Isang maingay na tunog ang gumising sa akin.
Nataranta ako, ni hindi ko alam kung saan ito nanggaling, kaya mabilis akong tumakbo at nagtungo sa baba kasama ang tuta.
" Oh, anong nagyari, hija?" tanong ni Gng. Villanueva
"M-may,--- May maingay na kung ano sa kwarto!" natataranta ko namang sagot.
"Ha? saan naman nanggaling?" tanong naman ni aling Pina.
"H-hindi ko po alam,..."
"Tara, puntahan natin." sabi ni Gng. Villanueva.
"Natatakot po ako eh.."
"Wag kang matakot,...." pangungumbinsi ni Gng. Villanueva.
"Bakit, ano bang tunog? posible kayang bomba iyon?" sabi ni Aling Pina na tila kinakabahan na rin.
"Ganto po yung tunog....'kkkrrrrriiiiiiiiiinnnggg' " sabi ko nang biglang napahawak sa mukha si Aling Pina. " bakit po?" tanong ko dito.
" Iha, alarm clock lang yun." sabi nito sabay tawa ng malakas.
" A-alarm clock?" paglilinaw ko pero tuloy-tuloy parin ang pagtawa nito.
" Ate Pina, tama na nga yan.... hali ka iha, ituturo ko sayo kung alin ang tinutukoy mo." at kinuha ni Gng. Villanueva ang kamay ko't hinila paitaas.
Nang palapit na kami sa kwarto, unti-unti ko nanamang naririnig ang tunog. Pero ngayon kampante na ako dahil may kasama naman ako eh. Nang makapasok na kami sa loob, lumapit si Gng. Villanueva sa isang orasan at may pinindot ito sa itaas ng orasan na iyon at tumigil na nga ang pagtunog nito!
"Ang galing! Pano po yun nangyari?" tanong ko.
"Marami ka pang dapat na matutunan dito iha...." sabi ni Gng. Villanueva habang hinahawakan ang ulo ko. "Kung may gusto kang malaman, itanong mo lang sa amin ni Ate Pina o kahit kay Kiel. Wag kang mahihiyang magtanong.." nakangiting sabi nito.
"Salamat po...."
"oh, siya, bumaba na tayo at marami pa tayong aasikasuhin."
Sa baba ay naghahanda na kami ng agahan. 6:30 na pero di parin bumababa si Kiel...
Si Kiel.... ayon sa pagkaka-alala ko, sabi ni Gng. Villanueva, siya daw ang aalgaan ko....
pero bakit?
hindi ba masyado na siyang matanda para alagaan?
"Rebecca,... Paabot naman nung kamatis na hinihiwa mo.. ......"
"rebecca,...iha..."
Biglang naputol ang pag-iisip ko nang dahil dito. Agad kong ini-abot ang mga nahiwa ko nang kamatis.
"Salamat iha." sabi ni Aling Pina.
"Ah, Aling Pina,... bakit po parang ang dami naman po yatang kamatis niyan?" tanong ko matapos kong mapansin ang sangkatutak na kamatis na nakahalo sa nilulutong ulam ni Aling Pina.
"Ah, Ito kasi ang gusto ni Senyorito Kiel. Paborito niya ang lutong may maraming kamatis. Kaya nga ang kinis-kinis ng balat niya kahit hindi na siya nagtigil dito sa bahay." sagot naman nito.
Kaya pala... ngayon hindi na ako magtataka kung bakit ang ganda ng balat ni Senyorito Kiel. Yun pala ang sekreto niya. Pero teka, kakain na, ba't kaya wala pa siya?
Bumaba mula sa hagdanan si Gng. Villanueva. Bihis na ito, mukhang handa na itong pumasok sa trabaho nito.
" Madam, di na po ba muna kayo kakain?" tanong ni Aling Pina.
"Nako, hindi na po, mahuhuli na ako eh, kailangan ko nang magmadali." sabi nito habang dire-diretso palabas at lumapit sa sasakyan sa labas. " Ah, Darwin, ihatid mo muna ako sa building. Ngayon na please."
Halatang nagmamadali ito. Napatanong ko nalang tuloy kay Aling Pina, " Ganyan po ba kayo dito araw-araw?"
"Hay nako, masanay ka na..... Sige,..." sabi nito.
"Sige? Aalis po ba kayo?" buong pagtataka kong tanong.
"ah, oo iha... Tuwing araw ng sabado, wala ako dito sa mansyon, siyempre, kailangan rin naman ako ng pamilya ko no, kaya, Sige, aalis na ko"
"T-teka lang po,..."
"Mag-ingat ka ah, wag kang mag-alala, babalik din ako sa Lunes ng madaling araw." at tuluyan na nga itong umlis.
Napa-upo nalang ako sa isa sa mga silya sa tabi ng malawak na mesa.
"Ganto pala dito,..... Ang lungkot naman..."
Sa sobrang katahimikan, napatungo nalang ako sa mesa......
Nang imulat ko ang mata ko,......
"Hindi tamang tinutulugan ang pagkain"
Napabalikwas ako ng bangon!
"K-Kiel? Kanina ka pa?" tanong ko kay Kiel na malamang ay kanina pa akong pinagmamasdan.
"Medyo..... di na kita ginising, sarap ng tulog mo eh." sabi nito sabay ngiti.... Yung pang-asar na ngiti.!
"Bakit ka ngumingiti?'" tanong ko dito.
" Kailan pa naging masamang ngumiti?"
Mas lalo pang ngumiti ang lalaking ito sa tinanong ko. Naisip ko tuloy, baka nakanganga ako habang natutulog... nakakahiya!(>.<)
para matigil na ang pang-aasar niya ay niyaya ko na siyang kumain.
" Aalis ka rin ba?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong nakabihis ito.
" Hindi, kababalik ko nga lang eh."
"ha? Kaya pala wala ka kanina...... Eh saan ka ba galing?"
"Sa simbahan."
Napatigil ako sa pag-subo ng pagkain.
"Simbahan? Nag-sisimba ka?"
" Bakit, mahirap bang paniwalaan?"
"Medyo....."
"Ahahahaha "
"Natawa ka nanaman? Wala namang nakakatawa ah.."
"Meron, ikaw."
"Ha? bakit, may dumi ba ako sa mukha?"
" Wala..."
"eh bakit nga?"
"Bakit, masama na bang tumawa ngayon?"
"Hindi...... bahala ka na nga!.."
Ang gulo din ng lalaking 'to eh..... pero biruin mo, nagsisimba pala siya. :)
