Chapter six

8 0 0
                                    

Pagkatapos ayusan ay pumunta kaagad si Gian sa swimming pool dahil doon siya kukunan ng litrato. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din ang photo shoot kaya tinawag niya na si Lily na nag aayos ng kaniyang gamit para umuwi na. Habang nag dadrive siya ay 'di niya mapigilan ang antok kaya nabangga sila sa isang poste. Natulala si Lily at 'di alam ang gagawin ng makita niyang walang malay si Gian ay doon lamang siya nahimasmasan at tumawag ng ambulansya. Pagdating sa hospital ay kaagad nilagyan si Gian ng neck brace, tinawagan naman ni Lily ang kaniyang yaya. Maya maya lang ay dumating na ito na tumataas at baba pa ang dibdib dahil sa pagtakbo. "Anong nangyari sainyo hija" nag-aalalang tanong ng yaya nito, kaagad naman sinabi ni Lily ang nangyari. Dumating ang doktor at sinabihan sila na maya maya lamang ay pwede na silang umuwi.

Pagdating sa bahay ay kaagad naghanda ng pagkain ang kaniyang yaya upang makakain na ito at makainom ng gamot. Pagkatapos kumain ay natulog na si Gian. Kinaumagahan ay bumaba na si Gian at nakabihis, "ohh hija kaya mo na bang pumasok?" Nag-aalalang tanong ng kaniyang yaya. " opo kaya ko na po" nakangiting tugon nito. Umupo ito at kumain na ng almusal, " pumasok na po yung dalawa?" Tanong nito, "oo hija kanina pa" tugon naman ng yaya nito. Pagkatapos kumain ay lumabas na ito at nag abang ng taxi.

Pagpasok nito sa campus ay kaagad nakita siya nila Marvin, Vincent, at Patrick kaya kaagad siya nitong nilapitan. "Anong nangyari sayo?" Bungad ni Patrick, "ahh naaksidente kasi kami kagabi" nahihiyang tugon naman nito. Ipinaliwanag ni Gian ang nangyari sa mga kaibigan.

Sabay sabay na sila pumasok at habang naglalakad ay 'di maiwasang 'di sila pagtinginan, may ilang babae na nagbubulungan tungkol kay Gian. Ano ba 'yan kailan lang sila nagkakilala pero ang close na nila sa isa't isa, ehh samantang tayo kaklase naman nila, bakit parang wala silang pakialam sa'tin pagmamaktol ng babae. Tinitigan naman sila ni Marvin kaya napahiyang umalis na lang sila.

Bago pa man sila tuluyang makapasok sa kanilang mga silid ay nag salita na si Marvin at niyaya niya si Gian na sumabay sa kanilang mag lunch.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DestinedWhere stories live. Discover now