CHAPTER 10 (Reyes)

44 2 0
                                    

Ayeana's P.O.V.

"Kilala niyo po ako?" puno ng pagtatakang tanong ko sa kanya

"Oo naman, hija. Ikaw lang ang inalagaan ko noon" sabi niya na may ngiti sa labi

"Dalaga ka na, ha? Napalaki ka nang maayos ng mga Martinez" naluluha niyang sabi

"Aling Josefa, gusto ko pong malaman ang tungkol sa mga magulang ko. Gusto ko pong malaman kung sino talaga ako" naluluha na rin ako nang sabihin ko yun, nagflashback lahat ng sakit sa'kin.

She started to talk about me, the real me.

Sabi niya Ayeana talaga ang pangalan ko, binigay daw ako sa kanya ng totoo kong mga magulang para alagaan.

Sabi niya sa mga panahon na iyon ay nahihirapan na siyang alagaan ako kaya napagdesisyonan niyang ipa-ampon ako at ilagay sa harap ng bahay ng mga Martinez, dahil ang buong akala niya ay hindi na ako babalikan ng mga magulang ko.

Matagal bago naproseso sa utak ko dahil marami pa siyang sinabi.

Nang malaman ko na lahat ng kailangan kong malaman ay nagpaalam na kami

"Pwede bang mayakap ka, hija?" sabi niya, tumango naman ako

"Reyes. Reyes ang totoo mong apelido, hija" bulong niya sa'kin habang nakayakap pa rin

Nakatingin lang ako sa labas habang bumabiyahe kami pauwi, iniisip kung saan magsisimulang hanapin ang totoo kong mga magulang

"Are you alright?" sabi ni Polmer kaya napatingin ako sa kanya "You can sleep if you want, I will wake you up when you are home"

"Alam mo kung saan apartment namin?" tanong ko sa kanya

"Kinda"

"How?"

"Sinundan ko kayo kahapon"

Napailing nalang ako

"Daan muna tayo sa Jabii, kain muna tayo, bro. Gutom na ako" sabi ni Joseph mula sa likod

Pagkarating namin ay agad bumaba si Joseph para pagbuksan ako ng pinto

"Woah, gentelman?" sabi ko, ngumiti lang siya kaya bumaba nalang ako

"Anong gusto mo?" tanong kaagad sa'kin ni Joseph pagkapasok palang namin sa loob

"2pc burger steak lang" sabi ko

"Ikaw, bro?"

"Same"

Napa-'ok' nalang si Joseph, kumuha na kami ng puwesto ni Polmer

"Puwedeng magtanong?" sabi ko sa kanya

"Nagtatanong ka na" pamimilosopo niya

"Huwag na nga" sabi ko, the tip of his lip rose

"Ano yun?"

"Anong kukunin mo sa college?"

"Pilot. Parehas kaming dalawa" napatingin ako kay Joseph na kararating lang at dala ang niorder namin

"Yah" sabi nalang ni Polmer

"Ikaw?" tanong ni Joseph sa'kin pagkatapos pamigay ang pagkain namin

"Hindi ko pa nga alam eh. Baka mag HRM ako or about business" sabi ko

Pagkatapos nun ay kumain nalang kami ng tahimik.

Pagkatapos kumain ay bumiyahe na ulit kami, late na kaya binilisan ng konti ni Polmer ang pagmamaneho.

"Unahin mo nang idrop si Ayeana, bro" sabi ni Joseph sa likod

"No, ikaw na mauna. I want to see your house" pagtanggi ko

"Ikaw na Aye-"

"Please~~" sabi ko at tumingin sa kanya sa likod

"Fine" he just held his breath and I smiled big in his reaction

Matagal-tagal din bago kami nakarating sa bahay nila Joseph, modern house siya na may mini garden sa harap.

"Sorry kung nalate ka ng uwi dahil sa'kin"

"Nah, ok lang basta ikaw" sabi niya at kumaway bago tuluyang pumasok sa bahay nila

Tahimik lang kami ni Polmer, naging mabilis lang naman ang biyahe at narating na namin ang apartment

"Thanks and sorry kasi nalate ka na din ng uwi" sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt ko

"It's okay" sabi niya, I just smiled and was about to get out of the car when he spoke

"May gagawin ka bukas?"

"Umm, magpapahinga lang. Bakit?"

"Ok, sige magpahinga ka nalang. Rest well" he said with a big smile

Naguguluhan man ay ngumiti nalang ako at bumaba ng sasakyan.

I waited for him to leave before coming in, and I caught Angel watching in the living room.

"Oh, buti umuwi ka pa?" she said looking at T.V.

I didn't answer and went to my room to bathe.

Lumabas ako ng kuwarto nang makapagpalit ako ng pambahay at sinamahan siya sa sala, tinabihan ko siya at yinakap

"Musta?" sabi niya habang pinaglalaruan ang buhok ko

"Pagod"

"May nalaman ka?"

"Marami"

"Pumasok ka na sa kuwarto, magpahinga ka na ha?" she says with a gentle voice, I smile and hug her tightly before going to my room.

As I lay thinking about what had happened today, I remembered what she had said before we left

"Reyes. Reyes ang totoo mong apelido, hija"

"Reyes" sabi ko sa sarili ko, bumugtong hininga nalang ako at ipinikit ang mga mata ko.

"Rest well"

I laughed as I remembered Polmer's face before I dropped off his car

"Adik" sabi ko na nakangiti at tuluyan nang nakatulog.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

JJJ

World Full of Love (High School Series 1)Where stories live. Discover now