Kabanata 06

1 1 0
                                    

06

"Barbeque saka kikiam na lang please!"

"Ayaw mong magsunog ng mallows?"

Nakangiti akong umiling at tinanggap ang paper plate na may lamang barbeque at kikiam saka ang suka na may sili na inaabot niya sa akin. Inilapag ko iyon sa harapan ko kung saan may maliit pero mahabang lamesa.

Nang matapos, saka ako umayos ng upo at ipiniyod ang buhok ko bago tahimik na sinimulan ng kainin ang ilang pirasong kikiam.

Ang sarap nito!

"Ganyan na rin nga sa akin nahihili ako. Sarap na sarap ang pagkain mo," rinig kong sabi ni Jackson bago ako iwan.

Ngayon, nasa dalampasigan kami dahil gusto ni Mama na mag-bonfire ngayong gabi para masulit ang bawat oras. Sang-ayon naman ako sa gusto niya na huwag sayangin ang oras habang nandito, pero hindi man lang ba napapagod si Mama?

Kailangan nilang magpahinga ni Papa. Tumutok pa naman sila sa laptop nila kanina, masakit sa mata 'yon at gusto kong magpahinga kami ng maaga ngayon. Pati sina Jackson at Tito Jack.

Kaya kaunti lang ang dinala naming kahoy pababa dahil pinilit ko na huwag kaming sobrang magpapagabi rito, dahil bukod sa gusto ko ngang maagang kaming magpahinga, malamig din.

Nauna kami ni Jackson pababa. Siya ang nagdala ng kalahating sakong kahoy habang ako ay ang basket na may lamang kung anu-ano. Sumunod na rin agad si Tito dahil hindi pa raw tapos lutuin ni Papa ang sisig.

Kaya kaming tatlo pa lang ang nandito sa baba at dinadama ang init na nanggagaling sa bonfire na siyang nilalaban ang lamig ng hangin habang kumakain.

Ang peaceful.

"Caily, kamusta ka naman?"

Napalingon ako kay Tito na siyang humihigop ng kape habang nakatingin sa akin, nakangiti. Paniguradong sa kanya nagmana si Jackson, ang saya ng awra nilang mag-ama.

"Okay naman po, Tito. Nag-e-enjoy sa lugar," nakangiti kong tugon saka muling sumubo ng kikiam.

"Mabuti naman!" natatawa niyang sabi. "Iyon kasi ang inaalala ng Papa mo bago niya kayo dinala rito, baka raw kasi maburyo ka. Hindi na naman daw kasi niya alam ang mga gusto at ayaw mo kaya hindi niya alam ang gagawin."

Tahimik lang akong tumango habang inuubos naman ang barbeque sa bibig. Bahagya kong iniatras ang itaas na bahagi ng katawan dahil muling naglagay ng ilang kahoy si Tito para hindi agad mamatay ang apoy.

Ang tagal nina Mama. Baka bago pa sila makababa rito, wala ng kahoy.

Tumabi na rin sa akin si Jackson na dala ang sariling paper plate. Nang mapasulyap at makitang limang stick ng barbeque ang nasa mangkok niya, mabilis akong kumuha ng isa at ngumiti sa kanya.

"Natawa nga ako noong nagpadala siya ng mga regalo sa inyo ng Mama mo. Bumili siya ng iba't ibang klaseng make-up kasama si Janna, hindi niya tinigilan sa pangungulit hangga't hindi siya sinasamahan."

"Kailan pala uuwi si Janna, Pa?" tanong ni Jackson sabay subo ng kikiam.

Gusto kong ma-meet ang kapatid ni Jackson. Kinukulit ko siya kanina na ipakita sa akin kahit picture lang, pero ayaw niya kaya mas lalo akong na-curious kung magkamukha sila.

Manipis lang ang kilay ni Jackson, moreno, pouty lips ang medyo mamula-mula niyang labi at siya rin ang pinakamatangkad sa aming apat na ikinahili ko.

Ako kasi ang pinakamaliit.

"Next month pa, Jackson."

Kung alam ko lang rin na si Papa ang nagpapabigay ng mga gamit na 'yon at hindi si Raymundo, na nang mga oras na 'yon ay isang threat sa akin, tatanggapin ko iyon.

See You Again Memories | Memories #2Where stories live. Discover now