Kinabukasan sabay sabay nanaman ang tatlo na pumasok at habang sila ay naglalakad sa oval ng campus ay 'di mapigilan ang bulungan at tilian ng mga kababaihan na nagkumpulan sa kanilang dinadaanan. Unti unti na silang nakikilala dahil sa kanilang angking kagwapuhan, kahit ngumiti lang sila ay parang matutunaw ka na, lalo na siguro kapag tinitigan ka siguradong tunaw ka na. Habang naglalakad sila ay may napansin si Marvin na babaeng parang walang pakialam sa kanila, hindi niya masyadong makita ang mukha pero sigurado siya na ito ay maganda dahil sa tindig pa lang ito ay matangkad at morena. Kaagad napansin ni Vincent si Marvin kaya tinitigan din niya ang tinititigan nito pero wala naman siyang nakikita kaya tinanong niya si Marvin kung okay lang ba ito. Napapahiyang tumango na lang si Marvin habang nagkakamot sa batok. Tamang tama dahil pagpasok nila ay nasa likod na nila ang kanilang guro. Hindi interesado sa tinuturo ng guro ang tatlo kaya kung ano ano ang kanilang ginagawa sa kanilang upuan, nagulat si Vincent dahil tinawag siya ng kanilang guro at tinanong tungkol sa kaniyang dinidiscuss dahil sa kaba ay nablanko ang kaniyang isip kaya naman siya ay tinulungan ni Marvin. Si Vincent ay nakahinga ng maluwag at nakangiting nagpasalamat kay Marvin. Pagkaraan ng ilang oras ay lunch break na, kaagad nagtungo ang tatlo sa canteen at nag order ng kanilang makakain naghanap sila ng mauupuan at sabay sabay na kumain, habang sila ay kumakain halos lahat ng mga mata ay sa kanila nakatuon kaya medyo naiilang silang kumain. Nang malapit na silang matapos ay may isang babae na naglakas ng loob na magpapicture sa kanila pumayag naman sila kaya mas dumami pa ang nagpapicture sa kanila. Pagkatapos ay lumabas na ang tatlo nagpaalam muna si Patrick sa dalawa na pupunta muna siya sa cr kaagad naman tumango ang dalawa. Habang papunta si Patrick ng cr ay parang nakita niya nanaman ang babaeng nakita niya kanina kaya pinikit pikit niya ang kaniyang mata dahil akala niya ay namamalik mata siya "pero hindi siya talaga iyon" sa isip niya. Pagkatapos niya umihi ay bumalik na siya sa classroom nila. Hindi makapag focus si Patrick sa discussion dahil yung babae pa ring iyon ang iniisip niya, 'di niya namalayan na tapos na pala ang kanilang klase dahil sa lalim ng kaniyang iniisip. Tinapik siya ni Vincent at tinanong kung ok lang ba siya, tumango nalang ito. Paglabas nila ng classroom ay kaagad na nagsalita si Vincent " Patrick okay ka lang ba talaga? Kanina ko pa kasi napapansin na tulala ka at parang ang lalim ng iniisip mo"," okay lang ako pre medyo pagod lang kasi ako pagsisinungaling nito at agad na nagpaalam"
Pagdating sa bahay ay kaagad na dumiretso sa kwarto si Patrick at kaagad na humilata sa kaniyang kama. 'Di mawala sa kaniyang isipan ang kagandahan ng babaeng kaniyang nakita kanina. Iniisip niya kung paano niya ito malalapitan dahil sa sobrang pag iisip ay 'di niya na namalayan na siya ay nakatulog na pala kagabi. Pagkagising niya ay dumiretso kaagad ito sa banyo at masayang masayang naliligo habang iniisip pa rin ang babae. Pagkatapos maligo ni Patrick ay nagbihis na ito at bumaba na upang mag agahan. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan kaya napansin ito ng kaniyang magulang at siya ay tinanong kung bakit ang saya saya niya, hindi naman siya nagatubiling sabihin sa kaniyang magulang kung ano nag nagpapangiti sa kaniya.
YOU ARE READING
Destined
Teen FictionMay tatlong magkakaibigan na nagkagusto sa isang babae, dahil dito masusubok ang kanilang pagkakaibigan na mas lalong tumibay dahil sa babaeng kanilang nakilala.