or atleast I had give my best to expertise any programming language. Hindi ngayon na parang naliligaw ako sa kung anong profession ang dapat na tinatahak ko.

Saka lang lumuwag ang dibdib ko nang makasakay na ako ng bus dahil alam kong dire-diretso na ang biyahe ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing luluwas ako sa maynila ay bumabalik sa akin ang pamilyar na sensasyon na kinalimutan ko na limang taon ang nakalipas.

Pilit kong inalis sa isipan ang mga bagay na iyon. Hindi ngayong alam kong patay na ang mga paruparong nilikha niya buhat nang nagdaang limang taon.

Ipinikit ko ang mga mata saka hinayaang malunod ako sa musika mula sa earphone na nakalagay sa magkabilang tainga.

"Hindi ka pa ba sasabay sa pagkain?" sambit ni Gwen sa akin. Tinanguan ko lang siya indikasyon na mauna na siya sa lunch. "'Wag ka ngang magpakabayani diyan sa projects natin!" bulalas pa niya saka ko siya binigyan ng isang ngisi.

Umalis na lang siya nang marealize niyang hindi talaga ako sasama sa lunch hangga't hindi ko naaayos ang mga ginagawa ko. Ito ang naging libangan ko. Ang abalahin ang sarili sa mga pinapagawa or makipag-unahan sa mga deadlines.

Hindi naman espesyal ang araw na ito, usual routine kumbaga. So this is adulting, huh. Nawawalan ka nang oras para sa social life mo. Mas inuuna ang priorities kaysa sa iba.

Napatawa na lang ako dahil alam kong isinara ko na ang pintuan para sa mga taong makikilala ko pa. Natakot akong mangyari na naman ang nakaraan. Hirap akong magtiwala sa kahit sinong darating sa akin para guluhin ang katahimikan na pinangangalagaan ko.

Nathan Tuazon sent a friend request.

Nag pop-out ang isang friend request sa akin sa facebook notification. Hindi ko inaasahan na muli siyang magpaparamdam. Gusto kong magmura! Tangina.

Unti-unting pumakla ang pakiramdam ko. Hindi ko alam na ganito pa rin pala ang epekto niya sa akin. Binitiwan ko ang mouse saka isinandal ang sarili sa upuan.

Sa Dulo  (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon