03
Excited ako sa pag-alis namin dahil nalaman ko na sa Batanes nga kami magbabakasyon! I can't wait to see the beauty and simplicity of Batanes.
"Mag-iingat kayo roon, Helen."
Nakangiti akong sumulyap kay Donnie na ganoon pa rin ang ayos. Nasa likod at nakayakap kay Tita Carmen na parang bata, na parang si Tita Carmen ang aalis at hindi ako.
Hindi ko naman sinasabi na dapat ako ang yakapain niya ng ganoon, pero nakakatampo kasi siya. Kanina niya pa ako hindi sinusulyapan o pinapansin man lang.
Nakakatampo ang donkey.
"Ate," ani Tom na nakayakap sa baywang ko kaya yumuko ako. "Nag-away po ba kayo ni Kuya?"
Mabilis akong umiling at saka pinisil ng mahina ang mataba niyang pisngi. Sumimangot naman agad siya kaya natawa ako.
"Galit ata sa akin ang Kuya mo," parinig ko. "Kanina pa ako hi-"
"Hindi ako galit."
Kumunot ang noo ko, hindi tinatanggal ang tingin kay Tom na nakangisi na sa akin at sinusundot ang tagiliran ko. Hindi daw galit. Bakit kanina pa niya ako hindi pinapansin! Hindi galit.
"Dalawang linggo lang naman siguro ang itatagal namin doon, depende kung gusto pang mag-stay ni Caily," rinig kong sabi ni Mama. "Sabi rin kasi ng Doktor niya, hayaan muna siyang mag-relax, kausapin namin, bonding kumbaga."
"Maganda naman talaga na malapit tayo sa mga anak natin lalo na't mga teenager. Hindi dapat natin basta ipinagsasawalang bahala ang mga pinaggagawa nila at nangyayari sa kanila."
Habang nakikinig sa sinasabi ni Tita Carmen ay pinili ko na lamang kagatin ang labi ko at haplusin ang buhok ni Tom, na siya namang nakatingin sa Mama niya.
"Hindi naman sa wala tayong tiwala sa kanila kaya tayo naghihigpit. Sadyang may ilan silang mga kaibigan na ramdam natin na hindi maganda ang dulot sa kanila."
Napa-angat ako ng tingin at sinalubong ang papalapit na yakap ni Tita Carmen sa akin. Napasulyap ulit ako kay Donnie, seryosong nakatingin sa akin.
"Mag-ingat, Caily."
"Opo, Tita."
Kumalas kami sa pagyayakapan bago sumulyap kay Mama na siyang nakayuko.
Hindi man sabihin sa akin ni Mama, nakikita at nararamdaman ko na sinisisi niya ang sarili niya kahit hindi naman dapat. Oo, alam niya ang nangyari pero nagbulag-bulagan siya noong una at bandang huli na lang siya kumilos, but I'm still thankful. At least lumaban 'di ba?
Sinundan ko ng tingin si Tita Carmen na lumapit kina Mama at Papa. Niyakap niya muna si Mama saka sila nagtawanan, pagkakalas ng yakap ng dalawa ay si Papa naman ang yinakap niya.
"Mag-ingat ka roon."
Tuma-tango akong sumulyap sa harapan ko kung nasaan na si Donnie. Seryoso pa rin, nakapamulsa at kay Tom nakatingin.
"Opo! Aalis na!"
Nakangiti kong sinundan ng tingin si Tom na sinimangutan muna ang kapatid bago tumakbo at yumakap kay Tita Carmen. Mama's boy silang dalawa. Nasaan kaya ang Papa nila?
"Mag-iingat ka ro-"
"Opo. Pang ilang beses ko ng sinasabi sa akin 'yan," nakangiti kong tugon.
Kita ko ang paghinga niya ng malalim kaya mas lalo akong napangiti. Ang gwapo niya rin pala kahit seryoso, pero mas gwapo siya kapag nakangiti.
"Walang hahawak sa kamay mo sa Batanes. Baka mawala ka at madapa. Baka mapunta ka sa iba."
Hindi mawala ang ngiti at saya ko habang pinapanuod siyang ilagay sa palapulsuhan ko ang kulay itim ba bracelet.
![](https://img.wattpad.com/cover/224676254-288-k85554.jpg)
YOU ARE READING
See You Again Memories | Memories #2
Teen Fiction"May mga taong dadaan lang sa buhay natin hindi para makasama natin pagtanda, kung 'di para magbigay lang ng leksyon sa atin." Masarap magmahal kung ikaw ang mahal. Masayang isipin na may isang taong takot na mapahamak at mawala ka. Lahat ng tao ay...