Alas otso na ng umaga at medyo masakit na sa balat ang sikat ng araw.....
Nakakapanibago dito sa siyudad......
Sa probinsya, kahit mataas na ang sikat ng araw, di parin ganun kainit dahil sa lakas ng hangin...
Wala naman akong magawa---- tinapos nang lahat ni Aling Pina, kaya lumabas ako para humanggab ng hangin mula sa hardin, nang bigla kong makita si Kiel, pawis na pawis sa kakasuntok sa isang bagay na nakabitin sa isang sanga ng puno. Bigla akong tumalikod at nagtangkang bumalik sa loob pero nakita na niya ako!
" Rebecca! Kararating mo lang, aalis ka na agad?" pasigaw nitong sabi..
Napaiktad ako at humarap sa kanya pero,...di ko siya matingnan dahil sa ayos niya...
"Oh, Bakit?" tanong niya, nahalata yata niyang di ako makatingin sa kanya.
"Ah,...w-wala,..." sabi ko sabay hakbang pabalik sa loob kaso, di pa man ako nakakahawak sa pinto,
"Manatili ka muna dito..." sabi niya. Ewan ko ko ba kung bakit sinunod ko yung sinabi niya. dahil dun, umupo ako sa isang mahabang upuan sa ilalim ng puno.
"Alam kong boring sa loob kaya kung ako sa'yo---," kinuha nito ang towel at umupo sa tabi ko.
"---Dito na muna ako para pagmasdan ang mga halaman." sabi nito sabay ngiti sakin...
Bigla kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
nung mga oras na yun, di ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.... Parang di ko na nga maintindihan ang sarili ko eh.....
Ano bang meron sa ngiti niya? Bakit....-----
bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko?
Ano ba to???!
"Heto oh..." alok niya sa akin ng isang bote ng inumin.
"Alam mo," pagpapatuloy nito. " Nakaka-relax dito. Kapag pakiramdam ko, ang laki-laki na ng problema ko, dito ako nagpupunta para mapag-isa. Minsan, dito ko rin kinakausap ang daddy ko para humingi ng payo sa kanya."
"Nandito ang Daddy mo? Pero bakit di ko pa siya nakikita.... Asan siya? Nandito ba siya ngayon?" tanong ko dito.
" Lagi siyang nandito.... sa katunayan andun siya oh." Sabay turo sa kalangitan.
parang alam ko na ang ibig niyang sabihin...
"Siya ba ang tinutukoy mo? Pero nandito na siya sa puso ko..." sabi ko.
"At nanito rin siya sa puso ko. Mukhang alam mo na nga kung sino ang tinutukoy ko ah."
Kasunod ng usapang iyon ay isang mahabang tawanan. Ang galing, nakakatawanan ko ang lalaking ito na noo'y inakala kong sanggalo. Dahil sa kanya, nawala ang kalungkutan ko.
"Pero alam mo, sabi kanina sa simbahan, 'God is everywhere' kaya pwedeng nandun siya, okaya naman doon, doon, at kahit dun pa sa kadulu-duluhan ng mundo. Pero para sakin, mawala na siya sa ibang lugar, wag lang dito." sabay turo sa dibdib nito.
Napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Tama ka.... "
Maayos na sana ang takbo ng lahat ng mga pangyayari nang biglang may naalala ako at napalitan ng pag-aalala ang mga ngiti sa labi ko.
"Teka, di ba sabi mo, nagpupunta ka lang dito para mapag-isa twing may problema ka? Ibig sabihin ba nun, may problema ka ngayon?" bigla itong napatingin sa akin.
Biglang nabalot ng katahimikan ang paligid...
Tanging ang ihip na lamang ng hangin ang maririnig sa paligid. Nag-lag-lagan ang mga tuyong dahon mula sa puno dala ng hangin. Parang ayaw naman niyang sagutin ang tanong ko kaya tuluyan ko nang binasag ang katahimikan ng paligid.
"um... ayos lang naman kung ayaw mong sabihin yun eh.... Naniniwala akong ano man yang problema mo, kayang-kaya mong lutasin dahil sa malakas ang kapit mo sa kanya(Panginoon). Sige, papasok na ako sa loob." sabi ko.
Di na niya ako nagawang pigilan na pumasok sa loob. Parang ang bigat sa pakiramdam na iwan ko siyang mag-isa sa ganoong kalagayan....
Kung may magagawa lang sana ako......
Umakyat ako sa taas bitbit ang bigat na nararamdaman ko. Ewan ko ba pero bigla nalang sumikip ang dibdib ko.......
Kahit ganun ang pakiramdam ko ay pinilit ko paring pumasok sa loob ng kwarto at nang mabuksan ko na ito ay agad na sumalubong sa akin ang tuta.
"Oh, ikaw pala, ......
Bakit? Gutom ka na ba? pasensaya ka na ah, di kita naasikaso. Tara,pakakainin na kita, pero wag kang maingay ah, baka magalit si senyorito Kiel pag nalaman niyang may alaga akong aso." sabi ko dito
Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan karga-karga ang tuta. Tumingin muna ako sa paligid bago mabilis na tumakbo papuntang kusina at ikinuha ng pagkain ang tuta. Sinigurado ko munang wala si Senyorito Kiel sa paligid kaya tumingin ako sa likod ko.
Wala siya....buti naman....
Ngunit nang humarap ako, di ko inasahang si Senyorito Kiel na pala ang kaharap ko!
"WHAAAAAH!!!!" sigaw ko.Sa sobrang gulat ko, naitapon ko ang pagkain sa mukha niya!!
"Ohw.....!"
"Nako,!!" nataranta ako kaya kumuha ako ng pamunas. " Nako, pasensya na po Senyorito Kiel! Hindi ko po talaga sinasadya! patawad!" at pinunas-punasan ko ang mukha niya.
Pero bigla akong mapatigil nang mapansin kong nakangiti siya habang nakatingin sa akin! Agad akong dumistansya, napasandal ako sa cabninet sa baba ng lababo. Hinihintay ko lang na may sabihin siya pero imbes na magsalita, tumawa pa ito.
"Napaka-magugulatin mo pala!? Ahahahaha"
"Aba, tinatawanan mo ako? Tingnan mo naman yang itsura mo, mas mukha ka pang katawa-tawa sakin eh."
" Talaga? Ahahaha! Sayang, di mo nakita ang sarili mo kanina nung nagulat ka! Ahahahaha!"
Wala paring humpay sa kakatawa si Senyorito Kiel nung mga oras na iyon. Buti nalang at lumapit ang tuta sa kanya at dinila-dilaan ang pagkaing natapon sa pisngi niya.
"Oh,kaninong aso 'to? Sa'yo?"
"Ha? Ah, sakin nga..."
"Dog lover ka din?"
"huh?"
"Ang galing, parehas pala tayo! ang totoo nyan, kamamatay lang ng aso kong si Max last week. By the way, anong pangalan nitong alaga mo?"
"W-wala pa eh..."
"Talaga? Eh kung Bambam nalang?"
"Bam-bam?! Sige!"
-----end of Chapter 5---------
