Vanessa's POV
"Tulungan ako? Para saan, para tigilan ako nina Tyra at Sheila? " sabi ko
"Parang ganon na nga" - Maris
"Di mo pa rin sila mapipigilan, ok? " - ako
"Kaya ko, at lalong kaya mo. Pwede kang magbago, pwede mo namang tanggalin yang nerdy glasses mo eh. Yung braces mo, pwede mong ayusin yang sarili mo" - Maris
"Kahit naman magbago ako pangit pa rin ako" - ako
"Alam mo, ganyan din ako noon. Isang nerd na laging nilalait ng mga classmates ko. Pero nung nagbago ako, natuto na sila na respetuhin ako. Nagpapatalo ka kasi eh. Di ka lumalaban." - Maris
"So ibig mong sabihin....." - ako
"Change yourself. Just like me. See, kaya ko naging kaibigan sina Tyra at Sheila kasi binago ko ang sarili ko." - Maris
"Hahahaha. Friends ba tawag mo sakanila? Eh kanina nga halos laitin ka na"
"Fine! Basta, kapag nagbago isip mo, tawagin mo lang ako."
Tapos umalis na si Maris. Bago? Ayoko magbago noh. Kasi makikita mo yung mga totoong kaibigan kapag tanggap ka nila. Parang si Gab. Teka, asan na kaya yun?
Text ko kaya. Ayyy, di ko pa pala nakukuha number nun. Huhu. Pati number ni Renz di ko pa nakukuha
Maghihintay na lang ako dito sa classroom. Katamad lumabas. Haists. Kyle, laitin mo na ako lahat lahat, wag ka lang mawala please, charot hehe.
After 5 minutes....
Biglang dumating yung president namin. Ano ba name nito? Ahhh oo, naaalala ko na. Si Laila. Maganda sya. Yung buhok nya hanggang balikat lang. May salamin pero hindi yung pang nerd. Medyo morena ng konti. Matangkad.
Pagkapasok nya, nilapag agad nya yung bag nya at lumapit sakin."Aga ah. Vanessa right?" - Laila
"Ahhh oo." - ako
"Asan na si Gabriella? Yung kasama mo lagi?" Sabi nya habang nakangiti. Then umupo sya sa tabi ko.
"Wala pa eh"
"Hahahaha. Obvious naman right? Hahahaha." - Leila
"Hahahahah" - ako. Nakitawa na lang ako sakanya. Lolz
"Ok, BTW, tutal baguhan pa lang tayo dito, pwede ba kitang maging friend? Ano kasi eh, parang ikaw lang yung makakasundo ko." - Leila
"Sure. Bakit hindi?" - ako
Yessss naman. May bago nanaman akong kaibigan hahaha
"Thanks yiee hahaha. Uhhhmmm may tanong lang ako sayo" - Leila
"Ano yun?"
"Wala ka bang girly essence? I mean, ang laki kasi ng glasses mo eh. And yung kilay mo, medyo makapal. Ang gulo ng mahaba mong buhok. Then, nagpupulbo ka ba or what? Hehe. Maputi ka sana oh." - Leila
Booooommmm!!! As in boooom!! Wala ba talaga akong girly essence? Mahilig naman ako sa barbie ah
"Girly essence,I mean, nag aayos ka ba ng sarili mo? Bakit di mo tanggalin yang braces and nerdy glasses mo? Matuto kang magsuklay" - Leila
"Ayoko kasi magbago eh hehe. Ewan ko kung bakit. Basta ayoko." - ako
"Well, ok" Leila
- - - - - - - - - -
Author's note
Sorry sa pale and slow update. Promise ko, mas magiging exciting ang next update. :)