Chapter Twenty Five

4.5K 82 62
                                    

Tricia's Pov

"Hindi ba masakit ulo mo?" tanong ni Kuya habang bitbit ang niluto nya.

Kakagising ko palang, at ngayon ay nandito kami sa kusina para kumain.

"Mas masakit paden ang ginawa nya" pabulong kong sabe pero ramdam kong dinig iyon ni Kuya.

Naninibago ako sa pagtawag ko ng Kuya, but ang sarap sa pakiramdam.

"Tsk, pabayaan mo na muna sya" inilapag ni Kuya ang kanyang luto na sinigang.

Naikwento na din sa akin ni Kuya kung bakit magkapatid kami. Bago daw mag asawa si Papa kay mama ay nagkaruon ito ng anak sa kanyang pagkabinata, pero hindi kagaya ko ay yung mama nya ay namatay. Minsan na daw akong dinadala ni Papa sa kanila sapagka't mabait ang kanyang ina at tanggap ako nito. Minsan na din akong nakita ni kuya, at naalagaan. Natigil lang ang pagpunta namin kila Kuya ng malaman ito ng aking ina.

Nalaman lang ni Kuya na ako pala kapatid nya ng ipaimbestiga ni Ethan ang bagong pamilya ni Mama kay kuya. And then he promised me na hindi na daw sya lalayo sakin. What a sweet brother.

"You're just playing the food, hindi ba masarap?" malungkot na saad ni Kuya.

Agad akong nabalik sa pagiisip at umiling iling "No kuya, may iniisip lang ako pero trust me ang sarap ng food hihi" binigyan ko sya ng isang pekeng ngiti.

"Stop over thinking" lumapit pa konti si Kuya at itinaas ang dalawang kamay. "Come here, hug ka ni Kuya".

Naiiyak akong lumapit kay kuya at agad na niyakap sya. This is my new medicine, my brother's huggg.

"Shhh, babyyy" mas lalong humigpit ang aking pagkakayakap nang marinig namin parehos ang pagbukas ng pinto.

"Tr-tricia? R-rafael?" halos ma estatwa sya kanyang kinatatayuan ng makita nya kaming magkayakap.

Agad kong pinunasan ang aking mga luha at malamig syang tiningnan.

"Anong ginagawa ng isang manloloko dito?" malamig kong tanong.

"Fuck, pumunta ako dito tas yun lang madadatnan ko?" sinabunutan nya pa ang kanyang sarili na parang naguguluhan sa nangyayari. That's it, wala syang alam na kapatid pala kami.

"So? anong pake mo dun?" wala pa ding emosyon ang aking mukha, pero gustong gusto ko na ulit syang mayakap.

"Wtf!? What's my pake? You're my girl, my baby tas sasabihin mong what's my pake?!" hindi ko alam kong kikiligin ba ako, maiiyak, o tatawa dahil sa conyo nito. Halata na din sa likod ang pagpipigil ng tawa ni kuya dahil sa mga naririnig.

"Pftt" pagpipigil ko ng tawa.

Agad nya akong hinila papalapit sa kanyang katawan at niyakap. Isang yakap palang ni Ethan, nakakalimutan ko agad lahat ng nagawa nya sa akin. Lahat ng sakit at selos sa mga nakaraang araw.

Bakit ba ang rupok ko???

"Leave" mahina kong saad. I can't do this anymore, ayoko ng masaktan.

"T-tricia pleaseee, just one more chance" pagmamakaawa nya sakin. God knows, how much I wanted to hug him and kiss him again.

"Please leave!" madiin kong sambit, ayokong umiyak sa harapan nya.

"Kahit anong mangyari, hindi kita susukuan. I'm much better than Rafael" huli nyang sambit bago lumabas.

Tuluyan na akong napaluhod at napaiyak, ang sakit.

Yes Ethan, you're the best.

"Hush, advice lang galing kay kuya ha. Babygirl you've grown up well, andami mo ng pinagdaanan antapang mo, proud si kuya sayo." inangat pa ni kuya ang aking mga ulo. "Kung ako nga nagawa mo pang tanggapin bilang kuya, why not kay Ethan diba?"

"Kuya naman, iba naman ang sitwasyon mo sa kany-"

"Pero parehas kaming nagkamali, just try to forgive him. Wag kang maging madamot sa kapatawaran." niyakap ko agad si kuya.

Kuya has a point, pero hindi iyon madali para sa akin.

"It's okay, wag mong madaliin" sagot ni kuya na parang nababasa ang aking isipan.

He really knows me well, kahit di kami sabay na lumaki.

Isang buwan, isang buwan akong umiiyak sa kwarto at nagmukmok. Saksi ang kuya ko nun, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko paden magawang kalimutan lahat. I stopped working in his company, at sa isang buwan na iyon ay hindi talaga tumigil si Ethan sa akin. He always sent me flowers, stuffs, tom and jerry.

I love him, I really do.

"Sumama ka na muna sakin sa Canada" hindi na ako nagulat sa sinabe ni kuya.

I just nodded, I need new environment.

Si Kuya na ang nag imapake sa mga gamit ko, I just can't believe all of this.

He left me a note saying "Alam kong aalis ka, mamimiss kita baby. Asahan mong pagbalik mo, ay ikaw parin. I know Rafael's your brother, that idiot has a pretty sister tsk. Naiintindihan kita, sana'y mapatawad mo ako. Take care, kase wala na ako sa tabi mo para yakapin ka at alagaan. I love you" and now, I'm crying.

I'm fucked up

I missed him, kung paano nya ako yakapin at halikan. The way he smiled at me, the way he stared, and call me baby.

I can't even forget him..

Maybe this is all we need, after all if kami talaga, kami talaga.

---------------------
SHORT UPDATE HOHO, ENJOYYY!!

Into You ✔Where stories live. Discover now