Chapter 6:

49 3 0
                                    

Ngayon ang unang araw na tatawagin ko si Bambam sa pangalan niya. Ang galing, ni hindi ko inasahang si senyorito Kiel pa ang magpapangalan sa aso ko.

Tanghali na at oras na para sa tanghalian. Naghanda na ako ng pagkain at ngayon, ang kulang nalang ay ang kakain.

Teka nga, asan na nga ba si senyorito Kiel? Matapos kasi yung pangyayari kanina, ang sabi nya lang, "Lilinisin ko muna ang sarili ko ah."

Dapat lang naman no! di lang kasi siya amoy pawis, amoy ulam pa siya! >.<

Ngayon, saan ko naman siya sisimulang hanapin? Sa dami ng kwarto sa itaas, alin kaya doon ang kanya?

Sinimulan ko nang umakyat at hanapin siya.

Unang kwarto, walang tao...

Ikalawang kwarto, wala rin...

ikatlo, ikaapat, ikalima, at ikaanim....lahat walang laman.

"Asan kaya ang kwarto nya? Naman oh!" Bigla ko nalang nasabi nang bigla akong mapatingin sa katapat na kwarto. Naisip kong ito na ang kwarto ni Seniorito Kiel dahil sa bahagya itong nakabukas. Linapitan ko ito at marahang sumilip sa pinto.

"Seniorito Kiel?"

Tuluyan ko nang binuksan ang pinto at humakbang ako papasok. Sa unang pagkakataon, nakita ko ang silid ng "alaga" ko. Kapansin-pansin ang dami ng mga librong nakakalat sa halos lahat ng parte ng kwarto. Mayroon sa mesa, sa kama, sa sahig at kung saan saan pa, ngunit higit na nakatawag sa aking atensyon ang Biblia sa ilalim ng ilawan niya sa mesang malapit sa kama niya. Sa pader naman ay nakasabit ang iba't-ibang larawan. Ang pinakamalaking larawan ay isang larawan ng pamilya. May nanay, tatay, ate at isang bunsong lalaki. Tinitigan kong mabuti ang mukha ng bunsong lalaki at dun ko lamang natiyak na iyon ay si Seniorito Kiel, noong bata pa siya.

"Ahem..."

Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses na nanggaling sa likuran ko.

"S-seniorito Kiel?"

Kinabahan ako bigla dahil inaasahan kong magagalit siya dahil pumasok ako nang walang paalam, ngunit nakangiti lamang ito sa akin.

"Ba't ka naparito? May kailangan ka ba?" tanong nito.

"Ah, ano po kasi, yayayain ko lang po sana kayong kumain, nakahanda na po kasi yung pagkain sa baba, baka lumamig na eh." sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero wala lang siyang imik na nakangiti sa akin. Napayuko nalang tuloy ako at muling napatingin sa larawan.

"Ah, Mom, Dad, Ate, si Rebecca nga po pala, bago naming kasama sa bahay." sabi nito na tila kinakausap ang mga taong nasa larawan. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya kaya napatingin akong muli dito. Ang ibig bang sabihin nito, sila ang nasirang pamilya ni Seniorito Kiel?

"Rebecca, sila nga pala ang pamilya ko." sabi pa nito.

"Magandang araw po sa inyong lahat! kung nasan man po kayo ngayon, wag po kayong mag-aalala, aalagaan ko po si Seniorito Kiel."  Sabi ko sabay ngiti.

Alam kong hanggang ngayon, nakakaramdam parin siya ng pangungulila, kaya ko yun ginawa. Sana lang sa pamamagitan nun ay nakatulong ako sa kanya kahit papano. At nakahinga naman ako ng malalim nang makita kong nakangiti nanaman siyang muli, ngunit sa pagkakataong ito, mas totoo na ang ngiti niya at wala nang halong pagpapanggap. Ngayong alam ko nang ayos na siya, nagpasya na akong magpaalam sa kanya at bumaba.

"Ah, sige po, bababa na po ako. Hihintayin ko nalang po kayo sa hapag." pagpapaalam ko.

Lumipas ang magdamag, tapos na kaming kumain, tapos na rin akong maghugas ng pinggan,..kaya ngayon nasa-kwarto nanaman ako at nakakulong. Unti-unti ko nang nararamdaman ang kabagutan. Napatingin ako kay bambam, grabe, buti pa siya, ang sarap ng tulog. Nakakainggit siya. Ako kasi, kanina pang gustong matulog pero ewan ko ba, di talaga ako makatulog. Pero sige na nga, susubukan ko ulit na matulog. Humiga ako at napatitig sa kisame. Maya-maya pa'y ipinikit ko na ang aking mga mata nang bigla akong makarinig ng tunog ng isang sasakyan. Si Gng. Villanueva na ba yun?

Napabalikwas ako ng bangon at agad na lumabas ng kwarto ko. Sa lakas ng kalampag ng paa ko, nagising tuloy  si Bambam at sumunod sa akin. Nang makalabas ako ng mansyon, kaagad akong tumingin sa paligid, nasasabik na akong makita si Gng. Villanueva dahil siya lang naman ang madalas kong kausap sa bahay na ito. Ngunit tila napawi ang kasabikang naramdaman ko, dahil hindi ko makita ang sasakyan ni Gng. Villanueva. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang isang sasakyang kulay itim sa tapat ng mansyon. Kaninong sasakyan naman kaya ito?

"Auntie? Auntie, nandito ka na ba?"

Biglang tumahol si Bambam.

"Cho-Chooooo...." sabi ng isang boses na tila tinatawag si Bambam. Tumakbo si Bambam patungo sa isang lalaki at dinila-dilaan ang kamay at pisngi nito.

"Hi, sa'yong aso ba'to?" tanong nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Hate Calling You Ate!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon