~ JESSICA POV*
*Kringggggggggggggg*
Nagising ako sa bwesit na tunog na yun. Napatingin ako sa alarm clock sa gilid ko at agad na tinapon yun.
" Naku naman Jessica pang limang alarm clock na yang sinira mo. " Ani Kai habang umiiling iling pa.
'TSK!'
Napalingon naman ako sa iba na natatawang sinusulyapan ako habang naka busangot ang mukha dahil sa kakulangan sa tulog.
"Tsh." Singhal ni Kris at nauna ng pumunta sa banyo para mag hilamos.
Hihiga pa sana ako ng hilayin ako ni Yuri. " Halika na Jess, wag kana matulog. "
" Wag kang epal Yul, 5 minutes pa. " Inaantok kong tugon.
" Wag na Jess baka malate tayo. " Hinila-hila pa ako ni Yul para tumayo at kumilos na.
Pero sa huli ako pa din ang nanalo at umalis na silang tatlo. At umidlip nako ng 5 minutes.
~ THIRD PERSON*
Umalis na ang lahat at naiwan si Kris na nagbabantay kay Jessica na mahimbing natutulog sa kama.
'Tch!' Singhal ni Kris sa kanyang isipan ng makitang mahimbing na natutulog si Jessica.
Nagtaka si Kris kung bakit nagpaiwan pa siya para lang samahan si Jessica.
' Wait, bat nandito pa ako sa bahay? Dapat nasa klasi nako at hindi dapat binabantayan tong tulog mantikang babaeng to...' Takang singhal ni Kris sa kanyang isip.
Dahil sa kainipan kahihintay kay Jessica na magising ay nakaramdam siya ng gutom. At napag desisyonan niya na bumaba at kumain.
Makalipas ang isang oras na paghihintay, biglang nagising si Jessica at bumangon at dumiretso sa banyo upang mag-hilamos.
Naramdaman naman ata ni Kris na gising na si Jessica kaya naman dali-dali na siyang umalis sa kwarto at nagmadaling lumabas ng Villa at pumara ng taxi papuntang campus.
~ JESSICA POV*
Naalimpungatan ako kaya't bumangon nako at tumingin sa orasan.
9:29 AM.
Nanlaki ang mga mata ko nung nakita kong isang oras ako naka idlip.
'Shit! I'm damn late! Tsk!'
Dali-dali na'kong bumangon at nagpunta sa banyo upang maghilamos.
Pagka-labas sa banyo dali-dali na kong nagbihis ng uniporme at sinuot na agad ang black shoes ko.
Pag kadating ko agad sa campus nakita kong wala nang mga students na palakad lakad sa Corridor.
'Arghhh damn. I'm late for god sake. Tch.'
Umakyat nako sa pangalawang palapag at tumakbo sa Corridor para makarating sa hagdan ng pangatlong palapag kung saan ang classroom namin.
Bago pa ko maka apak sa pinakahuling hagdan patungo sa classroom namin ay may naka bungguan ako kaya't na out of balance ako pero biglang hinila ng lalaking naka bungguan ko ang braso ko at nilapit papalapit sakanya para hindi ako mahulog sa hagdan.
Pero ang mga gamit ko naman ang nahulog pababa sa hagdan.
'Damn.. this life.'
Agad naman akong umalis mula sa pagkakahawak ng lalaking naka bungguan ko at kinuha ang mga gamit ko nagsikalat-kalat na sa hagdan.