Chapter 1

8 2 0
                                    

Powers

Matapos naming kumain ay sabay kaming tatlo na umuwi sa aming building.

Papasok na sana kami sa elevator nang may tumawag sa akin.

"Ms. Wooston, Wait!" Sigaw ng babae kaya binalingan ko siya. "Ms. Wooston, susukatan ka namin para sa uniform mo."

Tumango ako at sumunod sa kaniya.

"Your waist is so small, Miss." Puna niya. "24."

Bahagya akong namula. Is it a compliment? I don't wanna read her mind because I know my limitations.

"All done!" She said and smiled. "Bukas namin idedeliver."

Tumango ako at umalis na. I entered my room tiredly. I feel so exhausted.

Nagshower muna ako bago humiga sa kama. Tomorrow's the first day of my official class. I already have the schedule. Nasa table ito pagkapasok ko pa lang at tinignan bago nag-ayos ng damit kanina.

I turned off the lampshade so I can sleep properly. I need a good sleep because tomorrow will be exhausting.



I'm done taking a shower when my room's bell rang. Binuksan ko ang pinto at nakita ang babaeng nagsukat sa akin kagabi. May hawak siyang uniform at box na ibinigay niya sa akin kaya agad kong tinanggap.

"That's your uniform, Miss Wooston." Aniya.

"Thank you." I said sincerely.

"You're welcome. If you need anything or help, you can call our department." Tumango ako at ngumiti.

Nagpaalam muna kami sa isa't-isa bago siya umalis. Sinarado ko ang pintuan at nilatag ang dalawang set ng uniform sa aking kama.

It's a croptop uniform but the skirt is high waist so that our skin won't be shown. Parehas lamang ang uniform na dala ng babae. Navy blue ang kulay ng palda na hanggang baba ng tuhod at may bulsa ito sa magkabilang gilid. Ang uniform naman ay long sleeve na kulay white habang sa dulo ng manggas nito ay navy blue pati na rin ang mga butones. May nakasulat din na apelyido ko sa gilid.

I opened the box and saw one pair of black pumps. Wow! I never wear pumps since my parents died.

Hinubad ko ang roba ko at dahil may suot na akong panloob ay agad kong sinuot ang aking uniform. Sinunod ko naman ang skirt na may parang cycling sa loob.

Humarap ako sa salamin na nakadikit sa pinto matapos kong suotin ang aking pumps. Tinali ko ang aking buhok bago lumabas ng aking kwarto bitbit ang black attache case na binigay ng school. May name rin ito para hindi magkapalitan ang mag-aaral.

Pagkabukas ng elevator ay nagulat pa ako nang makita ang tatlo, ang kambal at si Farius.

"Uy! Hello, Azariah!" Bati ni Galla at Gallo. I greeted them back and smiled a bit.

"Anong section mo?" Tanong ni Galla at inayos ang salamin.

"A."

"What?! So kasection ka pala namin?! Nice!" She exclaimed. "Simula ngayon, sumabay ka na samin."

Tumango lamang ako at lumabas na nang bumukas ang elevator.

We entered the van that will bring us to our building. It's a 5-minute drive from our dorm.

Lumabas ako at hinintay sila Galla bago kami nagsimulang maglakad papunta sa aming klase.

We stopped infront of section A's door. Hindi ko inaasahang sa pagpasok ko ay may sasalubong na papel sa aking mukha. Sumapol ito sa akin dahilan upang mapatahimik sila ngunit kalaunan ay may mga tumawa.

Nasaurus Academy: Battle Between DimensionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon