Chapter three

3 0 0
                                    

Maagang nagising si Gian at bumababa kaagad ito para tignan kung gising na ang kaniyang dalawang kapatid. "Good morning hija" bati sa kaniya ng kanilang yaya "good morning din po" nakangiting tugon nito. Matagal ng naninilbihan sa kanila ang kanilang yaya simula pa lamang noong siya ay 10 taong gulang, ngayon siya ay 23 taong gulang na ngunit nandyan pa din ang kaniyang yaya para pagsilbihan rin ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid na sina Joshua 14 taong gulang at Gretchen na 12 taong gulang. "Yaya gising na po ba yung dalawa?" tanong nito", " ahh pasenya na hija 'si ko pa sila nagigising kakatapos ko lang kasi maghanda ng breakfast niyo", ngumiti si Gian sa at sinabi na siya na lang ang gigising sa kaniyang mga kapatid. Kaagad pinuntahan ni Gian ang kwarto ng mga kapatid at ginising ito. Habang sila ay kumakain biglang naisip ni Gian ang mga lalaki na pinagkakaguluhan sa kanilang campus kahapon, hindi ito nagpahalata na interesado sa mga ito kaya hindi na siya nakisali pa sa mga nagkukumpulang estudyante a laking gulat niya noong pagditingin niya ay tumingin din sa kaniya ang isa kaya kaagad niya iniwas ang kaniyang paningin. Nagulat si Gian ng magsalita ang kaniyang kapatid na si Gretchen, "ate anong oras ang pasok mo? Pwede ba kami sumabay sa iyo?" tanong nito "mamaya pa ang pasok ko kung gusto niyo ihahatid ko na lang kayo" nakangiting tugon naman nito. Kaagad lumiwanag ang mukha ng kaniyang kapatid kaya pati siya napangiti. Mabilis na tinapos ng magkapatid ang kanilang kinakain at kaagad na naligo, pagbaba nila ay tinawag kaagad nila ang kanilang ate. Kinuha ni Gian ang susi ng sasakyan at inihatid na ang mga kapatid. Pagdating sa paaralan ay kaagad na nagkiss ang dalawa sa kanilang ate, nagbilin din ang kanilang ate na mag-iingat sila pag-uwi. Pagdating sa bahay ay naghanda na din si Gian upang pumasok sa paaralan. Pagdating sa parking lot ay dali daling pumasok si Gian sa canpus upang masilayan ang tatlong lalaking nakita niya kahapon, ngunit bigo siya hindi niya nakita ang tatlo kaya napagdesisyunan niya na pumunta muna sa canteen dahil maaga pa naman. Pagdating niya sa pintuan pa lang ng canteen ay kaagad niya natanaw ang tatlo na nakaupo sa dulo ngunit 'di siya nilingon ng mga ito. Nagulat na lamang siya ng may mga lalaki ng nakumpulan sa kaniyang harapan kaya binilisan niya ang kaniyang paglakad dahil siya ay naiilang kapag pinagtitinginan ng malapitan. Pagkatapos niya kumain ay pumunta muna ito sa cr, at nakita niya nanaman ang lalaking nakatitig sa kaniya kahapon kaya nagmadali siyang umalis. Pagdating sa classroom ay 'di pa din nagbabago ang mga tingin ng kaniyang mga kaklaseng lalaki, dumating na ang kanilang guro kaya mabilis siyang umupo sa likod na bahagi.

Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na din ang kaniya klase, tinignan niya ang kaniyang relo at maaga pa kaya napagisipan niya na sunduin ang kaniyang mga kapatid. Pagdating niya ay sakto dahil uwiaan na din ng kaniyang mga kapatid, nagulat ang ang kaniyang mga kapatid kaya napapangiti itong tumatakbo palapit sa kaniya, kaagad na yumakap at humalik ang dalawa sa kaniya. Pagkatapos yumakap ay nagsalita na si Joshua " ate pwede ba tayong kumain sa labas? medyo matagal na kasi tayong di kumakain sa labas kasi palagi kang busy" medyo nahihiyang tugon nito sa kaniyang ate. Napapangiti namang tumango si Gian sa kaniyang mga kapatid " saan niyo ba gusto kumain?" tanong naman nito, "kahit saan ate basta kakain tayo" nakangising tugon naman ni Gretchen. Pinasakay niya na ang dalawang kapatid at kaagad pinaandar ang kotse. Dinala niya ang kaniyang mga kapatid sa paborito niyang kainan noong maliit pa lamang siya, pagdating ay kaagad nag order sila ng makakain. Pagkatapos kumain ay nag patake out pa ng pagkain si Gian para sa kanilang yaya. Pagdating sa bahay ay sinalubong kaagad sila ng kanilang yaya, namutawi ang pag- aalala sa mukha ng yaya kaya kaagad tinanong ni Gian kung okay lang ba ito. Napangiting sumagot naman ito sa kaniya " okay lang ako hija, nag-alala lang ako sa inyo kasi anong oras na 'di pa kayo umuuwi akala ko kung ano na nangyari sa inyo" mahabang pagpapaliwanag ng yaya nito sa kaniya. "Yaya naglambing lang po itong dalawa kaya kumain kami sa labas" nakangiting ibinigay ni Gian ang pagkain sa yaya. Nagpaalam na ang tatlo at umakyat na sa kani-kanilang kwarto at naghanda na para matulog.

DestinedWhere stories live. Discover now