Chapter 2

8 1 0
                                    

Kakatapos ko lang maligo para maghanda kahit 6am pa lang 8am pa pasok ko eh. May gagawin pa Naman ako ngayun sa tambayan naming mga ssg SA school may pag uusapan daw kasi.

"Naaaay! Kain na po Tayo, handa na po lahat" sigaw ko Kay nanay kasi nga nasa labas siya at nagwawalis sa harap ng bahay. "Mauna kana apo para makapasok kana agad chaka kunin mo lang yung 70pesos sa taas ng tv pag aalis kana." Sabi niya habang nagwawalis, Okay na sakin ang 70pesos kasi ang lapit lapit lang ng school namin sa totoo lang. Kaya medyo madami dami na din yung naipon kong pero para sa paparating na araw ng brgy. Para naman mabili ko gusto ko di naman ako masyadong burara sa pera.

"Nay alis na po ako, kumain kana din po pagkatapos mo jan." Umalis na ako agad tama tama din 7:50 na sampung minutos nalang para magsimula na yung klase ko.

Habang papunta na ako sa school nakita ko sina Andre at Migs pati yung tatlo pa nilang barkada, Pagkapasok ko sa gate alam kong napansin na nila ako. Hindi ako umimik medyo may pagka anti-social din ako eh.

"Goodmorning pres!" Masiglang bati saakin ni Mike yung kaibigan nila. "Goodmorning din" sagot ko sakanya at malalaking hakbang agad ang napagawa ko para makalayo agad sa kanila, iwan ko ba, diko lang talaga gusto pag may mga lalaking nag kumpolan nahihiya ako.

Baka nagtataka kayo na isang 3rd year high school pa ang naging president dito eh may 4th year high school Naman. Iwan ko din nalaman ko nalang kasi na Hindi na sila pwede patakbuhin kasi nga graduating na sila ng High School Kaya ayun diko Rin naman iniexpect na ako ang mananalo.

"Beeeetttttttttt"
tngina napalingon agad ako Kong Sino tumawag sakin bat ba bigla bigla nalang sila sisigaw nakakagulat eh.

"Beeeeeeeeeet may naghahanap sayo kanina mga lalaki taray haba ng hair dami mong boys penge Naman" Sabi niya habang hingal na hingal pa akalain mo nga naman tumatakbo kasi ang kumag eh. "Kilala mo ba sila? Sino ba sila ? Ilan ba sila?" Sunod sunod na tanong ko sa isa kong kaklase.

*Ting ting ting ting ting*

Biglang tunog ng paghampas ng bell, hudyat na mag sisimula na ang klase. Hindi tulad ng private school na may ring bell talaga, dito sa 'min isang teacher o student pa kailangan maghampas non para malaman na magsisimula na ang klase.

"Mamaya nalang natin pag usapan yun magsisimula na first subj. Natin Tara" sabay kuha ko sa kamay Niya at hinila papasok sa room. Bago paman ako naka pasok nakita ko si migs na nakatingin sakin. Weird naman.

Natapos ang buong klase ng maayos minsan kasi di pumapasok teacher namin eh magbibigay lang ng mga gustong ipapagawa saamin Chaka kami iiwan sa room. Hindi na ako nagtagal at nagtungo na ako sa Ssg Office or should I say our best tambayan ng ssg. Pagkapasok ko andun na pala lahat putek naman ako nalang pala kulang eh.

"Ano ba pag uusapan natin? Bat may biglaang meeting?" Bungad ko sakanila habang nilalagay ko bag ko sa isang malambot na upoan. "Sabi kasi ni Ma'am Ana yung head ng P.E kailangan daw natin pag usapan yung tungkol sa banda na magaganap sa intrums" sagot niya habang may inaayos.

Malapit na nga din naman intrums at yung araw ng brgy ay magkasabay, Kaya meron kaming mga events namagaganap sa gym. Dito rin sa loob ng campus. Mga palaro para sa mga kapwa ko students.

"So Yun na lahat guys, lahat Tayo may kanya kanyang panghahawakan na tungkolin. Kasi tayo din Naman ang inaasahan ng ating mga guro saakin kailangan ko ng kasama para dun sa mag assist sa basketball kasi may sinalihan din akong volleyball baka magkasabay yun para naman may umasikaso kunwari man ay magkasabay nga ito." Sabi ko habang nakatayo sa upoan kong saan ako huminto kanina.

Paglabas ko nabigla ako anjan na pala matalik kong kaibigan kasama jowa niya.

"Kayo Lang?" Bungad ko. "Bakit? Sino pa ba gusto mong makasama maliban samin?" Sagot ng bestfriend ko. "Ah wala naman nakakapanibago lang, Tayo Lang tatlo" "Asus kunyari kapa eh hinahanap mo Lang Naman si migs eh" singit niya. "Luh, parang tanga to"

Pagdating ko sa bahay di na muna ako nagbihis nagluto na muna ako Chaka di Naman ako naka uniform eh may damit kasi kami na everymonday suot namin yun pati Friday meron din.

Lumabas muna ako para kunin Yung sinampay ni nanay diko alam naglaba pala siya ng damit ko pati sakanya. Paglabas ko sakto naman nakita ko si migs ang weird bat nakikita ko siya ngayun simula pa kanina eh medyo malayo layo pa bahay nila dito sa 'min mga labin limang bahay pa Chaka mo marating yung bahay nila. Diko na pinansin baka may binili lang di ko din Naman siya masyadong close eh magkasabay lang talaga kaming umuuwi dahil kina thea and andre.

Kasalukuyang ako ay nagbabasa ngayun kasi bukas na yung 3rd grading exam namin mag tityaga para sa pamilya. Bigla sumagi sa isip ko yung kanina sa room yung pagtitig niya sakin. "Aiiiisssssh, bwst naman uu mag focus ka nga bat mo ba siya iniisip" pagmamaktol ko na para bang may kausap.

"Bett! Bettani gising!" "Hhmmm bakit po nay? May kailangan po ba kayo?" Napagtanto ko na nakatulog pala ako. "Umakyat kana dun sa taas at matulog na alas otso na ng Gabi Jan kapa natulog sasakit ulo mo niyan."

"Salamat po sa paggising sakin nay diko rin namalayan na nakatulog na pala ako habang nagbabasa, Mauna na po ako" agad ako na nagtungo saking kwarto at walang pag aalinlangan na agad kong ibinagsak Ang aking katawan saking higaan.

Maaga akong nagising ngayun, Maaga Naman tlaga akong gumising eh Hindi na bago sakin to handa nadin ang lahat.

"Nay pasok na po ako may exam pa po ako ngayun, Kain na po kayo di na po ako kumain uuwi nalang ako mamaya." "Sige apo mag ingat ka" sagot niya habang umiinom ng kape.

"Nag aral ka ba kagabi bet? Ang hirap talaga kalabanin Ang antok nakatulog ako ng Wala sa oras Wala tuloy akong napag aralan.

"At kailan kapa nag aaral ha?" Sagot ko.
"Sakit mo naman sa bangs magsalita nag aaral din kaya ako pag di tinatamad hahaha" tawa niya. Iwan ko ba dito parang di takot sa mababang grades eh.

Kaya wag niyong tularan ang mga ganitong studyante. Kaya sila ganyan dahil may kaibigan sila natumotulong.

Tumutolong din Naman ako pero tuturoan ko hindi Yung bigay ka lang ng bigay ng sagot kinukunsinti mo din naman eh pano matututo yan pag ginaganyan mo.

Mutual Understanding ( Ongoing )Where stories live. Discover now