CHAPTER 14

26 2 0
                                    

Ayeana’s P.O.V.

I don't know how I would react because of what she said

“A-ah, yeah, I remember. Ikaw pala yun” ang tanging nasabi ko

“Magkakilala kayo?” tanong ni Felix, kitang-kita ang taka sa mga mata niya

“Hindi naman, pero siya yung kinukuwento ko sa’yo the other day na kamukha ni Aerin” pagpapaliwanag ni Snow

Kita ko ulit ang pagkagulat ni Felix nang humarap siya sa’kin

“Oh, kaya pala familiar yung name mo” sabi niya

Naglakad kami papunta sa isang table at naupo doon

“Pero, ka-ano-ano mo yung Aerin?” hindi ko na napigilang itanong kay Felix ang mga salitang iyon

“She’s my sister”

I couldn't help but think about the things he said

“S-so, you are a R-reyes?” nauutal na tanong ko

“Yes, Kai Felix Reyes is my full name”

“Did you not read the invitation?” tanong ni Snow

“Sinama lang siya ni Polmer dahil kailangan daw may kasamang kaDATE dito” sabi ni Felix

Nagtawanan sila pero hindi ko talag maiwasang mapaisip

“Posible kayang siya ang totoo kong......”

“You okay, Ayeana?” tanong ni Felix kaya naputol ang mga iniisip ko

“Huh? A-ah yeah, ok lang ako. May inii—“ natigil ako nang may tumawag sa’kin

“Ayeana...” tumingin kami kay Polmer na seryosong nakatingin sa’kin

“Kanina pa kita hinahanap” dagdag pa niya

Tumingin siya kay Felix “Happy birthday, bro” sabi niya at tumingin ulit sa’kin

“Thanks, bro. Iuwi mo na siya, mukhang pagod na” sabi ni Felix at ang tinutukoy niya ay ako

Tumango lang si Polmer at hinawakan na ako

“Tara na?” tanong ni Polmer sa’kin, tumango naman ako at nagpaalam muna kay Felix bago kami lumabas.

Walang nagsasalita sa’ming dalawa habang nagbi-biyahe

“You can sleep, if you want to” pagbasag ni Polmer sa katahimikan

“May tanong ako, sagutin mo ng totoo” tanong ko sa kanya at tumango naman siya

“Sinadya mo bang isama ako roon?”

“Oo”

“Bakit?”

“Felix and Aerin has a younger sister”

“And you think..... that’s me?”

“Possible, ‘cause you look exactly like them”

Tinignan ko siya habang siya naman ay nagmamaneho, may nabubuo nang luha sa mga mata ko sa hindi malamang dahilan.

Walang nagsalita sa’min hanggang sa makarating kami sa apartment

“Thank you” sabi ko sa kanya sabay labas ng sasakyan

“Oh? Bakit ang aga mo?” tanong ni Angel pagkapasok ko sa apartment

World Full of Love (High School Series 1)Where stories live. Discover now