Chapter Nine

5.7K 53 5
                                    

Nagising ako sa ingay sa doorbell sa pinto. Last day nalang namin ngayon at bukas ng maaga ay uuwi na kami pabalik sa Pilipinas. Agad kong tinungo ang pinto dahil baka magising din si Tricia. Baka si Rafael to kaya agad na binuksan ko ang pinto ng naiinis.

"Tangina naman pr-" natigil ako kakasalita nang may yumakap sakin. This smells, her smell. Masyadong mahigpit ang yakap ng babaeng nasa harapan ko, my ex. At hindi na napansin na bumaba na pala si Tricia.

"Chuch-" natigil ang pagsalita nya ng makita nya kaming nakayakap. Agad akong humiwalay kay Venice at tinungo si Tricia.

"Hala sino yan?" bulong nito sakin na ikinatawa ko dahil sa itsura nyang magulo hahahaha cutie.

"Si Venice"

"Hala omg, yan yung ex mo diba?" napalakas ang pagkakasabi ni Tricia na may halong pagka sarcastic kaya lumapit na samin si Venice.

"Yes, btw I'm Venice" sabay lahad nya sa kamay nya. Pero tiningnan lang ito ni Tricia at ngumiti.

"Akyat lang ako sa taas Ethan" paalam pa neto kaya hindi ko na pinigilan pa. Seems like hindi sila magkakasundo.

"Why are you here?" blangko ang ekspresyon ko habang tinatanong sya.

"I heard kase na uuwi na kayo bukas, pwede ba extend muna kahit 3 days lang? I just want to get along with you and your new PA? Bago kami umalis nina Christian. Don't worry pumayag sya" sabay ngiti nito sakin.

"Okay fine, dun ka nalang sa kwarto ko. Tabi nlang kami ni Tricia"

"Lagay mo na mga gamit mo dun" sabay talikod ko at tinungo ko na si Tricia sa taas. Naabutan kong nakahiga si Tricia at nagbabasa. Hindi man lang ako pinansin.

"Extend tayo 3 days, gusto lang daw nya tayo makabonding, and btw tabi tayo matutulog" saad ko pa pero hindi paden ako nito pinapansin.

"Don't do bondings, sorry. Kayo nalang" sabe nya pa kaya napailing nalang ako. Abala paden ito sa pagbabasa kaya napagdesisyunan ko nalang na silipin si Venice.

"Okay ka lang dyan?" saad ko nang nakita kong nagaayos sya sa damit nya. Syempre kahit na niloko nila ako, may pinagsamahan paden naman kami. Wala namang masama kong magpatawad ako diba?

"Okay na ako, thankyou ha. Kahit na may kasalanan ako sa sayo, you're still the same. I'm sorry, hoping that you forgive me." sabay tingin nya sa akin.

"Okay na yun, no need to worry. Matagal ko na kayong pinatawad besides kapatid ko paden yun. May mga pinagsamahan din tayo. Just send my regards to Christian" sabay ngiti ko sa kanya at lumabas na.

Pero bago pa ako nakaapak palabas sa silid ay nagulat ako nang niyakap na naman ako nito. I hugged her back, just friendship and forgiveness. No feelings related

"Chu-" napalayo naman agad kami sa isa't isa ni Venice.

"Oh, okay maya nalang" sabay labas nito. Ba't ba pag nagyayakap kami ni Venice saktong pumapasok si Tricia?

"Do you like her?"

"Yes I do, at nagkaaminan na kami" sabay iling ko na naman dahil naalala ko na naman ang epic kong pagamin sa kanya.

"Well, I'm happy for you" sabay ngiti at ginantihan ko nalang ulit sya ng ngiti.

"Labas na ako, para makaayos ka na nyan" tumango na ito kaya lumabas na ako. Wala ng mas gagaan sa pakiramdam pag natuto kang magpatawad.

Tinungo ko na si Tricia para sya ang paglutuin ko ng tanghalian. Wala pa kaming kain simula kanina. I cook, but legend lang nakakatikim sa luto ko. Masarap ako e, este luto ko.

Into You ✔Where stories live. Discover now