Chapter 8

1 0 0
                                    

Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni migs sakin kanina na siya yung nag tetext sakin maniniwala ba ako? Nagbihis na muna ako bago ko i check ang phone ko.

•Beep!

Hindi ko alam pero iniisip ko na sana si migs to. Binuksan ko agad ito.

*Bahay kana? Kakauwi ko lang* dahil kilala ko na kong sino ito nilagyan ko na ng pangalan. Nag beep ulit kaya dali dali ko itong binuksan.

*Hey! Nagpakilala na ako sayo kaya mag reply kana* - Miggy <3

*Sorry hehehe*

*Okay lang, Kumain ka na ba?* - Miggy <3

Hindi ko alam pero uminit ang buong katawan ko sa sinabi niya pafall eh.

*Hindi pa, kakain palang sige bye muna*

Hindi ko na hinintay Ang reply niya, agad na akong bumaba dahil tinawag na din ako ni nanay.

"Napano yang tuhod mo?" Biglang tanong sakin ni nanay. "Gasgas lang po nay kanina sa laro hindi naman masyadong malaki"

---

Bat apaka clingy niya sa text pero sa personal apaka tahimik diko ma gets o sadjang manhid lang ako para diko maramdaman yun. Malapit na akong matapos ng biglang sabihin ni nanay na siya na ang maghuhugas ng Plato at mapahinga nalang ako.

Pabalik na ako sa kwarto ko gaya nga ng sabi ko kanina na magpapahinga nalang ako kasi siya na maghuhugas nag plato. Pagpasok ko sa kwarto hindi muna ako humiga kasi hindi mawala sa isipan ko yung mga pangyayari sakin at kay miggy.

Takot ako sa mga ganitong bagay na kunyari nagbibigay motibo yung isang lalaki at kapag umasa ka, nagpapadala ka sa mga pinapakita niya sayo, binibigyan mo ng malisya tas malalaman mong may mahal pala siyang iba sa huli masasaktan ka talaga.

Pero sa tingin ko naman mabait si miggy. Hindi niya gagawin ang mga ganyang gawain para makasakit ng isang babae.

Hindi ko nga din ma amin amin sa sarili ko kong gusto ko ba siya.

Beep!

Kinuha ko agad ang phone at binuksan.

* Gusto ko sanang sabihin sayo na sana maging close pa tayo at Hindi kana mahiyang kausapin ako. Gusto kong maging comportable ka sakin para hindi ka masyadong mailang. Goodnightttt sleepwell* - Miggy <3

I can't help but to smile. Parang gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi niya na gusto niyang maging comportable ako sakanyan. Eh pano? Nahihiya nga ako chaka umiiwas din ako sa tsismis.

Pagkatapos kong basahin yung text niya hindi na ako nag reply at nahiga nalang agad bago paman ako makatulog hindi ko maiwasang isipin siya.

---

"Goodmorninggg earth" Sigaw ko habang naka higa feeling ko maganda ang gising ko ngayun apakaganda ng gising ko.

Niligpit ko na ang higaan ko para magtungo na sa baba at maligo, ganon padin, gusto kong maging maaga sa school. Wala kaming laro ngayun tutulong nalang ata ako magbigay ng pagkain sa mga maylaro sa araw na to.

After 3639262735hours natapos na din ako at handa na papuntang school it's already 9am sa tingin ko nagsimula na sila pero sinadja kong magtagal para naman maranasan kong may maghihintay sa sakin. Nagtext kasi sakin si Ricky kanina na agahan ko daw ang pagpasok kasi sa office lang kami mag stay buong araw sinabi ko nalang na okay pero sist ano oras na panigurado galit na yun.

Papasok na sana ako sa school pero nakita kong may kausap si miggy hindi ko alam pero biglang bumigat yung nararamdaman ko lalo na't nakita ko kong pano siya ngumiti sa babaeng yun hindi na ako nagtagal at umalis na din kasi nakita niya akong nakatingin sa gawi nila.

Mutual Understanding ( Ongoing )Where stories live. Discover now