Chapter Nineteen

3.4K 41 0
                                    

Pakatapos ng mainit na saluhan namin ni Ethan ay agad akong nagbihis at bibisitahin namin si Papa.

I was hooking my bra when suddenly my phone beeps. Agad ko itong inabot at tiningan kung anong meron.

Napamura ako sa mensaheng dumating sa akin. It was Ethan and a girl making out in his bed. Wtf!?

D-did Ethan really cheated on me?

Wala ako sa tamang isip sa mga oras na yun. Lumabas na ako at sakto namang tapos na din sya.

"Beautiful as always" saad nito habang inilalahad ang kamay.

Akala nya hindi ko alam mga pinagagawa nya.

"Bolero ampota" nagulat ito sa aking sinabe, maski ako. Ang salitang dapat nasa isip ko lang ay nasabe ko.

Hanggang sa marating namin ang puntod ni papa hindi ko paden ito inimikan. He is sweet to my papa, but cheater.

Pinatapos ko lang ito sa pagsasalita at tumayo na din. Narinig ko pa ang pagpapaalam nya sa papa ko.

Multuhin ka sana.

Sumakay na ako ng una sa sasakyan. Sumunod naman agad ito at ngayo'y nakakunot na ang mga noo.

Ilang sandale pa ay nagsalita na ito ng kalmado. "Tell me what's wrong".

Tell me tell me ka pa, sarili mong kabulastugan di mo man lang alam.

"I'm staying in my apartment" diretso kong saad habang ang mga mata ko ay nasa daan lang.

Bahala sya sa buhay nya.

Napansin ko ang pagtigil nya na naiinis na. "I said tell me what's wrong" kalmado nya pa ding saad ngunit may diin ang mga bawat salita.

Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan nalang sya.

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya "Kung ano man ang kasalanan ko, sorry"

Wtf!? ganun nalang yun? No way. Tango lang ang naging sagot ko sa kanya.

Hininto nya na sa tapat ng apartment ko ang sasakyan. That's it maybe guilty sya dahil sa ginawa nya kaya papabayaan nya lang ako.

Sakit

Bago pa ako nakalabas sa sasakyan ay may sinabe pa ito. "Wag ka namang maging ganito sakin oh tas hindi ko man lang alam anong nangyayari sayo".

Napailing nalang ako "Wala ka din namang pake, kaya di mo talaga malalaman" sabay labas ko at hindi na pinakinggan ang sunod na sinabe.

I'm right, wala talaga syang pakealam sa akin. Bahala sya...

The next day ay napagdesisyunan kong hindi muna ako papasok. Baka masampal ko lang yun ng walang oras, pero syempre di ko gagawin yun.

Kahit na paulit ulit akong saktan nun, papatawarin at papatawarin ko parin yun. Sya ang sakit na gusto kong piliin araw araw. Tanga? Nagmahal e

Malapit ng maghapon, wala ba talaga syang balak na puntahan ako.

Pumasok nalang ako sa aking kwarto at nagbasa ng libro, kumuha muna ako ng gatas bago pumasok.

Habang umiinom ako ng gatas may narinig akong kalampag sa sala, I'm hoping na sana si Ethan na iyon.

Bubuksan ko na sana ang aking pinto ng maunahan ako. Dalawang mga naglallihang lalaki ang tumambad sa aking harapan.

Agad nila akong binuhat kaya nagsisigaw ako ng tulong ng masagi ng isang lalaki ang baso dahilan para mabasag ito.

I need Ethan right now, damn where are you?

Huli na nang makita kong may panyong papunta sa direksyon ko para takpan ang aking bibig. Nakaamoy din ako ng kakaiba dahilan para mahilo ako at mahimatay.

Into You ✔Where stories live. Discover now