Chapter 10 ( Living with who ? )

34 1 0
                                    

~ TAEYEON POV*

Saturday ngayon kaya nasa mansion ako dahil pinapatawag ako ni mama wala naman akong magawa kundi sundin siya nakakatakot pa naman siya pag nagagalit hay naku.




" HI EOMMA " Sigaw ko nakita ko naman Si mama sa sala nakaupo.





" Please don't shout anak, umupo ka dito. " Umupo naman ako sa katapat ni mama.



" Bakit eomma ? May problema ba ? " Tanong ko.





Umiling naman siya at ngumiti.



" I have something to tell you. " Sabi niya " I want you to be prepared and gusto ko maglinis kayo ng bahay. "



Nanlaki naman ang Mata ko sa sinabi ni mama.
Wag mong sabihin na bibisita sila papa ?




" Wait ma , bakit naman kami maglilinis ng bahay?
Bakit dadating ba sila Papa? Wag mong sabihin na umuwi na sil---- "



Aiiiiishhhh Binatukan naman niya ako.



" Manahimik ka muna Taeyeon ! " Suway niya " Patapusin mo muna ako. " Tumango na lang ako

" May makakasama kayo sa bahay. "



" Oh yun lang naman pala ma. Madali lang siguro yan i-close yung makaka----- "


" Lalaki ang makakasama niyo. "


" ANO!? " Sigaw ko at napatayo " Aba naman ma ginagago mo ba ako ? " Asar na tanong ko. Binatukan niya naman ako ulit. Aiiiiisshhhh!


" Bibig mo Taeyeon ! " Suway niya. Sinimangutan ko naman siya. Umupo at nag-cross arms.





" Hindi ako papayag ma. " Sabi ko






" At bakit naman ? " Sabi niya rin. At nag-cross arms.



" Kasi ayoko at panigurado naman na hindi din papayag ang mga girls lalo na sila Yoona at Krystal alam mo naman yung ugali nung dalawa e. Ilan bang mga lalaki yan? " Tanong ko.




" Twelve. "





" Abat talagang ginagago mo nga ako ma. "


" Napagusapan na namin to ng mga tita mo pati din ng mga magulang ng boys. Para rin to sa business natin. " Paliwanag niya






" Ano naman connect ng business natin sa pagtira ng mga twelve na lalaking yun ? "






" Basta sa amin na lang yun at hindi mo din naman maiintindihan. "





Umiling- iling naman ako.





" Ayoko! " Madiin na Sabi ko





" Papayag ka o paghihiwalayin namin kayong magkakaibigan ? Mamili ka? "






" Kailan sila lilipat ? "






" Bukas "





~ SUHO POV*





" Guys may joke ako! " Hyper na sabi Ni Chen





" Talaga ?! Kwento mo sa pagong " Sabat ni Kai



" Weh ? Tapos Kai ? Ikakaputi mo na yan ? "



" Ugok! "





" Tigilan mo na nga yan Chen. Sawang sawa nakami sa mga jokes mong corny " Sabi Ni Luhan " Hoy Suho, bat mo ba kami pinagtipon dito sa living room? Anong trip mo? Natutulog yung tao e " Asar na tanong niya.






" Oo nga naman may problema ba? " Si Tao.





Umiling naman ako




" Mag-empake na kayo. " Sabi ko. Naunang nag-react si Xiumin.




" Suho kung gusto mong palayasin kami rito. Ikaw na lang ang lumayas mas okay pa. " Sabi niya.





" At bakit naman kami mag-eempake? " Tanong ni Chanyeol







" Lilipat tayo ng ibang bahay. " Sagot ko







" What? " React naman ni Kris







" Kris, mahaba lang ang baba mo pero hindi kanaman bingi. " Sabi ni Tao. Sinamaan naman siya ng tingin ni Kris.





" Anong ibig mong sabihin ? Bat naman tayo lilipat? " Tanong ni D.O




Nagkibitbalikat naman ako " Utos ng parents natin. Atsaka may makakasama daw tayo " Sabi ko




" Wow naman nice. Ano naman trip nila ha? " Sabi ni Baek. Na mukhang nabubusit sa trip ng parents namin.





" Babae o lalaki? " Tanong ni Chen






" Mga babae daw " Sagot ko





" Mga? So it means madami? Nice naman " Sabi ni Kai. Na mukhang tuwang tuwa.





Binato naman ni Chanyeol ng unan si Kai " Ang landi mo talaga " Proud namang tumango si Kai.





" Bat hindi ka tumanggi? " Tanong ni Sehun





" Business. " Simpleng sagot ko.




Actually sinubukan ko namang tangihan si mama e, kaso tinakot niya ako Kaya wala akong choice kundi sundin siya hay.



" Bukas na tayo lilipat kaya dapat mag-empake nakayo. " Sabi ko sa kanila at umakyat na.

When They Meet each Other Where stories live. Discover now