Chapter one

12 0 0
                                    

Nagmamadaling bumangon si Vincent dahil malalate na ito sa unang araw ng klase nya kaya dumiretso kaagad ito sa banyo upang maligo pagkatapos ay dali dali siyang nagbihis at bumaba at kumuha ito ng sandwich sa lamesa, "oh anak gising ka na pala hali ka dito at mag almusal ka na muna" sabi ng kanyang nanay " ito na lang pong sandwich ang kakainin ko dahil malalate na po ako sa klase" sagot niya sa kaniyang nanay. Kaagad sumakay si Vincent sa kanyang motor at mabilis itong pinatakbo. Ngunit pagdating niya sa parking lot ng paaralan ay wala na siyang makitang space. Sumigaw ang isang lalaki "pre dito oh may space pa". Napalingon c Vincent sa lalaking sumigaw at nagulat ito dahil siya pala ang kinakausap nito. Kaagad dinala ni Vincent ang kaniyang motor kung saan katabi ng motor ng lalaking sumigaw. Salamat pre nakangiting tugon nito sa lalaki. Ako nga pala si Marvin pagpapakilala nito, ako si Vincent, "tara sabay na tayo pumasok" sabi ni Marvin. Habang naglalakad ang dalawa ay nagpasalamat uli si Vincent sa kanya at patuloy pa din silang nag uusap. Sa di kalayuan ay may natanaw silang nagkukumpulan kaya pumunta din sila at tinignan kung ano ang nangyayari. Nakita nila na may isang lalaking tinutalak at dinuduro ng isang lalaking malaki ang pangangatawan at may kasama pa itong dalawa, 'di na nagdalawang isip ang dalawa na tulungan ang lalaki, kaagad sinuntok ni Marvin ang lalaking sa tingin niya ay leader, sumugod naman ang dalawa kaya sinuntok kaagad ni Vincent ang isa at ang isa naman ay sinuntok ng lalaking  tinutulak ng kanilang leader kanina. Matapos ang rambulan ay nakangiting nagpasalamat ang lalaking kanilang tinulungan at ito ay nagpakilala sa kanila "ako nga pala si Patrick" tugon nito, at isa-isa na silanv nagpakilala. Bago pa man sila makaalis sa kanilang kinatatayuan ay tinawag sila ng isang babae upang pumunta sa principals Office.

(Principal's Office)
Kumatok muna ang tatlo bago pumasok. "Good morning sir" tugon ng tatlo, kaagad naman sila pinaupo ng principal, " ang aga-aga basag ulo kaagad ang pinasok niyo" sabi ng principal, nagsalita si Patrick at pinaliwanag nito ang nangyari kaya makalipas ang ilang minuto ay pinapasok na sila ng principal sa kanilang classroom. "Pre anong section kayo?" Tanong ni Marvin, "section 2 pre" tugon naman ng dalawa, "pareho pala tayo ng section" masayang tugon ni Marvin tara na bilisan na natin baka malate pa tayo. Pagpasok nila ay kaagad na natihimik ang kanilang mga kaklase at tinitigan sila at unti unti ay nagiging maingay nanaman dahil ang iba ay 'di mapigilan ma mapatili dahil sa kagwapuhan ng tatlo ang iba naman ay nagbubulongan. "Shit girl ang hot nila" bulong ng isang babae sa kanyang katabi. Kaagad naghanap ng mauupuan ang tatlo, at buti na lang ay may tatlong bakanteng upuan sa likod kaya doon sila umupo. Hanggang sa kanilang pag upo ay may mangilan ngilan pa din na di maalis ang mga mata sa kanila. Natahimik ang buong klase ng magsalita ang kanilang guro na mukhang istirkto. "Good morning class" pabati ng kanilang guro, " Good morning ma'am" tugon naman ng lahat. Bago ang lahat gusto ko na magpakilala muna kayo lahat. Nagsimula na ang pagpapakilala hanggang sa silang tatlo na lang ang natitira, kaagad na nagpakilala si Marvin at ipinakita ang kanyang talinto sa pagkanta, pagkatapos ay agad na nagpalakpakan ang kanilang mga kaklase at sumunod naman na nagpakilala ay si Vincent na ipinakita ang kaniyang talinto sa pagsayaw. At huling nagpakilala ay si Patrick na ipinakita ang talinto sa pag guhit ng mabilis. Natapos ang buong araw nila na puro pagpapakilala lang ang ginawa. Pagkatapos ng huling subject ay kaagad na lumabas si Patrick at nagpaalam sa dalawa na uuwi na. " sabay ka na saakin pre ihatid na kita saan ka ba nakatira?" Sabi mi Marvin, " salamat pre may motor naman ako, ingat kayo sa pag uwi" nakangiting tugon ni Patrick.

Pagdating sa bahay ay kaagad na nagmano si Patrick sa kanyanga lola at tinanong kung okay lang ba ang pakiramdam nito. Tumango naman ang matanda at iginaya na ang kanyang apo na maghapunan. Masayang kumakain ang dalawa ng tanongin siya ng kaniyang lola tungkol sa kanyang unang araw sa paaralan. Biglang napatigil sa pagsubo ang binata at kaagad linunok ang kaniyang pagkain bago sinagot ang kaniyang lola. Sinabi nito na okay naman ang kanyang unang araw sa paaralan habang nakangiting nakatingin sa kanyang lola. Pagkatapos nila kumain ay si Patrick na ang nagligpit at naghugas ng kanilang pinagkainan. Pagkatapos niya maghugas ay umakyat na siya sa kaniyang kwarto at humiga, kaagad niya naisip na nagsinungaling siya sa kanyanga lola sa tunay na nangyari sa kaniya kanina, pero napagisip niya na tama lang iyon upang ' di mag-alala ang kaniyang lola. Maya maya ay nakatulog na din si Patrick.

DestinedWhere stories live. Discover now