Chapter 5

13 1 0
                                    

Monday na naman at may pasok kami, isa sa pinakaayaw kong araw ay ang monday. Nakakatamad kasing pumasok pero no choice kailangan pumasok.

Hindi naman ako matalino, pero hindi rin ako bobo, kumbaga sakto lang or masipag lang?

Nandito na ako sa school at papunta ako canteen dahil hindi ako nakakain ng umagahan sa bahay, kaya sa canteen ako kakain.

Matapos kong kumain ay pumunta na ako room ko at pagdating doon ay kasabay ko ang aking teacher buti na lang naabutan ko pa.

Biglang may groupings na naganap at kagroup ko si Jared, killian, katie at Ally. Ang gagawin namin ay reporting, buti na lang kagroup ko si Ally at Killian may katulong ako, hindi naman sa sinasabi ko na pabigat si Jared at Katie pero parang ganon na nga.

"So ano nang gagawin natin?" Tanong ko sa kanila. "Maghati-hati tayo ng gagawin. Ganito, ako at si Elle ang magreresearch sa topic natin, tapos si Ally sa explaination, Katie at Jared kayo sa powerpoint, kaya niyo naman diba?" Si Killian ang naghati sa amin. Wala namang problema yung paghahati niya. Kaya ayun after namin madiscussed yung gagawin at topic namin ay naghiwa-hiwalay na kami.

Nandito kami ngayon sa H.E. room dahil magluluto kami. Marunong akong magluto kaya easy lang sakin 'to. Panigurado pagod ako pagdating ko sa bahay. Pupunta pa kami ni Killian sa library para sa reporting namin.

Habang naghahanap ako ng libro para sa topic namin ay bigla kong nakita si Kian kasama mga kaibigan niya. Kaya medyo lumapit ako sa pwesto nila pero patago kaya di nila ako nakikita.

"Ano na nangyari sa inyo nung Elle?" Narinig ko yung pangalan ko kaya mas lumapit pa ako. "Mukhang gusto ako hahaha" sabi ni Kian. "So panalo ka na sa pustahan natin?" Tanong nung kaibigan niya. "Hindi pa, pero mukhang panalo na nga ako." He smirk. Hayuf, kaya naman pala lumalapit tong gagong 'to. Langya.

"Diba gusto mo yung kaibigan non? Claire diba pangalan?" Kilala ko tong nagtanong nato, kaibigan ni mama yung mama nito. "Ah, ayun? Oo kaso ayoko na, pinipilit ako sa kaibigan niyang si Elle, eh ayoko lahat yung pinipilit ako." Sabi ni Kian. Wow gago siya kamo.

"Hindi ba parang ang sama naman natin?" Sabat ni June. "Bakit naman?" Takang tanong ni Kian. "Pinagpupustahan natin si Elle. Walang kamalay-malay yung tao. Baka mamaya gusto ka talaga nung tao tapos sasaktan mo." June said. "I don't care. She is just a nobody to me. She's not that pretty and smart, I'm too good for her." Mayabang na sabi ni Kian. Punyeta. Gago.

Hmm, sige tingnan natin kung sino ang bibigay sa ating dalawa, kala mo huh. You don't know me Kian. Maybe I'm not pretty and smart for you but the hell I care.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na ako pero narinig ko pa silang tumawa. Mga gago talaga.

Pagkabalik ko sa table namin ni Killian ay agad kong binuklat yung librong nakuha pero wala akong maintindihan na binabasa ko. "Uy Elle okay ka lang?" Killian asked. "Ha? Ah oo okay lang ako, bakit?" Sabi ko. "Ah kasi baliktad yung librong binabasa mo." Natatawa pa niyang sabi. When I look to my book, baliktad nga. Shete, kainis naman eh. Nawawala ako sa focus.

Kaya I decided na umuwi na lang. "Uhm, Killian sa bahay ko na lang gagawin yung akin." Sabi ko at umalis na, medyo bastos pero gusto ko na talagang umuwi.

Nang makalabas na ako sa library doon lumabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Bakit ba ako umiiyak? Di niya deserve 'tong luha ko.

Sumabay pa ang ulan kaya nagpatila muna ako. Hindi pa rin ako tumitigil sa pagluha.

"Elle" may biglang tumawag sakin. At si Killian iyon.

My OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon