"Tara lunch" Sabi sakin ng kasama ko na ssg. "Uuwi ako sa bahay, SA bahay na ako kakain di ako kumain kanina eh Kaya medyo masakit na sa tiyan" Sagot ko sa kanya habang nililigpit ang mga gamit ko.
Uuwi talaga ako total apaka lapit lang ng bahay namin gaya ng sabi ko kanina.
Habang naglalakad ako iniisip ko yung plano namin para sa intrums. Napag planohan ko din na bawat section may pambato sa sayaw ito ay modern dance mga nasa sampung tao o labinlima lamang ang mabubuo sa bawat section na isasalang dito.
Diko na namalayan na nakarating na pala ako sa bahay. Kaya agad Naman na akong kumain para makabalik agad.
"Ooh bettani, tumawag kanina mama mo magpapadala daw siya ng pera para sayo kaya aalis tayo SA susunod na sabado para kunin yun"
"Talaga po? Magkano daw po nay?" Siglang sagot ko Kay nanay kahit kumakain pa ako pinilit kong magsalita.
"Diko pa Alam" sagot Niya at umalis na.
Tapos na ako lahat at pabalik na ako sa campus namin ng nakasalungat ko si Migs.
Tangna bigla akong kinabahan diko Alam bakit.
"Pabalik kana SA school?" Tanong niya sakin. "Ah u-uu hahaha u-umuwi kasi ako para kumain". Sagot ko Kay migs na medyo na uutal pa. "Sabay na Tayo pabalik na din naman ako eh" pag aya niya saakin. "Sure" sagot ko sakanya.
Tahimik lang kami na tinungo ang campus di nga kasi kami close ayaw ko din Naman siya kausapin nahihiya ako eh.
"Ano sasalihan mong laro sa darating na intrums?" Tanong niya bigla sakin na ikinagulat ko.
"A-ako ba? A-ano volleyball lang ata, Uu volleyball lang kasi ako ang nakaatas na mag assist dun sa basketball kasama yung kaklase ko". Sagot ko agad.
"Tama tama din maglalaro ako makikita kita" Sabi niya pero SA malayo siya nakatingin ng bigla itong tinawag. "Iwan na muna Kita tawag ako ni Andre". Pagpapaalam niya.
Medyo tulala pa ako dahil sa sinabi niya kanina o baka sobrang assuming ko lang binibigyan ko ng malisya yung sinabi Niya i ano naman dba pag Makita Niya ako?
Nakita kong Wala pang tao SA room kaya pumunta nalang muna ako sa office namin pagdating ko dun nakita ko sila nanonood ng tv. "O Kay ganda ng buhay!" Bigla Kong kinanta sa maling tuno. Napaharap silang lahat sakin.
"Maka tingin kayo para nakakita ng multo ah kumanta lang Naman ako"
Hindi na sila umimik kaya nanood nalang din ako kasama sila.
Nag tawanan kami dahil kay vice ganda at biglang tumunog ang bell. Para kaming mga ulol na nag sipag ayusan ng gamit at pa unahan sa paglabas kasi lagot talaga pag late ka.
Pagkapasok ko di rin matagal nag simula na ang klase namin. Nakita ko sila Migs kasama mga tropa nila galing ata sa paglaro medyo naligo SA pawis eh.
Biglang sumagi ulit sa isipan ko yung kanina buset naman eh bakit ba.
"Bettani! Saang lupalop nanaman ba yang utak mot sa labas ka naka tingin?! Harap dito" sigaw nmn ng teacher kong masungit.
Kaya medyo natawa kunti ang buong klase dahil nga sa nanyari. Sorry naman.
Bigla akong napa usog dahil may kumalabit sa gilid ko. "Ano ba" pagmamaktol ko. "Kasama mo si migs kanina ah, may something kayo ano?" pangungulit Niya sakin.
"Tanga to di lang inasahan na magkasabay pala kami papunta dito kaya sumabay siya. Apaka malisyosa mo" sagot ko sa kanya.
"Okay class, Dismiss"
YOU ARE READING
Mutual Understanding ( Ongoing )
Teen FictionNowadays, without specific commitments. Mutual understanding is a relationship where two parties have a 'endearment' but do not have a 'commitment,' if we can describe it. ' You can say 'I love you' but you can't demand nor get jealous when other...