Habang naglalakad sa may parking lot si Gian dala dala ang ilang libro ay may dumaan na nakamotor at nahagip siya nito kaya siya ay natumba at nalaglag ang kaniyang mga libro. Sakto pagdating ni Patrick ay nakita niya na may natumbang babae kaya kaagad niya itong pinuntahan. " okay ka lang miss?" bungad nito. Kaagad nag angat ng tingin si Gian at laking gulat nito na ang lalaking nasa harap niya ngayon ay ang lalaking nagbibigay ngiti sa kanyang bibig, ngunit hindi niya pinahalata na siya ay nagulat. Iginawad naman ni Patrick ang kaniyang kamay para tulungan ang babae at ito ay inabot naman ni Gian. Sakto at dumating din sila Marvin at Vincent, kaagad nilang pinuntahan si Patrick at tinanong kung ano ang nangyari, pinaliwanag naman ni Patrick ang nangyari. Habang nagsasalita si Patrick ay sinuri naman ni Marvin ang babae at may nakita itong dugo sa siko ng babae kaya ito ay kaniyang nilapitan. "Miss dalhin na kita sa clinic may dugo iyang siko mo" sabat ni Marvin, kaagad naman tinignan ni Gian ang kaniyang siko at nakita niya na may dugo ito. "Ahh salamat sa inyo sige mauna na ako" sabi ni Gian, "samahan ka na namin" sabar naman ni Patrick. Nawala na sa isip ni Gian ang mga nalaglag na libro kaya pinulot na lang ito ni Vincent at siya na ang nagdala. Habang papasok sila ng campus ay pinag uusapan na sila ng mga estudyante, ang iba ay nagbubulungan kung ano ang nangyari. Hindi na nila pinansin ang mga estudyante at nagmadali silang pumunta sa clinic. Pagdating sa clinic ay gulat na gulat na nagtanong ang nurse " anong nangyari sayo?" Magsasalita na sana si Gian ng biglang nagsalita si Patrick at pinaliwanag ang nangyari. Iniwanan muna ng tatlo ang babae at sila ay naghintay sa labas.
Habang naghihintay sa labas ay napag-usapan nila ang babaeng kanilang tinulungan. "Anong section kaya siya?" Pangunang tanong ni Partrick, 'di naman umiimik si Vincent dahil hindi siya interesado dito. Ilang minuto lang ay lumabas na ang babae at nagpasalamat sa nurse."Hmmm salamat nga pala sainyo" nahihiyang sabi ni Gian. " Walang ano man" tugon naman ni Patrick. "Ako nga pala si Patrick" nakangiting pagpapakilala nito at isa isa din niyang pina kilala sina Vincent at Marvin, "ako naman si Gian" medyo nahihiyang sagot nito. "Tara na baka malate na tayo" walang emosyon na tugon ni Vincent. Bago sila umalis ay tinanong pa muna ni Patrick si Gian kung anong section ito at sabi naman ni Gian ay section 1 siya, gulat naman na napatingin si Marvin pero hindi niya iyon pinahalata. "Sumabay ka na saamin" tugon naman ni Patrick sa kaniya. Nahihiyang sumabay naman si Gian sa kanila. Habang naglalakad ay 'di maalis ang mga mata ng mga estudyanteng nadadaanan nila. Pagdating ni Gian ay sinalubong kaagad siya ng kaniyang kaibigan na si Lily na personal assistant niya din makikita sa mukha nito ang pag-aalala kaya nginitian na lang siya ni Gian upang mabawasan ang kaniya pag-aalala at pinaliwanag ang nangyari. Habang nag uusap ang dalawa ay naalala ni Lily na mayroong magaganap na photo shoot sa darating na sabado. Sakto pagkatapos mag usap ng dalawa ay dumating na din ang kanilang guro.
Discuss...
Discuss...
Discuss...
Sakto pagkatapos magsalita ng kanilang guro ay nag ring ang bell hudyat na lunch break na kaagad na hinila ni Gian si Lily at nagulat ito "nagmamadali ka girl?" Inis na tugon ni Lily, "sorry na girl nagugutom na kasi ako" pagpapaumanhin ni Gian.
Pagdating nila sa canteen ay kaagad sila nag order at pagkatapos nila mag order ay naghanap sila ng mauupuan pero sa kasamaang palad puno na ang mga upuan, nagulat na lang sila ng may sumigaw, "Gian dito ka na saamin tumabi" sigaw ni Patrick.
Paglingon ni Gian ay nakita niya naman sila Patrick na nakaupo sa hulihan. Napapahiyang lumapit sila doon, habang naglalakad ay tinanong ni Lily si Gian " sino yang mga hot papa girl? Pakantyaw na tanong ni Lily. Hindi na sumagot si Gian at nagmadaling lumapit kila Patrick. "Hi boys" malanding sabi ni Lily, tinapik naman siya ni Gian at sinabihan na umayos, napangiti na lang ang mga tatlong lalaki at isa isang nagpakilala kay Lily.
YOU ARE READING
Destined
Teen FictionMay tatlong magkakaibigan na nagkagusto sa isang babae, dahil dito masusubok ang kanilang pagkakaibigan na mas lalong tumibay dahil sa babaeng kanilang nakilala.