Freshmen life. Ang high school life na akala ko ikakasaya ko, na akala ko ikakakilig ko, na akala ko ikakaexcite ko. Pero akala ko lang pala yun. Kung nagtataka kayo kung pano ba ang setup ng freshmen life ko.... Puro kalungkutan, galit, at depression ang naramdaman ko sa loob ng isang taon. Bakit? Dahil sa pang bubully. Dahil isa lamang akong hamak na babae sa Hilton High. Pero, ng dahil dumating ang dream guy ko, ang crush na crush ko mula elementary pa kami, nagbago ang lahat. Hindi na nila ako sinasaktan at inaasar pa.
.
.
.
.
.
Dahil sya na ang nang bubully sakin. Sya na ang nanakit sakin. At sya lang daw ang pwedeng manakit sakin. Pero ang stupid ko, dahil kahit ganon, minamahal ko pa rin sya . Hanggang ngayon, ngayong malapit na matapos ang freshmen year ko,mahal ko pa rin sya. Wala eh, ito ako eh. Si VANESSA SHANE GONZALES. 14 years old. Ang one and only UGLY PRINCESS NG HILTON HIGH. At ang dream guy ko, walang iba kundi si KYLE LOPEZ. Ang pinakagwapong nilalang na nakilala ko. Ang kaisa isang lalaki na minahal ko. Pero, kahit na ganon, swerte pa rin ako kasi may nakilala akong BEST FRIEND na nagngangalang GABRIELLA MARIE BAUTISTA. Maganda, sweet, mayaman, at tinaguriang CRUSH NG HILTON HIGH. Sya ang laging nagtatanggol sakin kapag sinasaktan ako ni Kyle. Pero di nya alam na mahal ko ang taong mahal nya. Oo, tama kayo, mahal din nya si Kyle.Magbabago pa kaya ang flow ng freshmen life ko? Magiging masaya ba ako bago matapos ang taon na ito? September na ngayon. 6 months na lang. Magbabago pa kaya ang trato sakin ni Kyle? Maiinlove kaya sya sakin? Tssss, imposible. Masakit umasa.
Kaya ishashare ko na lang sainyo ang crazy freshmen life ko.