Chapter 2

70 3 0
                                    

" Wow, nay! Ang ganda naman po nitong damit na tinahi ninyo!" 

Syempre naman....Patingin nga,...

Bagay sa'yo ah. Ang ganda talaga ng anak ko...." (tumunog ang pinto)

"hm? Si tatay, andyan na si tatay!

Nay, andito na po si tatay!....

Nay?

"NAAAAAAY!!!!!!"

Biglang nag-preno ang sasakyan sa katulinan ng takbo nito dahilan upang magising ako mula sa pagkakatulog. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nakita ko ang iba't-ibang uri ng sasakyan na kapwa nagbubusina dahil sa bagal ng usad ng trapiko. Kakaiba ito... Ibang-iba sa lugar na kinagisnan ko sa probinsya....

Dahil sa nakikita ko...

Bigla ko nalang naitanong sa aking sarili;

"Ito na ba?" Napahawak ako sa salamin ng bintana ng sasakyan.

"Ito na ba ang Manila?!" , sigaw ko dahil sa sobrang kasabikan.

"Oh, gising ka na pala... Itong si Darwin talaga oh, kaskasero kasi mag-drive eh nagising ka tuloy." sabi ng babaeng mayaman.

"By the way, hindi ko pa pala naipapakilala ang sarili ko.... Ako nga pala si Genevic Villanueva." ang sinabi nito na may ngiti sa labi.

"Ako naman po si Rebecca Cayabyab. Pero maaari niyo rin po akong tawaging Bikang. Yun po kasi ang palayaw ko."

"Bikang? pero bakit iyon ang naging palayaw mo? Napakaganda ng pangalan mo,.... Rebecca.....Alam mo bang nasa Bible ang pangalan mo?"

"Ah, opo... Madalas po yun ikwento sakin ng nanay ko nung nabubuhay pa siya....."

"Ah..... Pasensya ka na.... At siya naman, ano ang kanyang pangalan?" Hindi ako sigurado pero sa tingin ko, ang tinutukoy niya ay ang asong kalong-kalong ko.

"Ah, itong aso po ba? Ang totoo po nyan, wala pa siyang pangalan."

"Ganun ba?" ngumiti ito. " Kung gano'n, mag-isip ka na ng ipapangalan sa kanya."

Humaba pa ang usapan namin. Pakiramdam ko tuloy, matagal ko nang kakilala ang ginangna ito. Doon ko lamang napag-isip-isip na mabait pala siya. Hindi siya matapobre at pakiramdam ko, magiging mabuti ang lahat dahil sa puder niya ako titira.

Maya-maya lang ay pumasok na ang sasakyan sa isang malaki at magarang gate. Nang tuluyan nang makapasok ang sasakyan ay namangha ako sa aking nakita! Napakalawak ng hardin na natatanaw ko ngayon! Sa tabi nito ay ang swimming pool na madalas ay sa makulay na dyaryo (magazine) ko lamang nakikita. At hindi lang iyon! di rin pahuhuli sa laki ang malapalasyong mansyon na nasa bandang kanan ng hardin.

Huminto na ang sasakyan.

Bumukas ang pinto nito at bumaba kami ni Gng. Villanueva.

"Good evening Ma'am" Sabi ng isang lalaking may katandaan at kung hindi ako nagkakamali, malamang ay siya ang hardinero dito dahil sa dala niyang kalaykay at pamputol ng mga damo.

"Good evening din po Mang Celso. Si Kiel?"

"Nasa labas po eh."

"Kanina pa?"

"opo"

Biglang may napadaan na matandang babae. Hinarang ito ni Gng. Villanueva.

"Ah, ate Pina... paki asikaso naman po nitong bago nating kasama sa bahay. Rebecca, siya na ang bahala sayo."

I Hate Calling You Ate!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon