Chapter 7

11 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa isang park, nakaupo habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro. Then suddenly I remembered Claire and what we talked about.

Nasa library ako at kasama ko si Claire dahil balak ko nang sabihin sa kaniya ang aking narinig noon.

"Claire, narinig ko na pinagpupustahan lang ako nina Kian at ng kaniyang mga kaibigan at nalaman ko rin na ikaw yung gusto niya at hindi ako. Nasaktan ako kasi ang gusto niya pala ay kaibigan ko haha. Pero wala akong karapatan na magalit sayo kasi hindi mo naman kasalanan 'yun eh. Nagagalit ako kay Kian dahil pinagpupustahan nila ako." Sabi ko habang naluluha.

Claire was so shocked of what she heard. I can see it in her eyes that she feel guilty. "I'm so sorry Elle. I didn't know." Naiiyak na sabi niya. "It's okay. It's not your fault. I'm not mad at you okay?" I said.

After I said that, She hugged me while crying. Ang iyakin talaga netong babaeng ito. "Kaya pala ang sungit mo sa kanya kahapon. Bakit hindi mo agad sinabi sakin?!" She said.

"Sorry, hindi ko kung bakit natatakot ako na sabihin sayo. Pero dahil kaibigan kita at ayokong magtago ng secrets, sinabi ko na sayo." Saad ko.

Matapos ang paguusap naming iyon ay pareho naming binash si Kian at ang kaniyang mga kaibigan.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, buti hindi ka nalulunod" napatingin ako sa nagsalita at nakitang si Killian iyon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ngumiti siya na hindi labas ang ngipin. Napansin ko may itsura rin pala siya, pero mas may itsura si Kian. Aish don't compare them ok?

Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan din ang mga batang naglalaro sa park.

"Ang sarap sana kung bumalik tayo sa pagkabata. Yung tipong walang iniisip na problema at hindi mo iniisip kung anong mangyayari kinabukasan. Basta maglaro ka lang ang saya mo na." Saad niya.

"Oo nga." Sang-ayon ko. 

Minsan napapaisip ako. Paano kaya kung mga bata pa lang kami? Yung tipong hindi tumatanda. Saya siguro noon kasi wala kang pake sa mundo.

"Oo nga pala, yung report natin?" He asked.

"Uhm wala pang sinasabi si Aly. Baka mamaya magmessage yon" I said.

Natahamik na lang kami pagkatapos non. Hindi naman talaga kami close ni Killian. Sa totoo lang sila ni Aly yung close pero hindi ko alam kung bakit kami dalawa ang nagpartner sa pagsesearch sa report namin.

***

Maggagabi na nung umuwi kami ni Killian. Sabay na rin kaming umuwi kasi malapit lang din pala sila sa bahay namin. Ngayon ko lang nalaman.

Nang makauwi na ako sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto ko para magbihis at bumaba para kumain.

"How's your day, nak?" My mom asked. Usually yan lang lagi niyang tanong sa akin.

"Okay lang po." Sagot ko.

"Ma, bukas po pala ay gagawa kami ng report sa cafe." I said.

"What time?" Tanong niya.

"Uhm 11 am po." I said. Tumango siya, so ibig sabihin pumapayag siya. Binigyan na rin niya ako ng allowance for tomorrow.

***

So, ako pa lang ang nandito sa cafe. Napaaga ata ako. Pero okay na rin yun. Kakain na lang muna ako.

"Elle!" Tawag ni Killian. Itong lalaking ito makatawag akala mo close kami. Charot.

"Oh?" I asked. Kumunot noo niya na parang natataka sa sinabi ko. Anong nakakapagtaka don? Minsan naiisip ko, hindi ata 'to nakakaisip agad ng sasabihin.

"Ikaw pa lang?" He asked. Napairap ako. Alam naman niyang wala pa sina Aly tas tatanungin niya kung ako pa lang? Hanep.

"Obvious ba?" Napangisi siya. "Eto naman ang sungit. May dalaw ka ba ngayon?" Tapos tumawa siya.

Walanghiya. Binatukan ko nga ng malakas. Ayun nanahimik. Buti naman. Kakasura.

Natapos ang araw na yun na hindi namin natapos ang report. Ang ginawa lang namin ay kumain at nagkwentuhan. Nakagawa naman kami kaso naudlot nung nagbreak time kami.

***

"Elle"

Napalingon ako at napasigaw ng "Anong ginagawa mo dito?!"




My OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon