Kabanata 09
"Just choose, Jackson!"
"Ayoko nga. Ako ang papatayin mo, no?" histerikal niyang tugon sabay turo sa sarili. "Kaya ako ang tinatanong mo."
"No!" inis kong sigaw. Ngunit hindi na ring napigilang matawa dahil sa postura niya. "I will not kill you, Jackson. Baliw ka ba?"
Lalo pa akong natawa ng mabilis siyang umayos ng tayo. Nakakunot na naman ang noo niya habang magka-krus ang dalawang braso sa dibdib na parang akala mo'y sinisilipan ko siya.
"Just choose. Tragic or not?" nakangiti kong tanong. "Choose wisely, Jackson! Sa desisyon mo nakasalalay ang kwento nilang dalawa."
Hindi ko alam kung bakit sumagi sa isip ko na itanong kay Jackson ang bagay na ito. Ngayon ko lang ata isinaalang-alang sa ibang tao ang magiging wakas ng kwentong ginagawa ko.
Kalimitan kasi, ako ang nagdedesisyon sa akdang ginagawa ko. Minsan naman kapag hindi ako makapagdesisyon kung magiging happy o tragic ending, ibinabase ko sa message o mood ng kantang naging inspirasyon ko para masulat ang partikular na akdang 'yon.
"Fine! Fine. But first, promise me one thing," seryoso niyang sabi bago ako pinandilatan ng mata. "Walang mamatay. Walang maghihiwalay! Happy ending!"
Para mas makahanap pa ng inspirasyon sa pagsusulat, nagpalipat-lipat ako ng pwesto sa bahay. Sa gazebo, sa sala, sa kwarto, sa balkonahe at sa dalampasigan, kung saan mas naging maayos ang takbo ng kwento.
Dahil masaya ako, masaya ang naging takbo ng naisulat ko. Ang lahat ng one-shots na nagawa ko ay puro happy ending. Nagkatuluyan ang dalawang bida. Sana lahat.
Ilang minuto pagkatapos kong magsulat, nakatanggap ako ng text message kay Jackson na tumaas na ako para makapag-ayos na. Noong una, akala ko gagala na ulit kami, pero ng maalala ko si Janna bagsak ang balikat kong tumayo at inayos ang gamit.
Habang naglalakad pataas, ka-video call ko naman si Donnie. Ipinakita niya sa akin ang hitsura ng maja blanca na nasa kawa pa ng mga oras na 'yon at ang mga kasama niya, at siya na may dumi sa mukha.
Ang sarap! Sa screen pa lang ang sarap na paano pa kaya kapag nasa harapan ko na?
Marunong kayang gumawa ng maja blanca si Jackson?
"Pumasok saglit si Mama sa loob, hindi siya nagtinda ngayon kasi babantayan niya raw kami sa pagluluto. Baka makalimutan na naman daw ang mais at masayang," kwento niya. "Hindi naman masasayang sa amin 'yon."
"May punto si Tita Carmen, Donnie. Baka sa halip na kumita na kayo this time, mawala na naman at kayo na naman ang kumain niyan," natatawa kong tugon. "Ikamusta mo ako kay Tita."
"Okay lang. Basta mahalaga busog kami."
Habang nagpapahinga siya ay si Samuel ang sumalo ng paghahalo, pahapyaw kong ikinukuwento sa kanya ang ilang one-shot stories na ginawa ko. Kumbaga, iyong mga interesting part lang.
Hindi ko nga lang talaga matapos-tapos ang sinasabi ko dahil hinihingal ako sa pagtaas. May tote bag sa balikat ko, hawak ang cellphone, naglalakad ako pataas habang nagkukwento at medyo mainit pa.
Kahit malakas ang hangin, hindi nakatulong iyon para hindi ako hingalin.
"Hinga muna, Cai. Walang sasambot sa 'yo diyan kapag nahulog ka. Wala ako," ani Donnie.
Dahil sa kaba ng marinig ang sinabi niya, gulat akong napatitig sa screen kung saan pakindat-kindat siya sa akin. Para mapagtakpan ko ang saya at kaba, natatawa kong inilayo ang cellphone sa mukha.
Sa halip din na tumugon ako sa sinabi niya, tumahimik na lang ako at kinalma ang sarili. Hindi naman sa ngayon lang ako nakarinig ng mga ganoon salita, pero iba kasi. Iba ang epekto.
YOU ARE READING
See You Again Memories | Memories #2
Fiksi Remaja"May mga taong dadaan lang sa buhay natin hindi para makasama natin pagtanda, kung 'di para magbigay lang ng leksyon sa atin." Masarap magmahal kung ikaw ang mahal. Masayang isipin na may isang taong takot na mapahamak at mawala ka. Lahat ng tao ay...