Chapter five

4 0 0
                                    

"Girl ang hot nila" malanding sabi ni Lily, "umayos ka nga" naiiritang sabi ni Gian. Hindi na pinansin ni Gian si Lily at nagpanguna ng umalis. Hanggang sa makauwi ay 'di mawala sa mga labi ni Gian ang ngiti ' di niya kasi inaakala na dahil sa pangyayaring iyon ay mapapalapit siya sa mga lalaking pinagkakaguluhan ng buong babae sa campus lalo na kay Patrick. "Mukhang maganda ang nangyari sa araw mo ngayon hija ah" salubong ng yaya sa kaniya, hindi napansin ng yaya niya ang sugat sa kaniyang siko, kaya 'di niya na sinabi ang nangyari upang 'di mag-alala ang yaya niya. Umakyat siya sa kanyang kwarto at nagbihis pagkatapos ay bumaba din uli para kumain.

Pagkatapos kumain ay umakyat na siya sa kaniyang kwarto at kaagad humiga 'di pa din nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi habang inaalala ang mga nangyari kanina, 'di niya na namalayan na siya ay nakatulog na pala. Kinabukasan ay may kumatok sa kaniyang kwarto.

Tok..tok
Tok...tok
Tok..tok

"Sandali" naiiritang sigaw nito, "ano na girl? Bakit 'di ka pa din ready? Tanong ni Lily. "Huh? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Gian. " sabi ko di ba may photo shoot ka ngayon" naiinis na tugon ni Lily, " ayyy oo nga pala sorry" tugon naman ni Gian. Mabilis naman na naligo si Gian at nag ayos. Kaagad na sumakay sila sa sasakyan at si Gian ang nagmaneho, dumaan muna sila sa isang coffee shop at nagtake out dahil 'di pa siya kumakain. Pagdating nila sa venue ay kaagad na inayusan at binihisan si Gian.

DestinedWhere stories live. Discover now