Chapter Twenty Eight

1.9K 49 10
                                    

Patricia's Pov

Isang linggo palang andito si Ethan pero feel ko isang taon ng naging impyerno ang buhay ko dahil sa araw araw nyang pangungulit sa akin.

"Babyyyyyyyy!!" biglang bukas ng pinto sa bahay ni kuya. And guess who? wag nyo nalang i guess. Hindi mo talaga maiimagine na ang dating isang seryoso, tahimik, hindi palangiti, strikto, at puro business lang nasa utak na tao ay ngayon ay parang batang nagtatakbo papunta sakin.

He's being childish pag ako ang kasama nya and I love - jok.

"Pwede ba, stop calling me baby. It's annoying, isa pa hinde mo na ako baby" angil ko sa kanya. Hindi paden mabura bura ang ngiti nito papalapit sakin habang bitbit ang isang tupperware na sa amoy ko ay nilaga ang laman nito. Anyways malapit lang ang tinitirhan ni Ethan sa bahay ni kuya, mga 3 pinto lang ay amin na.

"Sus, ang aga aga ang sungit na naman ng baby ko" sagot nya at tumabi sakin sa pag upo, kaya lumayo ako sa kanya ng unti.

"Baby mo mukha mo" kinuha ko nalang ang remote at inabala ang tingin sa tv. Kung nagtataka kayo bakit nakakapasok yan sa bahay ni kuya is malamang magaling manloko kay kuya and yah- nabigyan ko na sya ng pagkakataon na magpaliwanag sa lahat ng nangyari and kinda napatawad ko na siya.....

"Hmmm, sarap pala ng nilaga ko" rinig kong saad nito sa likod ko. Sh-t, natatakam ako. Dinig na dinig ko paden ang paghigop nya ng sabaw, sh-t namiss ko yung alaga nya - I mean nilaga nya.

"Ikaw? Baby ayaw mo?" he's baby talking again.

Nyeeeeeee, nagiging marupok akooooooo. TULONGGGGG!!!!!!

Hindi ko nalang ito pinansin kahit gusto ko na talagang kumain. Kanina pa akong walang kain kaya gutom na gutom ako.

"Hello? Opo, the customized tom and Jerry cake. Yes please, thankyou" dinig kong saad ni Ethan habang may katawag sa kanyang cellphone. Agad naagaw ang aking pansin dahil sa kanyang sinabe.

"Akin na yan, patikim" agad kong hinablot ang kutsara sa kamay nya at hindi na hinintay ang pagsasalita nya. Agad kong nilantakan ang luto nyang nilaga, and it's freaking delicious!

"Naks, my baby is really hungry" Ethan said while looking at me with his playful smile.

"Yak, ampangit ng lasa. Gross" agad kong nilayo ang nilaga at nagkunwaring nasusuka kahit gusto ko talagang ubusin iyon. Isang halaklak lang ang narinig ko sa kanya at sya namang saktong pagbukas ng pinto.

Agad na tinungo iyon ni Ethan. Pagbalik nya ay may bitbit na itong kahon na I think yun yung customized cake nya.

HOLY F-FUDGE!? THAT WAS A TOM AND JERRY CAKE??!!?!!

Agad na umupo si Ethan sa aking tabi at binuksan ang kahon. And this is the moment I knew that I fucked up, inaway ko pala sya. Pa'no ako makakakainnnn!?

It was a simple but cute cake. It is really a tom and jerry. Parang gusto ko lang yung titigan at idisplay imbes na kainin.

"Why are u sad?" tanong ni Ethan sakin.

"Wala" sagot ko at binalik nalang ang tingin sa tv.

"C'mon baby, tell me di mo ba gusto?" he's using his baby tone again.

"Kakainin mo talaga yan?" mahinang sambit ko.

"Pfft, kahit inaaway mo ako tayong dalawa ang kakain nyan"

"Wag mong kainin yan, display nalang natin" saad ko sa kanya using also my baby voice.

W-wait, did I baby talked to him!?!?!

"Can I hug you?" rinig kong sambit nya. I was shocked from his words kaya hindi ako nakaggalaw at nakaimik agad. Huli na ng maramdaman ko ang yakap nya. Ang yakap nyang matagal ko ng hinanap hanap. I miss his hugs, I miss Ethan's hugs.

"I can't resist, you're just too cute and I miss you...... so much" bulong nya habang yakap nya paden ako. Di ako makagalaw, ni wala akong lakas para itulak sya. Dahil ba gusto ko din ang nangyayari ngayon?

Naramdaman ko nalang na ginagantihan ko na ang yakap nya. Call me marupokiestiestiestiest of all.

"oy cake" biglang naitulak ko si Ethan dahil narinig ko ang boses ni kuya.

"Oh, kain tayo" halata mang masakit ang pagkakatulak ko nagawa nya pading yayain si kuya.

"Tirhan nyo lang ako, may dinaanan lang" tango lang ang sinagot ni Ethan habang ako ay namumula parin at hindi makapagsalita.

"Una na ako, babygirl behave ka lang.... pati ikaw Ethan, cake lang dapat kakainin" isang masamang tingin ang tinapon ko kay kuya dahil sa pahabol nyang salita, habang si Ethan naman ngayon ang namumula.

"Rafael's one of a motherfuckin'dumbass bitch" dinig kong angil ni Ethan.

"Whatever" agad kong kinuha ang cake at humarap sa tv.

"Naks, nahiya yung bumili ng cake ah" irap lang ang naging sagot ko kaya hinatian ko sya ng konti at nilagyan sa maliit na platito.

"Here" walang reklamo nyang kinuha ang aking inalok na cake. Tahimik kami parehong kumakain habang nanunuod ng Tom and Jerry.

"Napatawad mo na ba ako?" mahinang bulong nito. Agad naman akong natahimik sa tanong nya, napatawad ko na ba sya?

"Oo" saad ko. Bigla lang itong lumabas sa aking mga bibig. Maybe, napatawad ko na nga sya. Mas nagulat ako ng bigla itong nagtatalon at nagsisigaw ng "yes" na animo'y nanalo sa lotto ang kupal. Magsasalita na sana ako ng lagyan nya ako ng icing sa mukha.

And ending? Para kaming mga batang nagtatakbo at naghahabulan sa bahay ni kuya, kalat ang aming mga hitsura at walang ibang inisip pareho kundi namiss ang moment na ito pareho.

"I'll fetch you tomorrow morning, bye. Goodnightt baby" pagpapaalam ni Ethan bago nya ako iniwang tulala at namumula, inaalala ang nga nangyari sa amin.
------------------------

Into You ✔Where stories live. Discover now