CHAPTER 15

53 2 7
                                    

Ayeana's P.O.V.

"Oh, aalis ka?" tanong ko kay Angel



"Oo" sagot niya habang nagsasapatos



"Sinong kasama mo?"



"Joseph" sabi niya sabay tayo



"Mag lunch ka na mamaya, ok?" sabi niya tsaka ako hinalikan sa pisngi



"Ok. Enjoy your date!!!" sabi ko, sinamaan muna niya ako ng tingin bago lumabas.



Magda-dalawang linggo na ang lumipas nung pumunta ako sa bahay nina Joseph



~Flashback~

"Ok?" sabi ko sa kanya, halatang kinakabahan siya sa kung ano man ang sasabihin niya sa'kin



"The thing is...." kabadong sabi niya



"Sabihin mo na. Huwag mo nang patagalin" sabi ko sa kanya, kasi naman parang hihimatayin na siya anumang oras dahil sa kaba niya



"MAYGUSTOAKOKAYANGEL!" mabilisang sabi niya sa'kin.



Hindi ko alam kung tatawa ba ako sa reaksiyon niya o magugulat sa mga sinabi niya, kaya natulala nalang ako



"Huy!"



"BWAHAHAHAH" hindi ko na napigilan ang tawa ko



"Sabi ko na nga ba eh! Sana pala hindi ko na—"



"Hindi naman sa ganon, pero....... parang ganun na rin HAHAHAH"



"Ewan ko sa'yo!" nagtatampo niyang sabi



"Hindi na, sorry na. Titigil na ako" sabi ko habang natatawa pa rin



"So, anong balak mo?" tanong ko sa kanya nang kumalma na ako



"Balak ko sanang ligawan siya, kaso hindi ko alam kung paano"



"Hindi ka marunong manligaw? Bakla ka ba?" tanong ko sa kanya, sinamaan naman niya ako ng tingin. Tinawanan ko lang siya



Pagkatapos nun ay humungi siya ng advices sa'kin, para ngang naging seryosong usapan ang nangyari eh, hindi man hang-out.

~End of Flashback~



"Mukhang dumada-moves na siya HAHAHA" sabi ko, masaya akong kumuha ng pagkain sa ref, umupo ako sa sofa at sinindihan ang T.V



Habang nanonood ay tumunog ang cellphone ko, it was a text from Angel

From: Pinshan

Enjoy rin kayo dyan! Wavyuuuu



Nagtaka ako sa tinext niya, sasagot na sana ako nang may kumatok.



"Sino po s-sila?" kinakabahan akong lumapit sa pintuan



Walang sumagot kaya naglakas-loob na akong buksan ang pintuan



"Ay palaka!" sigaw ko nang gulatin ako ni Polmer



"HAHAHAHA" yan lang ang reaksiyon niya sabay pasok sa loob



World Full of Love (High School Series 1)Where stories live. Discover now