CHAPTER 9 (Last Day)

32 2 0
                                    

Ayeana's P.O.V.

Last day/ closing party na ngayon ng S.Y namin kaya halfday nalang and casual dress ang suot kaya paniguradong maraming gagala ngayon, including my friends.

"Pinayagan ako!"

"Saan pala tayo pupunta?"

"Mall nalang then we go eat!"

"HAHA g nalang ako!"

Iyan ang bungad nila nang makumpleto kami, papunta na kami ngayon sa room at yun parin ang pinaguusapan nila

"Ayeana!" tawag agad sakin ni Joseph pagkapasok namin sa room, ngumiti naman ako sa kanya

"Morning"

"Morning din! Mamaya ha? Sa baba nalang tayo magkita" tumango nalang ako at pumunta na sa place ko

"Besh, may bago sayo, ngayon ko lang napansin" - Joy

"Huh?"

"Blooming ka ngayon" - Cogie

"Alam ko kung bakit.... dahil lalabas sila ni Joseph!" sabi ni Khacie

"Manahimik na nga kayo, masakit pa katawan ko, ayaw ko nang madagdagan pa" sabi ko, tumawa lang sila at pumunta na sila sa mga puwesto nila.

"Good morning class" bati ni ma'am saamin, bumati naman kami pabalik

"Ok class, bago kayo magsaya, pass your PeTas first" sabi ni ma'am kaya nagsi-tayuan na ang mga leaders para ipasa ang PeTa nila.

"Group 5?"

"Na'kay Ayeana po yung amin" sabi ni Aira kaya napatingin lahat sila sa'kin

"Ang alam ko, na'kay Cloud ang atin" sabi ko habang nakatingin sa puwesto niya

"Cloud is not around yesterday"

"You're not around also, so how did you know?" nakangisi kong sabi

"Ayeana was right, you're not here yesterday, Aira"

"M-may nagsabi lang po sa'kin, ma'am" pagpapalisot niya

"Pero, nagmeeting po kami kahapon at doon po sinabi ni Cloud na si Ayeana na po ang magpapass ngayon"

"Wala si Ayeana kahapon sa meeting, Aira" rinig kong sabi ni Polmer kaya napalingon kaming lahat sa kanya

"And wala naman sinabi si Cloud kahapon sa meeting na ganon. Not unless, may pinagusapan kayo" dagdag ni Joseph

"Look, ayaw kong sirain ang araw ninyo, but Aira come to the faculty room later pagkatapos ng party" seryosong sabi ni ma'am

"Ok, group 5, I will talk to your leader nalang" dagdag ni ma'am

Pagkatapos ng nangyari ay nagsaya na sila, I tried too pero hindi ko kaya. I don't know why, abnormal yata ako.

Dahil halfday lang kami, kaagad natapos ang party namin. Hindi ko alam kung bakit ako binigyan ng regalo ng mga ibang lalaki, kahit takang-taka ako ay kinuha ko nalang.

"Ang dami niyan ha?" sabi ni Angel, I rolled my eyes at binigay sa kanya lahat "Anong gagawin ko sa mga 'to?"

"Bigay mo sa pusa" pamimilosopo ko, kita kong nainis siya kaya natawa ako "Iuwi mo at baka malate akong umuwi mamaya"

"Hoy! 'Wag kayong pupunta sa motel!" sabi niya, tinignan ko naman siya ng masama. Tumawa lang siya, hahampasin ko na sana siya nang saktong papalapit na si Joseph

"Keep safe, beshy" pabulong niyang sabi at umalis na

"Sorry, kanina ka pa ba naghihintay?" tanong niya nang makalapit na siya

"Hindi naman"

"Tara na?"

"Umm, may kasama kasi tayo"

I saw him wondering

"Sup" saktong sabi ni Polmer kaya I give him nalang a apologetic smile

"Sama ka 'bro?"

"Hindi ba halata?"

"Magkocommute lang kami, hindi ka sanay 'di ba?"

Tinignan lang siya ni Polmer nang matalim "We'll bring my car"

Napatingin ako sa kanya "May sasakyan ka?"

He nodded and walked to the parking lot, Joseph and I followed him.

"Harap"

"Huh?"

"Sa harap ka sumakay....... for directions" sabi niya

Tumango nalang ako at sumakay na

"Ano palang gagawin mo dun, Ayeana?" tanong ni Joseph na nasa likod ko

"Kakausapin ko yung ginang doon, may nakapag-sabi kasi sa'kin na alam niya ang mga totoo magulang ko" pagpapaliwanag ko

Tumango nalang siya kaya pinaandar na ni Polmer ang sasakyan. Malayo-layo ang pupuntahan namin kaya nagdrive-tru muna kami para may makain sa biyahe.

Joseph was already sleeping in the back while Polmer and I were busy finding the house we were going to, we were asking the people we saw until we found the house.

Maliit at simple lang ang bahay na iyon, they have a small shop in front and when you enter they have a Grotto on the side of the door.

"Bro, gising na, we're here" sabi ni Polmer habang ginigising niya si Joseph

"Na'san na tayo?" tanong niya at halatang inaantok pa

Nauna na akong bumaba at naglakad papunta sa maliit na gate sa harap

"Tao po?" tanong ko habang tumitingin sa loob

"Tao po?" paguulit ko nang walang sumasagot, uulitin ko pa sana nang may lumabas na matandang babae

"Anong maitutulong ko sa'yo, hija?" tanong niya nang makalapit siya sa'kin

"Hinahanap ko po si aling Josefa, sabi po nila dito daw siya nakatira" magalang na sabi ko sa kanya

"Ako si Josefa" sabi niya sabay ngiti

"Tuloy muna kayo ng mga kasama mo, hija. Mainit diyan" sabi niya at pinagbuksan kami ng gate, pumasok ako at sumonod naman sila sa'kin sa loob ng bahay.

"Maupo muna kayo, kukuha muna ako ng maiinom ninyo" sabi niya at pumunta sa kusina, umupo naman kami

"Bakit mo ako hinahanap, hija?" she said when she returned, she handed us drinks

"Hinahanap ko po kasi ang mga totoo kong magulang, may nakapagsabi po kasi sa'kin na kilala niyo sila" kinakabahan na sabi ko sa kanya

Nakita ko ang pagkagulat sa mata niya

"Ayeana?"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JJJ

World Full of Love (High School Series 1)Where stories live. Discover now