02
Tahimik ko lang na sinusundan ng tingin ang bawat paggalaw ng kamay orasan sa wall clock na binili at ikinabit ni Papa kagabi bago ako matulog.
Hindi ko tinatanggal ang tingin doon dahil kanina ay nakaramdaman na ulit ako ng antok kung 'di lang pumasok si Mama at mahina akong pinalo sa pang-upo.
Muli kong hinampas ang unan na yakap ko dahil sa inis. Bumuntong-hininga ako at pumikit. Agang-aga saksakan ng init.
"Gusto ko pang matulog," impit kong ungot kasabay nang pag-iinat ng katawan.
Tamad akong umupo at muling nag-inat nang katawan. Tumayo ako at nilapitan ang electric fan para patayin na muna dahil kagabi pa bukas. Sunod kong nilapitan ay ang kulay peach kong kurtina at tinalian ng mga personalized designed na buwan na gawa naman ni Tita Shiela.
Binuksan ko rin ang bintana para pumasok ang hangin, inayos ko rin ang kwarto ko dahil masakit sa mata ang makalat na kama. Nang matapos, dumiretsyo na ako sa banyo para gawin ang morning routine ko saka lumabas ng kwarto.
Pababa pa lang ako sa hagdan ay napansin ko na agad sina Mama at Papa na busy sa sala. Kaharap ni Papa ang laptop niya habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa kung saan naman nakaupo si Mama na may binabasang mga papel.
"Good morning po," bati ko.
Sumulyap si Papa sa akin at saka ngumiti. "Good morning, anak."
"Ano 'yan, Pa?" Turo ko sa mga papel na marami pa sa round table.
Sumulyap si Mama sa akin at saka ngumiti. Nang dahil sa kyuryosidad, tumakbo ako papunta sa likod niya at sinilip ang papel. Nakangiti namang tumingala si Mama sa akin ng umiling ako at naglalad palayo sa kanya.
Lalo pa akong natawa ng tumama sa braso ko ang isang crumpled paper. Lumingon ako kay Mama at saka umiling.
"Oh! Bakit?" takang tanong ni Papa habang pinapanuod kami ni Mama.
Nagkatinginan ulit kami ni Mama at saka tumawa. Nang muling kumunot ang noo ni Papa ay kumaway lang ako at dumiretsyo na sa kusina para makakain ng agahan.
Dati kasi pinatulong ako ni Mama sa iniuwi niyang trabaho noong nasa Manila pa kami. Magkatulad 'yung papel na ipinakita niya sa akin noon at 'yung papel na nakita ko na may table at puro numbers.
Kaya sa halip na kuhanin ko 'yung ibinibigay niya sa aking papel, kinuha ko iyong isang portfolio at ako ang nag-type. Mas gusto kong makakita ng maraming letters kaysa sa mga numbers.
Tahimik akong kumakain ng agahan habang nag-ce-cellphone at naghahanap ng magandang mga tourist spot sa Batanes. Hindi ko pa alam kung saan kami magbabakasyon pero iniisip ko pa lang nasa Batanes kami pupunta, kinakain na agad ako ng excitement.
Gustong-gusto ko kasing makapunta roon. Parang ang peaceful ng buong lugar. Mula sa malalaking alon ng kulay asul na dagat, malawak na lupain na kulay berde at mga bundok.
"Ang sarap sa feeling." aniko.
Mabilis kong inubos ang pagkain ko at nagkanaw muna ng gatas sa kaunting mainit na tubig saka nilagyan ng malamig na tubig. Pagkatapos ay dumiretsyo ako sa sala at umupo sa tabi ni Mama na tumawa ng makita ako.
"Mama."
"Wala akong ginagawa!" depensa niya.
"Tinatawanan mo ako. Ayoko nga ng maraming numbers!"
"Paano 'yun?" Sumulyap sa amin si Papa na tila gulat sa sinabi ko. "Ikaw ang maghahawak ng business natin kapag hindi ko na kaya."
Awtomatikong kunot ang noo kong tumitig kay Papa na ibinalik ang tingin sa laptop niya. Sumulyap din ako kay Mama na tila nagulat sa narinig at sumulyap sa akin.
YOU ARE READING
See You Again Memories | Memories #2
Teen Fiction"May mga taong dadaan lang sa buhay natin hindi para makasama natin pagtanda, kung 'di para magbigay lang ng leksyon sa atin." Masarap magmahal kung ikaw ang mahal. Masayang isipin na may isang taong takot na mapahamak at mawala ka. Lahat ng tao ay...