07
"Nandito na tayo!"
Excited at agad kaming bumaba sa van. Paglabas ay awtomatiko akong napangiti ng makita ang simpleng chapel na nasa harapan namin at ang paligid.
Ang linis!
May ilan din turista na kasama namin dito. Kung hindi kumukuha nang litrato ng lugar o nang mga kasama nila, labas-masok naman sa loob ng chapel. May nakita rin akong mag-boyfriend at girlfriend na magka-holding hands na pumasok.
"Mt. Carmel Chapel." Turo ni Jackson sa nasa harapan namin. "This is the only chapel build here with this stone house style."
Tumango ako at wala sa wisyong itinaas ang kamay saka pinakatitigan iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi mo siya boyfriend, okay? Hindi pa nagsisimulang manligaw, nagsabi pa lang!
"Anong meron sa kamay mo? May lalabas bang Luñis at Uved diyan?" takang tanong ni Jackson.
Seryoso akong nag-angat ng tingin sa kanya na malaki na naman ang ngisi sa akin, nang aasar. Inagaw niya ang kamay ko at siya na mismo ang nag-angkla sa braso niya bago tumikhim.
Tinapik niya pa ng ilang beses ang kamay ko saka ako hinila papasok sa loob.
"Sana all may kasamang boyfriend o kaya girlfriend, no? Ang ganda pa naman rito."
Natatawa akong tumango sa kanya. "May girlfriend ka?"
"Nagkaroon pero matagal nang wala. Alam mo na..." Bakas sa tono ng boses niya ang pagkaseryoso kaya tumigil ako sa pagtawa. "... nagloko. Mas mahal niya raw 'yon kaya hinayaan kong umalis kahit mahal ko. Noong niloko siya ng bago niya, bumalik sa akin pero hindi ko na tinananggap."
"Bakit?"
"Kasi para sa akin, kapag mahal mo ingatan mo! Huwag mo ng iwanan dahil sa pesteng rason na mas mahal mo 'yung isa," mariin niyang sabi na ikinangisi ko. "Tapos noong iniwan at sinaktan ni two-months boy, sa akin iiyak tapos babalik. Anong tingin niya sa akin? Yoyo na pagkatapos ihagis babalik sa kanya?"
Ipinakita niya pa sa akin ang dalawa niyang kamay. Isang mataas at isang mababa saka muling nagsalita. "Pinagpalit niya ang pangmatagalang pagmamahalan kaysa sa pansamantala kaligahan, very wrong."
Naiiling kong tinapik ang balikat ni Jackson na mukhang nainis ata dahil sa pagkukwento. Mahina akong tumawa at pasimpleng inginuso ang ibang turista na nakatingin sa akin.
"Kalma ka lang, Jackson. Hindi lang tayo ang tao rito. Baka may kamag-anak ang ex-girlfriend mo rito," aniko.
Nang makapasok kami sa loob ay dumiretsyo agad sa bandang unahan, hindi pinansin ang iba pang turista saka umupo. Tahimik kaming nagpasalamat, humingi ng tawad at humiling.
Napasulyap pa ako sa katabi ng bigla siyang tumayo at itinuro ang isang pintuan sa bandang kaliwa. Tinanguan ko lang siya at ibinalik ang tingin sa harapan para mag-isip.
Paano kung sa akin mangyari ang nangyari kay Jackson? Paano kung isa sa amin ang magloko o makahanap ng bago? At paano kung bumalik, tatanggapin ko ba?
Umiling ako at pumikit, paulit-ulit din akong bumuntong-hininga bago tumayo. Lalabas na ako.
Habang naglalakad palabas ay nasulyapan ko sina Mama na siyang papasok pa lang. Kaya lumapit agad ako at humalik sa pisngi nila ni Papa bago nagmano kay Tito.
"Anong nangyari sa 'yo?" tila gulat na tanong ni Mama na agad namang sinaway ni Papa.
Nakangiti lang akong nagkibit-balikat saka dire-diretsyong naglakad palabas. Kumuha ng magandang anggulo para makuhanan ng litrato ang Chapel, ang mga turista at saka si Jackson na naglalakad palapit sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/224676254-288-k85554.jpg)
YOU ARE READING
See You Again Memories | Memories #2
Teen Fiction"May mga taong dadaan lang sa buhay natin hindi para makasama natin pagtanda, kung 'di para magbigay lang ng leksyon sa atin." Masarap magmahal kung ikaw ang mahal. Masayang isipin na may isang taong takot na mapahamak at mawala ka. Lahat ng tao ay...