Chapter 2

31 1 0
                                    

Nakauwi na ako sa bahay galing school at ang bungad ko agad kay mama ay gutom na ako, amg unti lang kasi ng kinain ko nung lunch kulang sakin, hindi ako matakaw sadyang nagutom lang ako.

Kinagabihan ay ginawa ko yung mga assignments ko, medyo natagalan pa ako sa paggawa dahil may hindi ako naintindihan, pero keri na rin. Natapos ako mga 7:30 at bumaba ako para maglinis ng katawan at magskin care. Pagkatapos kong gawin lahat ay nagcellphone na lang ako hanggang sa nakatulog na ako.

"Elle gising na!" Sigaw ni mama galing sa baba. Eto ako inaantok pa rin kasi medyo nalate natulog. "Wait lang" sabi ko sabay higa ulit. Sarap sarap matulog bakit kasi napakaaga magtime eh.

Hindi na ako nakakain ng umagahan dahil nga hindi ako sanay at wala rin akong gana. Naligo at nagbihis na ako, nagayos din ng konti para fresh.

Nandito na ako sa school at kamalas malasan nalate pa ako, tae first time yun bakit kasi ang traffic? Nalate tuloy ako punyeta.

Wala pa rin bago pero hindi na ikaw ay charot wala pa ring bago mabilis pa rin ang takbo ng oras at lunch na namin oras na naman para kumain!!!!!!!!

"Ano ba yan tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Rinig kong sigaw sa may canteen, pinuntahan namin at nakitang may nakabanggaan yung isang sikat sa school.

"Tanga ka ba huh?!" Gigil na siya kasi nakayuko lang yung nerd na nakabangga sa kanya. "Ikaw tanga ka ba?" Singit ko kasi mukha siyang ewan

"sino ka naman?" Pake niya kung sino ako? "Pake mo? Tsaka pwede ba wag kang magpahiya, pero sabagay sa ginagawa mong yan ikaw yung kahiya hiya ghorl" sagot ko sa kanya. Nakakainis eh parang shunga lang, nagsosorry na yung tao ayaw pang tanggapin, daig pa niya Diyos.

"Okay ka lang?" Tanong ko doon sa nerd "ah okay lang salamat pala huh" mahinhin na sabi niya "sa susunod pag ginawa ulit sayo yon lumaban ka huh" sabay ngiti ko sa kanya.

Matapos ang eksenang yun ay panay asar sa akin ang mga kaibigan ko, ang taray ko raw kanina sadyang mataray talaga ako hahaha charot.

Nandito ako ngayon sa library dahil may kailangan akong basahin na kailangan sa assignment namin, may internet sa amin pero sinisipag ako ngayon.

Nang mahanap ko na yung libro na hinahanap ko ay umupo sa isang table at doon nagbasa basa. May nagbukas naman ng pintuan sa library kaya naman napatingin ako at nagulat ako kung sino yung pumasok kasi si kian iyon, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa kaba ko nagbasa na lang ulit ako pero wala akong maintindihan dahil nga nandito yung crush ko punyeta!!

"Uhm may nakaupo ba dito?" Napaangat naman ang ulo ko dahil may nagsalita, nagulat naman ako nang si kian iyon. "Ah wala" kinakabahan lalo ako dahil mas malapit na siya sakin.

Nung umupo na siya ay tahimik lang akong nagbabasa habang siya naman ay nagsusulat sa kanyang notebook na dala. Gusto ko man siyang kausapin ngunit nahihiya ako kasi baka makaistorbo lang ako sa ginagawa niya.

"Para san pala yung binabasa mo?" Nagulat ako nang magtanong siya "uhm s-sa aa-ano sa assignment namin oo sa assignment namin hehe" sagot ko nakakahiya ako nauutal ako huhu lupa kainin mo na ako.

"Gusto mo tulungan kita?" Offer niya "hala? Hindi ba nakakaistorbo sayo?" Tinanong ko siya kasi may sinusulat siya kanina sa notebook niya.

"Naku, hindi ah" natatawa pa siya nung sinabi niya yun "ha? Ano yang ginagawa mo sa notebook?" Kunot noo ko siyang tiningnan "ah wala nagdradrawing lang" tapos ngumiti siya. Nakakatunaw yung ngiti niya ghorl punyeta.

"Ah sige ito yung assignment ko medyo nahihirapan akong intindihin eh" pinakita ko sa kanya yung notebook ko "madali lang pala" napairap ako buti sa kanya madali lang hmp. Sana all matalino.

Habang tinutulungan niya ako hindi ko mapigilan hindi tumitig sa kanya grabe ang gwapo niya talaga.
"Baka matunaw ako" natatawang sabi niya sabay tingin sakin nang nakangiti "ah eh uhm bat ka naman matutunaw?" Napaiwas ako ng tingin "bakit nga ba?hmm" napailing na lang ako. Hanep nahalata pala niya nakakahiya na talaga huhuu.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang mag alas singko na. "Uhm kian kailangan ko nang umuwi baka hinahanap na ako ni mama eh" sabi ko sa kanya "ah sige sabay na tayo" nagulat ako kasi kami? Sabay uuwi? Yehey!!!!

Ayun nga sabay nga kaming umuwi at nagkwekwentuhan kami habang naglalakad papunta sa paradahan namin, hinatid pala niya ako sa paradahan namin, sabi ko nga wag na dahil baka malate pa siya lalo umuwi pero sabi niya okay lang daw, punyeta lang talaga kinikilig ako.

Nang makauwi na ako ay agad akong dumeretso sa kwarto para magpalit at pagkatapos kong magpalit ay agad na nagcellphone.

My OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon