Chapter 4

5 0 0
                                    

Miguilito's POV.

"Uy pre! Nagtext kana ba kagabi Kay bet?"

"Baka ibang number yung bigay mo sakin dre Hindi Naman nag reply si Bettani kagabi eh." Sabi ko habang nag pupunas ng pawis.

"Gago nagpakilala ka ba?" Sagot niya sakin.  "Wala, Hindi ako nagpakilala tinext ko lang siya kong nasa bahay na ba siya at kong ano ginagawa niya. Yun lang" sagot ko naman agad.

"Uy migs! Anjan sila paparating." Bigla akong napatulala ng Makita ko si Bettani sa suot Niya mas lalo siyang gumanda.

"Wag ka malikot pre tngina to" pagmumura ko sakanya. "Kinakaway ko pa jowa ko kaya wag Kang ano. Mag punas kana nga lang ng pawis mo kakahiya ka anjan pa naman si Bettani" Sabi Niya habang nagkawayan sila ng jowa niyang si thea.

Nakaw tingin lang Yung ginawa ko baka mapansin Niya ako na nkatingin sakanya parang napansin ni Thea na nakatingin ako Kay bet Kaya agad akong yumoko bago paman Niya ako Makita na nakatitig sa kanya.

"San daw sila? Sabado naman ngayun eh bat sila pumasok?" Tanong ko kay andre.

"Aba Malay ko ba pre diko din naman alam nabigla nalang NGA ako ng Makita ko silang dalawa papunta dito eh. Sagot niya saakin.

Papasok na sila sa gate siguro may gagawin sila malapit na din yung intrums namin.

"Pre pre punta Tayo dun mamaya tignan natin ano ginagawa nila pagkatapos natin dito, tara kain muna tayo." Agad Naman kami nag tungo sa kainan sa harap ng gym.

Habang kumakain kami nag uusap din kami para sa laro namin sa darating na intrums kailangan namin manalo kasi ito na ang huli namin sa paaralang to.

"Gusto mo ba si Bettani pre?" Bigla akong nabulonan sa tanong niya sakin.

"Hindi ko alam pre" pagdedepensa ko saking sarili. "Aussss kunyari ka pa bulok na Yan pre deny kapa Jan eh gandang gand ka naman Kay bet"

"Gago to kumain kana nga" sigaw ko sakanya. "Kung ano ano sinasabi eh" dagdag ko pa.

"Kong Hindi mo gusto bat mo hiningi number ni bet Kay Thea? Kala mo diko Alam wag kana mag maang maangan pre huli na Kita Kaya NGA sinabi ko agad kanina kung nagtext kaba sakanya Hindi ka Naman umangal, Ngayun kapa mag dedeny? Luma na yan."

Hindi agad ako naka imik Kay andre nawala ang isip ko kanina dahil dun Kay bet natulala pa ako Kaya diko namalayan na tungkol pala dun sa pagtext ko Kay bet ang tanong niya kaya diko na depensahan ang sarili ko.

"Bagay naman kayo pre eh. Eighteen ka tas si Bettani mag seventeen na din diko alam kailan."

" Iwan ko lang pre" Yan nalang ang tanging sagot ko sakanya.

Matagal ko na siyang gusto unang pasok pa lang. Nakilala ko siya nong tumakbo siya bilang president sa school namin akala ko NGA new student dito yan eh Hindi pala diko lang talaga siya napapansin kasi nga Sabi nila may pagka anti-social daw si bet palaging nasa room lang at kapag uuwi naman nasa bahay lang din.

Flashback.

Medyo madaming tao ngayun nga pala Ang araw ng butohan diko pa kilala ang mga tatakbo para mamuno sa school nato.

Ilang oras pa ang dumaan may isang guro Ang pumasok at nanghihingi ng kunting oras para magpakilala ang mga tumatakbong mamumuno dito.

Nagsipasok na silang lahat o mas tinatawag na "KALAYAAN PARTYLIST"

Unang nagpakilala ang mga representative . Hanggang SA..

Goodmorning everyone! My name is Bettani J. Guizon, I'm 16 years old from section Bonifacio, running for president in this school.

I hope u guys vote us a KALAYAAN PARTYLIST......

Bigla akong napanga nga ng magpakilala ang isang 3rd year high school student sa harap namin ngayun. Ang ganda Niya Ang tangos ng ilong mahaba ang buhok katamtaman lamang ang taas. Hindi ko na madinig ang mga sinasabi Niya dahil nakatutok lang ako sakanya.

"Hoooy!" Biglang sambit saakin ni Andre.

That's all thank you.

Yan nalang ang narinig ko pagkatapos akong sambitin ni Andre.

End of flashback.

"Tara na pre" pag aya saakin ni Andre.

Agad Naman kaming nagtungo sa gym bago pumunta sa school.

Nag uusap muna sila habang ako ay naka upo lang. Hindi mawala sa isipan ko si Bettani mas gumaganda siya lalo matagal ko na siyang pinagmamasdan. Hindi ko lang pinapahalata.

" Suuuusssss dre kong ako sayo ligawan munaaaaa"
" Baka maunahan kapa Kay Bettani Dre"
"Hahahahaahahahahahh sus"
"Kunyari kapa Dre gusto mo Naman si Bettani eh"

Biglang nag init ang dalawa Kong tenga ng marinig ko ang pangalan ni Bettani isa SA mga kasama ko sa basketball ay may gusto Kay Bettani. Hindi ko naman ipagkakain madami Naman din talaga ang nagkakagusto sa kanya.

Nabigla ako ng tinapik ako ni andre. "Pre maraming nag kakagusto Kay Bettani kailan ka pa gagalaw baka maunahan kapa" Sabi Niya sakin habang nililigpit ang mga gamit Niya. "Ang torpe mo pre mahina ka hahahahah" dagdag niya.

"Ano pre tapos kana jan tara na andun na sila mike tutulong din ata sila" agad naman kaming umalis papuntang school.

Malapit na kami sa gate ng may nakita kaming banderitas sa field. "Yan ba Yung mga ilalagay dito pre?" Tanong ko Kay andre. "Uu pre tulong nalang tayo SA pag sabit niyan" sagot Niya.

"San naman Tayo tatambay?"

" SA kubo pre Yan o harap ng principal office malapit din sa office nila bet" agad kaming nag tungo dun. Pagdating namin sa Kubo tumakbo din si thea papunta samin.

"Uyyyy anjan pala kayo" bungad Niya saamin papasok sa tambayan.

"Anong ginagawa nila? Practice ng sayaw?" Tanong ko Kay Thea. "Aaa uu! Hindi na kasi itutuloy yung every section na may pambato sa sayaw napag usapan nalang nila na may sayaw na presentation bago mag simula ang awarding"

"Ah ganon ba" tanging sagot ko Kay Thea.

"Ahh thea thea siya ba nagtuturo ng sayaw ?" Habol ko sakanya. "Uu, kulang pa Yan eh nag hahanap pa siya ng iba pa para madami dami Rin sasali sana ako kaso di ako marunong sumayaw migs hahaha" sagot Niya sakin.

Sakanya lang ako nakatitig ang ganda ng mga ngiti Niya. Hindi lang matalino talented pa. Sana magkalakas loob akong aminin sakanya Ang....

"Pre! Laway mo tutulo na"

" Gago to" hawak ko agad saking bibig. "Dahan dahan sa pag titig pre baka matunaw si bet niyan" Sabi Niya habang tumatawa kasama si Thea.

"Gusto mo ba bestfriend ko migs?" Biglang tanong ni thea. "Ah ha? Hindi ah" depensa ko. "Talaga ba? Kasi irereto ko siya sa iba" Uminit bigla dalawang tenga ko SA sinabi Niya. "Don't you dare Thea" pagtangka ko sakanya.

"Woaaaaaaaaaaaaaaah!"
"Don't you dare, don't you dare kapa i Ang torpe mo" sigaw sakin ni andre.

"Oo na! Oo na! Gusto ko siya! Ano okay na ba?" Bigla silang nagsigawan ng marinig nila yung pag amin ko.

Biglang napunta samin ang titig ni Bettani Kaya agad ko silang tinapunan ng damit.

"Manahimik nga kayo!" Bulyaw ko.
" Aaussssss pikon ka lang Naman eh" pamimikon sakin ni Thea. "Diko naman sa sabihin eh mas maganda pag galing sayo yung salitang gusto mo siya" agad Naman silang napahiyaw kaya hinayaan ko na.

Tumigil na sila sa pag sayaw ng ibalik ko ang aking attention sa gawi nila Bettani nakita ko siya naka upo habang umiinom ng tubig.

Kaya patago ko siya kinunan ng pic.

Mutual Understanding ( Ongoing )Where stories live. Discover now