Chapter 3

43 3 0
                                    

Malalim na ang gabi pero dilat na dilat parin ang mga mata ko. Ilang oras na rin akong nagpapagulong-gulong sa kama pero wala talagang nangyari. Napatingin ako sa orasan.

"...11:47......Antok, asan ka na,...Ba't di mo pa ako dinadalaw?...." 

Kung titingnan mo ako mula sa malayo, iisipin mong loka-loka ako dahil sa kinakausap ko ang aking sarili. Pero masakit na talaga ang ulo ko sa kahihiga kaya bumangon ako. 

Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan...

nangangapa dahil nakapatay na ang mga ilaw. 

nang biglang....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

May umilaw mula sa kusina. Kulay dilaw ito at hindi masyadong malakas kaya napag-isip-isip ko, malamang ay doon ito nagmula sa tinatawag nilang ref. 

Agad akong nagtungo doon...mabilis,pero walang ingay.

at may tao nga!

Hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha ngunit nasisiguro kong lalaki ito dahil sa hubog ng katawan nito. Dahil sa nakita ko, isa lang ang tiyak para sa akin ngayon...

ANG LALAKING IYON AY MAGNANAKAW!!!!

Kailangang may gawin ako! kaya dahan dahan akong pumasok sa kusina. Siniguro kong di ako makakagawa ng ano mang ingay......

Buong ingat kong kinuha ang kawali, at nang makabwelo na ako,....

"MAGNANAKAAAAAAW!!!!!!!!!!!"

"BOOOOGSH!" hinampas ko ng kawali sa ulo ang lalaki

"Aray!" sigaw nito.

Papaluin ko pa sana itong muli pero nahawakan na niya ang mga kamay ko at di na ako nakagalaw...

Lagot,... papatayin na ba niya ako? Ito na ba ang katapusan ko?...... Sa sobrang kaba, pinikit ko nalang ang mga mata ko.

"Sino ka?!" biglang napadilat ang mga mata ko sa sinabing iyon ng lalaki. Nakakapagtaka naman yata....

bakit naman kaya magtatanong ng ganito ang isang magnanakaw? 

" Eh ikaw, sino ka?!" tanong ko naman. Biglang bumukas ang ilaw.

"Kiel?!" gulat na sinabi ni Gng. Villanueva.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Lagot na...

pakiramdam ko, gusto ko na ring paluin ng kawali ang sariliko.

"Tita, sino po ba 'tung babaeng 'to?" 

"Pasensya na!!...Patawarin mo ako, di ko naman sinasadyang gawin yun eh!" pagmamakaawa ko.

"Tama lang ang ginawa mo Rebecca." sabi naman ni Gng. Villanueva.

Natahimik ako bigla.

Hindi ko inasahang ganun ang sasabihin niya sa kabila ng ginawa ko.

"Tita, ako na nga itong nahampas sa ulo ng kawali eh"

"Sa susunod, kung ayaw mong mahampas ng kawali sa ulo, umuwi ka na ng maaga!" pagalit na sabi ni Gng. Villanueva at umalis.. Aalis na rin sana si Kiel kaso agad ko itong hinarang.

"Saglit lang, gusto mo bang gamutin ko muna ang sugat mo?" sabi ko.

"Hindi na, wala naman akong sugat eh, bukol lang."

"Pakiusap, hayaan mo na akong gamutin ang bukol mo, nang makabawi ako sa nagawa ko sa'yo" pakiusap ko dito.

Saglit akong tinitigan ng lalaking ito, buti nalang maya-maya ay nagsalita na ito dahil kung hindi, iba na ang iisipin ko...

"Hay,...sige na nga." sa tono ng pananalita nito ay parang napipilitan lang siya.

Kumuha ako ng benda at iba pang pang-gamot mula sa isang first aid cabinet malapit sa kusina at matapos iyon say sinimulan ko nang llapatan ng bulsa de yelo ang bukol niya.

"Aray,.. dahan-dahan lang naman!"

"pasensya na,..."

"Aww! ang sakit, akin na, ako na nga lang!" reklamo nito habang sinasalag ang benda mula sa kamay ko

"Hindi,saglit nalang, panghuli na ito" pagpupumilit ko

"Hindi, akin na, ako na ang maglalagay ng benda."

"Ahem....." napatigil kaming dalawa ni Kiel dahil sa boses na iyon na hindi naman nanggaling sa aming dalawa. Pareho kaming napatingin sa may pinto ng kusina at nakit namin doon si Aling Pina ngunit agad naman itong umlis. Nagtinginan nalang kami ni Kiel.

"Tapusin mo na nga yan, napagkakamalan pa tayong ano dito eh"

".........Ayan! tapos na!"

Tumayo na si Kiel mula sa pagkaka-upo at hinawakan pa ang ulong may benda. 

"Ah,...kung wala ka nang ipapagawa sa akin, aakyat na ako." sabi ko.

"Anong pangalan mo?" tanong nito sakin.

"R-rebecca...Rebecca Cayabyab." sagot ko naman.

"Ezekiel Villanueva." sabi nito at naglahad ng kamay. Nakipagkamay rin naman ako dito. "Nice to meet you."

"Ah, sige, aakyat na ako," at tumalikod na ako.

"Sandali," hinarap ko siyang muli. "Salamat" sabi nito at agad na umalis.

I Hate Calling You Ate!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon