chapter 1

83 3 0
                                    

 Haaaaaayyyyyyyy..................

.

.

.

ang sarap talaga ng simoy ng hangin tuwing umaga lalo na dito sa tuktok ng bukirin namin!

Ang sarap ring pagmasdan ng mga berdeng dahon ng mga tanim naming palay sa ilalim ng asul na kalangitan.....

sa lawak ng palayan namin, di mo mahuhulaang ang tatay ko lamang ang mag-isang nagtanim ng mga palay doon. Sobrang sipag niya kasi eh. Siguro, kung di lang dahil sa mga naging utang namin para sa pagpapalibing ng lola ko at sa pagpapagamot dito nung nabubuhay pa siya, di sana, mayaman na kami....

kawawa talaga si tatay......

Sa kabila ng kabutihan niya, nabaon na nga siya sa utang, nakatagpo pa sya ng babaeng walang kasing sama...--------

....Ang madrasta ko...

"BIKAAAAAAAANG!!!!!!!!!!!" tawag ng isang boses mula sa aming bahay sa di kalayuan. Kilala ko ang boses na iyon, boses ng madrasta ko... Malamang, may i-uutos nanaman yun.

"po?!" sagot ko.

"Tapos mo na bang pakainin ang mga manok?! Kung tapos na, bilisan mo't pumunta ka na dito para maghain ng almusal at gutom na ako!"

Patay! yun nga pala ang sadya ko dito, ang pakainin sina Pot-pot, Pat-pat, at ang mga anak nilang sina Pitpot at Pitpat!

"Ah, saglit nalang po tsang!" sagot ko habang nagmamadaling pinapakain ang mga manok namin.

tungkol nga pala dun sa pangalan ng mga manok namin, si tatay ang nakaisip nun. Hilig na niya kasing magbigay ng pangalan sa mga alaga naming hayop sa bukid......

Matapos kong pakainin ang mga manok, nagtungo na ako sa bahay namin. Nagulat ako nang makita ko si tatay na naghahain ng almusal namin.

" Tay, ano po bang ginagawa ninyo diyan?" kaagad kong kinuha mula sa kanya ang mga pinggan at kutsara.

" Ako na po, maupo nalang po muna kayo habang naghihintay." sabi ko kay tatay.

Biglang lumabas ang "halimaw" mula sa kwarto sabay sabing,"At bakit ngayon ka palang maghahain? Kanina pa kita tinawag ah!"

"Sholeng, tama na.. ang aga-aga eh nagsisigaw ka na..." sambit ng tatay ko.

"Eh kasi naman tung anak mo! Ang kupad kumilos!"

"tama na nga..." 

Makailang beses nang nagsisigaw si tsang... Namumuro na talaga siya sakin!

di na ako nakapagpigil...

Nagdilim ang paningin ko...

"Bakit ba napakasama mo?! Ikaw na nga lang itong nag-uutos di ba? Araw-araw ka nalang naming ipinaghahain ni tatay tapos ganyan ka pa kung umasta!?"

"Anak----" gusto na akong pigilin ni tatay pero punung -puno na talaga ako...

"Bakit tay, may mali po ba sa sinabi ko? Ni minsan, wala akong naalala na nagpasilbi sa'tin si nanay ng tulad ng pagsisilbi natin sa babaeng yan!" galit na sumugod sakin si tsang at sinampal ako ng malakas.

napahawak ako sa pisnging sinampal ni tsang.

Natahimik ako.....

Naramdaman ko nalang ang mainit na luhang tumulo mula sa mga mata ko .......

"SHOLENG ANO BA?!!" sigaw ng tatay ko.

Bigla nalang akong tumakbo palabas ng bahay at tinahak ang kagubatan. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha ko...

Humihingal na ako pero tuloy parin ang pagtakbo ko hanggang sa marating ko ang lawa sa gitna ng gubat. Dito ko na ibinuhos ang emosyon ko. Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko, may narinig akong kaluskos sa damuhan. Tinignan ko lang iyon hanggang sa may lumabas na tuta mula dito. nakipagtitigan pa ito sa akin at maya-maya'y lumapit ito. Dahan-dahan ko itong  hinawakan sa ulo at tila ba napaamo ko na ito kaagad.

"Ang cute mo naman... ang galing mo , napatahan mo agad ako....teka, anong ginagawa mo dito? anong pangalan mo? Asan na ang amo mo? Hindi ka mukhang askal ah, mukha kang  mamahalin....." sabi ko dito..

"Hindi yan sasagot kahit pa ilang beses mo yang tanungin..." kaagad akong napalingon sa may-ari ng boses na iyon.

"Ton-ton, anong ginagawa mo dito?"

"sabi ng tatay mo, sundan daw kita. Ang bilis mo ngang tumakbo eh. Tara, iuuwi na kita."

"Ayoko...."

"pero, kausap niya nanaman yung babaeng gustong kunin ka bilang yaya sa Manila. Pag di ka pa umuwi, baka magbago ang isip ng tatay mo at pumayag siyang ipadala ka sa syudad."

"Hindi.... Ayokong mawalay sa tatay ko, Tonton..."

"Kaya nga umuwi ka na..." di na ako nag-dalawang isip at sumama na ako kat Tonton.

Nang makarating na ako, nadatnan ko si tatay na kausap nanaman angmayamang babaeng kausap niya nung isang araw. Lumapit ako sa kanila. Mukhang malungkot si tatay... Parang alam ko na ang ibig sabihin nito... Bakas sa mukha ni tatay ang pagdurusa dahil sa hindi kami magkasundo ng madrasta ko... Naaawa ako sa tatay ko kaya...

.

.

.

.

"Payag na po ako...."

Nagulat si Tonton, napatingin sa akin si tatay....

"nako, talaga? papayag ka na talaga?" halos di makapaniwala ang mayamang babae.

"opo. Saglit lang, kukunin ko lang ang mga gamit ko." at pumasok ako sa loob ng bahay.

Pinipilit kong wag umiyak. Ayaw kong ipahalata sa tatay ko na nasasaktan ako dahil alam kong masasaktan din siya. Naging mabilis ang lahat ng mga nagyari... Pagkalabas ko, ngumiti pa ako sa tatay ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Siguro po, ito na ang tamang oras para subukan ko namang makipagsapalaran sa syudad.... Wag po kayong mag-alala, dadalaw po ako." tumingin ako kay Ton-ton na hanggang ngayon ay nakatayo parin sa pwesto niya kung saan ko siya iniwan kanina."Ton-ton, ikaw na ang bahala kay tatay ah..."

"Ah, hija, pwede na ba tayong umalis? May mahalaga pa kasi akong pupuntahan eh, hindi ako pwedeng mahuli." sabi ng mayamang babae.

Agad naman akong lumapit dito at sumakay sa magarang sasakyan nito. Kalmado akong umupo. Di ko na nilingon ang tatay ko nang umandar na ang sasakyan, baka maiyak lang ako.

Pinili ko nalang manahimik..

pinagmamasdan ang bawat punong dinadaanan namin......

Parang wala lang sakin ang nangyari kung titingnan mo ang ekspresyon ng mukha ko pero sa totoo lang, sa loob-loob ko,...gustung-gusto ko nang umiyak at sumigaw.....

I Hate Calling You Ate!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon