CHAPTER 3 (Reality)

41 2 0
                                    

*si Khacie po iyan*

Ayeana's P.O.V.

"Yun ang nagyari, Joy" sabi ko sa kanya habang nakayuko, ayaw ko kasing pakita na naiiyak na ako habang nagkukwento "Sorry" sabi niya "Don't be. Wala ka namang kasalanan eh" sabi ko sa kanya at ngumiti. "Saan ka ngayon nakatira? Kailangan mo ba ng matutuluyan?" tanong niya saakin "Don't worry, magkasama kami sa apartment ko" sabi ni Angel

"Huwag mong sabihin na naglayas ka rin?!" tanong ni Joy "Hindi, noh!" sabay sabi namin ni Angel at tumawa nalang "Wala na kasi akong parents" malungkot na sabi ni Angel.

"Sorry ulit! Ang daldal ko talaga!" natatarantang sabi ni Joy sabay tinapik pa sa bibig niya kaya tumawa nalang kami. Matagal pa naman bago ang next subject namin kaya naglakad-lakad muna kaming tatlo

"Diba classmate natin yun, Ayeana?" tanong ni Joy sabay turo sa babaeng nakaupo magisa "Parang nga" sabi ko naman "Inpernes, maganda siya, ha" sabi naman ni Angel. Maganda nga naman yung babae, mahaba ang buhok niya na parang narebond, sakto lang ang kanyang height, mukhang naa-alagaan ang katawan niya at "Mukhang matalino" sabi ni Joy at agree naman ako dun.

"Tara lapitan natin!" hindi na kami nakasagot nang bigla kaming hilain ni Joy "Hi!" high-pitched na bati ni Joy "Hi" nahihiyang sagot ng babae "Ako nga pala si Patricia Joy Rongcal, Joy nalang. Siya si Ayeana Martinez, Ayeana or Yen nalang. Siya naman si Daisy Angel Martinez, Angel nalang. Magpinsan sila" pakilala ni Joy saamin

"Hello!" nakangiting bati namin ni Angel umupo na kaming tatlo at mukhang nahihiya pa siya saamin. "Huwag ka nang mahiya saamin" sabi ni Angel, siguro napansin niya rin na nahihiya siya "Anong name mo kasi? Sorry hindi ako nakapag-focus kanina" sabi ko na may apologetic smile, natawa naman siya kaya napa-totoo ang smile ko.

"Kristina Cloe' Maningas. Khacie nalang" pakilala naman niya. Nauusap-usap kaming apat nang nag-ring na ang bell, kaming tatlo nina Joy ay pumunta na sa classroom namin habang si Angel naman ay sa kabilang room.

Mabilis lang ang oras at uwian na, wala naman kaming masyadong ginawa ngayon kasi nga first day palang "Nakakapagod naman" reklamo ni Angel pagkauwi namin "Wala pa ngang pinapagawa eh, pagod ka na?" mataray na sagot ko

"Pero ikaw ha, may kaibigan ka na nga. Mas mabuti pa yatang wala ako sa tabi mo, eh. Nagkakaroon ka ng mga kaibigan" panukso naman niya "Ewan ko sayo" tipid na sabi ko at umakyat na ng kuwarto ko at nagpalit ng pambahay.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya saakin pagkababa ko, nakapagpalit na rin pala siya ng pambahay "Hhhmm... Chowking nalang" sabi ko habang papalapit sa kanya sa sofa

"OK" tipid na sagot niya, tumayo siya at nag- dial ng delivery. Pagkaupo ko sa sofa ay sinindihan ko ang T.V at nanood nalang, nagluluto naman kami kaso tamad lang talaga akong magluto ngayo kaya nagpa-deliver nalang kami, pagkabalik niya ay umupo siya sa tabi ko at sabay kaming nanood ng palabas na teleserye.

Di nagtagal ay dumating na ang order namin at dahil tamad nga kami ngayon, dito nalang kami sa sala kakain habang nanonood, "Kailan kaya ako magkaka-jowa?" biglang tanong niya kaya muntik na akong pabulunan dahil sa gulat "Seryoso? Kailan mo pa naisip na magka-jowa?" tanong ko naman sa kanya.

Siya kasi ang babaeng uunahin muna ang pagaaral kesa sa jowa-jowa kaya nabigla ako "Ngayon lang. Kasi tignan mo oh, nakakainggit sila, ang saya-saya nila. Tapos, isipin mo, kapag tumanda ka na may magaalaga sayo" sabi niya habang nakatingin sa T.V.

"Aahh kaya pala" sabi ko "Pero kapag may manliligaw ayaw niya" pabulong kong sabi pero narinig niya kaya tinignan niya ako ng masama, tumawa lang ako sa reaction niya "Eh bakit ikaw? Bakit wala ka pang jowa?" napatingin ako sa kanya "Ewan ko. Wala pa kasi akong nakikita eh" simpleng sagot ko

"Eh ano bang type mo sa isang lalaki?" tanong niya saakin kaya napaisip ako "Yung mamahalin ako ng totoo, yun bang kahit pangit ako mahal niya ako" sagot ko naman sa kanya.

"Sabagay pangit ka naman talaga eh" sabi niya "Hoy!! Anong pangit ka dyan?!?! Ang ganda ko kaya!!!" sigaw kong sabi sa kanya "HAHAHA sige nga kung maganda ka, kanino ka nagmana?" natatawang tanong niya saakin. "Kay Mama k-" napatigil ako, naalala ko nananaman sila.

"Sh*t! Sorry Ayeana, sorry" sabi niya nang mapansin niya na napatigil ako "Okay lang. Sige akyat na ako, inaantok na ako eh. Good night" sabi ko at pilit kong ngumiti sa kanya, hindi na siya nagsalita at hinayaan nalang niya akong umakyat. Pagpasok ko sa kuwarto ko, bumagsak nanaman ang mga luhang noon pa bumabagsak.

L*che! Bakit hindi kayo maubos-ubos?! Sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ang mga luha na walang tigil sa pagbagsak.

Second person's P.O.V.

Humiga si Ayeana sa kanyang kama at tumingin sa dingding ng kanyang kuwarto habang patuloy parin sa pagiyak, iniisip ang mga nangyari sa nakalipas na ilang buwan. Ilang buwan na ang nakalipas pero hindi parin niya kayang kalimutan ang mga iyon sa hindi malamang dahilan, huminga nalang siya ng malalim at pumikit para dalawin ng antok.

Nananalangin siya na sana bukas ay makalimutan na niya ang mga masasamang alaala na iyon at tuluyan nang mamulat sa riyalidad na hindi sila ang tunay nitong mga magulang. Nakatulog si Ayeana na umiiyak at masama ang loob.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JJJ

World Full of Love (High School Series 1)Where stories live. Discover now