Bettani's POV.
"Okay guys! Follow 1, 2, 1, 2,3. Step to the right, step to the left, twerk!" Sigaw ko saking mga kasama.
" Break muna! " Kumuha ako ng tubig at nagpahinga na. Dalawang oras na kami nag papractice mabuti nalang may alam ako sa sayaw.
Kanina pa ako hindi maka pag focus sa pagtuturo kasi Kita ng dalawang mata ko na nakatitig dito sa gawi namin si Migs. Kaya napag pasyahan ko na itigil na muna namin kasi tutulong pa ako sa pag lagay ng banderitas dito.
Naka upo lang muna ako dito ngayun iwan ko ba kong San nanaman napunta si Thea. Bigla ako napatingin sa tambayan ng school nato Kaya ayun nakita ko siya kasama si Andre medyo may katuwaang nagaganap dun maingay kasi sila.
Tumayo na ako at nag tungo sa mga kasama ko.
"Pres! Ano na ilalagay na ba natin to? Para naman makatulong sila keysa naman Tayo pa magsasabit nito baka mahulog pa isa sa 'tin" panimula sakin ng kasama ko.
Pansin ko lang din madami dami ding studyante puro nga lang mga basketball player.
"Magtawag ka ng mga lalaki jan maghanap ka kung sino pwede natin utosan" Sabi ko habang umiinom ng tubig. "Tayo nalang taga bigay ng banderitas sila na ang aakyat" dagdag ko sakanya.
"Psssssssst boys tawag kayo ng pres!" Napatingin ako sakanya. "Ulol Sabi ko maghanap ka saka nila Kong Sino pwede Wala akong sinabing tinawag ko"
"Hindi yan makikinig sakin sayo nalang kasi maganda ka" pagbibiro niya. "Haysss" Ang tanging sagot ko sakanyan. Nang makalapit na ang tatlong lalaki agad Naman silang nagtanong kong ano daw ang gagawin.
"Boys pwede ba kaming makisuyo sa inyo?" Paninula ko. "Sure" sagot ng isang lalaking diko kilala. "Ano ba yun pres?" Dagdag naman ng isa. "Ahhh pwede niyo ba kam----" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng biglang humarang si Andre.
"Kami na pres! tutulong kami ni migs Chaka yung mga kasama ko pa boy! Hali kayo dito" pagkatapos Niya nagpaalam na ang tatlong lalaking tinawag namin kanina.
Naiilang ako kasi tingin ng tingin sakin si migs. *Tug dug! Tug dug!* Ito nanaman andito nanaman kinakabahan nanaman ako punyeta to.
"Ahh dun Tayo sa gate mag simula guys Tara" pagmamadali ko. "Rickyyyyy paki dala ng mga banderitas na gagamitin" nauna na akong mag lakad papuntang gate agad naman silang sumunod.
Pag dating nila napansin kong may kulang Wala yung wooden ladder.
"Ricky nasan Yung wooden ladder?" Tanong ko sakanyan. "Hala nakalimotan ko andun sa office." Sagot Niya habang inaayos ang mga gamit.
"Samahan mo muna ako kunin natin"
"Ah bet si migs nalang isama mo Kita mo Naman na busy pa si Ricky, siya nalang isama mo" Sabi ni Thea. "Osige tara" diritsahan kong sagot.
Naglakad na kami papuntang office as usual walang imikan. "Bat pala hindi natuloy yung sayaw sa bawat section?" Bigla niyang tanong, kala ko di marunong magsalita eh. "Aaah yun ba? Sabi kasi ni ma'am di na isasali yun papalitan nalang ng isang presentation" himala hindi ako na utal.
"Bat mo natanong? Sasayaw ka ba?" Sabi ko sakanya. "Hindi, Hindi naman ako marunong eh. Paglalaro lang ng basketball ang kaya kong gawin" sagot niya.
Alam kong kakagaling lang nila SA practice pero putcha ang bango Niya parin.
"Ayun yung wooden ladder migs pasuyo nalang, Salamat" agad Niya Naman kinuha SA gilid ng office.
Hindi ko alam pero na gagwapohan ako sakanya apaka seryoso nga lang di man lang ngumingiti. Simula nong nakita ko siya kasama sina Andre diko pa siy nakitang naka ngiti di ata marunong eh.
YOU ARE READING
Mutual Understanding ( Ongoing )
Teen FictionNowadays, without specific commitments. Mutual understanding is a relationship where two parties have a 'endearment' but do not have a 'commitment,' if we can describe it. ' You can say 'I love you' but you can't demand nor get jealous when other...