Chapter 1

16 1 0
                                    

Ang ganda ng gising ko dahil ngayun ay araw ng sabado makakapag pahinga na din ako kasi nakakapagod din mag aral (dijuk Lang) Pero bago ako umalis SA higaan ko pinakinggan ko nalang muna ang mga huni ng ibon at ang daloy ng hangin. Ang sarap talaga mamuhay dito sa probinsya hindi lang dahil SA malinis ang tanawin kundi masagana pa sa pagkain.

Ako nga pala si Bettani Guizon isang simpleng babaeng nag aaral ng mabuti, 3rd year high school na ako. I'm 16 years old isang ssg president sa school namin kaya medyo napapagod ako kasi madami akong ginagawa.

"Bettttttttttttttttttt!" Napabalikwas ako saking higaan ng marinig ko ang malakas na boses ni nanay. "Poooooooooo naaay" sigaw ko habang naka upo parin saking higaan. "Anong oras na! Wala ka pang nagagawa. Araw ng sabado ngayun tulongan mo ako dito maglinis!" "Teka Lang po ililigpit ko Lang po Yung higaan ko baba na po ako nay!" Sagot ko habang nagsusuklay ng buhok.

Dali Dali akong nagligpit ng higaan para mapabilis ito at makatulong na sa baba, magagalit nanaman si nanay pag di ako nakapaglinis o Wala man Lang akong nagawa. Mabait yung nanay ko ayaw niya Lang na lalaki akong walang natutunan sa mga gawaing bahay yan lang Naman Ang gusto niya Ang tapusin muna lahat nang mga Gawain dito bago ako umalis ng bahay. Pero di Naman talaga ako umaalis palagi lang ako nakatambay sa bahay.

Habang nagliligpit ako iniisip ko din Kung ano mga dapat Kung gawin o baka may takdang aralin ako na dapat sagutan o mga bagay na dapat ko lang talagang gawin.

"Beetaaaaaaaaniiiiiii!"
"Ito na po pababa na poooooo" muntik pa akong mahulog sa hagdan dahil sa pagmamadali kong makababa. "Kumain kana muna at tulongan mo 'ko agad doon SA likod ng bahay natin at magtatanim Tayo ng gulay" Sabi Niya habang naghuhugas ng Plato. "Opo" sagot ko naman.

Kahit talaga minsan naiinis ako sakanya kasi panay sigaw siya nawawala din Naman Yun kasi dahil sobra niyang mag alaga saakin. Wala kasi dito ang pamilya ko nasa ibang lugar, Hindi sa ibang bansa kundi ibang lugar Lang. Habang ako nandito sa probinsya andito lang Naman ako kasi dito ako dapat makapagtapos ng highschool bago ako uuwi saamin. At Chaka naman may katulong din si nanay syempre medyo may edad na Kaya dapat may kasama siya.

nang matapos na akong kumain hinugasan ko na kaagad ang pinagkainan ko baka mamaya itapon pato sakin ni nanay lagot na nakakatakot pa Naman magalit Yun.

Hinanap agad ng mga mata ko si nanay at yun nakita ko na "naaaaay! Ano ba gagawin?" "Kunin mo dun yung mga tubig nasa labas tas dalhin mo dito Chaka mo pagdiligan lahat yan." Sabi niya habang naghuhukay. Tumakbo ako agad para makapag dilig na.

"Nay tapos na po." Tawag ko sa kanya habang siya ay naghuhukay parin. "Mag linis ka doon sa loob at magluto kana din bago mo gagawin yung mga gusto mong gawin." "Sige po nay." Naglakad na ako pabalik, papasok na sana ako sa loob kaso tinawag ako ng kapitbahay namin. "Bet, ito mga dina ginagamit ng anak ko na mga damit sayo na parang kasya Naman to sayo eh."

Tinakbo ko agad, syempre ikaw ba Naman bibigyan ng damit. "Salamat po, Auntie" pagkatapos kong makuha ang mga damit na bigay niya ay agad Naman akong nagtungo sa bahay at nilagay yun sa mahabang upoan.

Nakapagsaing at nakapaglinis na ako Kaya napagplanohan kong maligo na bago ko tignan ang mga damit na bigay sakin. Pumunta muna ako SA kwarto ko at kinuha ko yung towel.

After 22982727 years (dijuklang) ay natapos din akong naligo. Suot ko yung pinaka paborito kong pajama chaka nagsuot din ako ng malaking t-shirt total na sa bahay lang din Naman ako so ano problema dba ?..  Kinuha ko yung bag ko sa lalagyan nito at dalhin sa sala bago ko halungkatin lahat yung bigay na damit ni auntie.

Nang medyo komportable na ako ginalaw ko na ang mga damit. "San ba galing yan?" Bigla akong napatalon dahil sa gulat. "Nay! Ndi po ba uso sayo ang kumatok muna bago pumasok? Kakagulat ka naman eh!" Pagmamaktol ko, madali lang kasi akong magulat. "Ayan, sa kakainom mo yan ng kape eh. Kahit hapon umiinom ka" ganon ba talaga ? Iiwasan ko na magkape. "Bigay nga pala ni auntie selma nay mga di na nagagamit na damit."

Mutual Understanding ( Ongoing )Where stories live. Discover now