Chapter 6

12 1 0
                                    

Lumipas ang dalawang normal na araw, pero hindi magawang makalimutan yung narinig ko sa library. Hindi ko pa  nasasabi kay Claire yung tungkol sa narinig ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya iyun.

Hahanap na lang ako ng tyempo para sabihin sa kanya, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin iyon, pero bahala na kung masasabi ko edi masasabi.

*****

Matapos ang aking klase ay nagpunta agad ako sa canteen para kumain, hindi ko kasabay si Claire dahil mamaya ang lunch time nila, hindi ko rin kasabay si Trish dahil kasama niya yung boyfriend niya, syempre ayoko namang makigulo.

"Ate isang kanin at sinigang nga po" sabi ko sa nagtitinda. "Oh ito, 50 pesos lang lahat." Saad ng tindera. Inabot ko naman yung bayad ko.

Habang nakain ako ay may biglang nagring aking cellphone kaya tiningnan ko muna iyon.

Claire: oy! San ka?
Claire: elle!!! Where are you?!
Elle: nandito sa canteen bakit?
Claire: okay punta ako diyan, wait moko.

Dumating si Claire nung tapos na ako kumain.
Hapong-hapo pa siya siguro ay tinakbo niya yung 4th floor papunta dito sa canteen.

"Hinga ka muna Claire" medyo natatawa kong sabi. "Bakit ka ba parang nagmamadaling pumunta rito?" Tanong ko. "S-si k-kia-n hi-nahanap k-ka" hinihingal na sabi niya. Para lang doon? Nagtatakbo siya mula 4th floor hanggang canteen? Wews.

"Ha? Dahil lang doon? Kaya ka nagmamadali? Pwede mo namang itext sa akin, tumakbo ka pa." Saad ko. "Para intense hehe. Pero hinahanap ka talaga niya. Nandoon siya sa may room niyo." Sabi niya. "Paano mo naman nasabing hinahanap niya ako? Nakita mo lang ata sa may room namin. Baka iba yung hinahanap niya." I said.

But pinipilit pa rin niya ako na, ako talaga yung hinahanap ni Kian. Kaya naman sabay na kami pumunta sa 4th floor.

"Oh diba sabi ko sayo nandito si Kian eh." Agad niyang sabi nang malapit na kami sa room ko. Kitang-kita nga namin si Kian dito at parang may hinihintay nga. "Oh tapos? Nandyan lang naman. Anong gagawin ko diyan?" Sabay irap ko.

"Eto naman, napakataray mo." Saad niya. Duh, makita ko pa lang mukha ni Kian naaalala ko yung narinig ko sa library. For sure magagalit din itong si Claire if she knew what I heard.

"Tsk." Nakarating na nga kami sa room ko and when he saw us, he immediately walk towards us. "Elle, kanina pa kita hinihintay dito." He said. Agad akong kinurot sa tagiliran ni Claire nang marinig niya iyon kay Kian, napaaray tuloy ako.

"Why?" Masungit kong tanong. "Uhm yayayain sana kitang kumain ng lunch eh." Sabay kamot sa ulo niya. May kuto ata 'to. "Ah, I already ate lunch." I said. He looks disappointed. The hell I care.

"Ah sige. Mauuna na ako." Sabi niya at umalis na. Wag na sana siyang magpakita sa akin. "Oy Elle ang sungit mo naman kay Kian. He's been waiting for you here kanina pa." Claire said.

"I didn't asked him to wait for me. That's his decision. Kasalanan ko bang hindi ko alam na nagiintay siya sakin? Kung sana sinabi niya pupunta siya rito at yayayain akong kumain lunch. Edi sana hindi siya nagintay ng matagal." Naiinis na sabi ko.

Bwiset. Kung alam lang talaga ni Claire kung bakit ang sungit ko kay Kian. She will understand me.

My OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon