Author's Note
Hello! How's your day? Hahahah. Please support my story till the end. Ay taray english huuuu! HAHAHAH. Sigi na, enjoy!
(Si Kyle yung nasa multimedia)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kyle's POV
HAHAHAHAHA! Laptrip yung babaeng yun. Namiss kong ibully yun ah. Oo, tama kayo. Ako lang naman yung nagbuhos ng green na paint sakanya. Buo talaga araw ko kapag nabubully ko yun. Huh!
Panigurado nasa cr yun. Tsss, baka nga malinis nya yung uniform nya.
-_____-
Papasok na ko ng impyerno, ay este ng classroom, nung narinig ko yung dalawang babaeng to na nag uusap, sina Sheila at Tyra.
"Really? Sayang! Di ko nakita, omg." - Sheila
"HHAHAHAHA! Sayang talaga, you should have seen her ugly face nung tinapunan sya ng paint! HAHAHAHA!" - Tyra
"Talaga bang tinapunan sya ng paint? Well, kung tinapunan nga, I admire kung sino man ang nagtapon" - Sheila
"So you must admire me huh?" - singit ko na halatang ikinagulat ng dalawa
"What?!" - Tyra
"Don't tell me……" - Sheila
Iniwan ko na sila dun at tuluyang pumasok sa classroom. Pero narinig ko pa si Sheila na may sinabi.
"Ang hilig talaga mang trip nung lalaking yun." - Sheila
Umupo nako sa pwesto ko sa likod, wala pa pala si panget, pero andito na si Gab. Di kami laging nasabay sa pagpasok, o kahit sa pag uwi. Pero I make sure na sya lagi mauuna saken sa pag uwi, ayoko namang maghintay sa labas ng bahay noh? Yung mga gwapong katulad ko? Huh! Di dapat pinaghihintay.
Pumasok na yung teacher namin,at wala parin si panget. Panigurado hirap na hirap yun sa paglilinis. *evil laugh*
After 20 mins.…
"Ms. Gonzales! Why are you late?!" Sigaw ng teacher namin kay panget. At wow. Bakit ang linis ng damit nya? Luh? Ano yun magic?
"Kase po ma'am" - panget
"Explain later. Sit down." Sumunod naman si panget at umupo dito sa tabi ko. Di ko nga alam kung ano nakain ko at dito ako pumwesto eh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vanessa's POV
Yey! Sa wakas! Recess na namin. Lalalalala
Kasama ko si Gab ngayon, pati narin si Renz. Kahit na iba section namin ni Renz, same parin naman ang schedule.
Naglalakad kami papuntang canteen ng nagtanong si Gab.
"Uy ano na? Kwento na aba." - Gab
"About?"- ako
"Edi yung nangyari sayo. Diba nabuhusan ka ng paint? Buti naman may extra kang damit na dala." - Gab
"Wala noh. Nung nasa cr kase ako, nakita ko salamin na may nakadikit na note. Tapos kinuha ko. At ayun, may nakasulat na may uniform daw ako sa 2nd cubicle." - sabi ko
"Galing! Superman hahahah!"- Gab
"Superman ka dyan? Cr nga ng girls eh. Kaya malamang, babae yun." - natatawa kong sabi
"Malay mo naman diba?" - Gab
Nakarating narin kami ng canteen. Yeyyy!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kyle's POV
Ano?! May tumulong kay panget? Di pwede. Narinig ko sila na nag uusap papuntang canteen. Di nila alam na nasa likod nila ako, kaya ayun. Letse. Sino kaya yung mokong na tumulong kay panget? Lagot saken yun. Binilisan ko na lang ang lakaf papunta sa back entrance ng canteen para di nila ako makita.
Kairita! UGH!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Vanessa's POV
"Ako na oorder." - yaya samin ni Gab
"Sige, kami na maghahanap ng table." - ako
"Okie!" - Gab
Nakahanap na kami sa wakas ng table ni Renz, pero kung minamalas ka nga naman, nakaupo mag isa dun si Kyle sa tabi ng nakita kong bakante. Hay nako. Lakas parin ng epekto saken ng lalaking yan. Oo, sabihin na naten na first year high school palang kami, pero duh? Di naman maiiwasan yan noh? Puppy love? Ewan. Naiyakan ko na eh. Grade 5 palang. Ang gwapo talaga nya. Ang swerte ng babaeng magugustuhan nyan. Hays.
"Uy Vanessa, tunaw na si Kyle." - Sabi ni Renz na nakapag gising ng diwa ko. Hala? Ganon ba ako katagal na nakatulala sakanya?
"Ahhh di ah, sa iba ako nakatingin. Tara na nga!" Tapos hinila ko sya papunta sa vacant table.
At alam nyo ang sinagot saken ni Renz? Ang mahiwagang………
"Tsss." - Renz
Haynako, tsss lang ba alam isagot nitong lalaking toh? Jusme.
Nakaupo na kami ni Renz ng saktong dumating si Gab dala ang tatlong cheeseburgers, tatlong brownies at tatlong orange juice.
Brownies. Hays. Namiss ko tuloy bigla si tita ='(
"Ayan huh! Libre na yan." - Gab
"Ang awkward, kase di pa ako nagpapakilala sayo nanlibre ka na. Ako pala si Renz." - Renz
"I know! Bleh. Nung first day kita nakilala eh." - Gab
"HAHAHAHAHA! Pahiya" - ako
"Tsss." - Ayan na naman ang mahiwagang tsss ni Renz. WTF? Tsss here, tsss there, tsss everywhere.
Umupo na si Gab at nilapag ang mga pagkain. Bait talaga neto.
Habang kumakain kami, di ko mapigilang tumingin kay Kyle. Hala. Poker face forever?
Natapos na rin kami kumain. Tapos pasok agad sa classroom, then lesson lesson lesson, tapos yey! Tapos na klase! Uwian na!
Nasa parking lot na kami nina Gab nung biglang humabol si Renz. Sasabay daw sya. Wala naman na daw syang pupuntahan.
Yey! Sa wakas, nasa bahay na kami. Nagbabye nako kay Gab, tapos pumasok na sa loob. Papasok na sana ako nung nakita ko si Mr. Reyes, lawyer namin at family friend, na nakaupo sa may bench sa garden.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's Note
Yow! Sorry sa hindi medyo detailed na chapter ngayon. Promise I'll try to improve this. =)
Lovelots!